CHAPTER # 57*aksidente*

843 31 0
                                    

JUSTIN P.O.V

"anong ginagawa niyo dito?"takang tanong ko kina harry at tom pagkapasok nila sa kwarto ko, hingal na hingal sila dahil sa mga itsura nila. Ano nanaman kayang problema?

"ka-kasi si mi-mia"utal utal na sabi ni harry habang hingal na hingal siya kaya hinampas niya si tom para siya na ang magsalita. Tumayo na ako sa kama ko.

"anong tungkol kay mia?"takang tanong ko sa kanila, may nangyare nanaman ba sa kaniya??

"wait lang"wika naman ni tom.

Mga ilang minutes kaming di nag salita at nung di na hingal sila si tom na ang nag salita.

"tumawag si king sa akin bakit daw nasasaktan nanaman si mia dahil sa kaniya, ano ba daw ginawa natin"wika niya sabay kamot sa ulo niya.

"wala kabang sinabi na?? Lahat na ginawa natin para di sila mag kita pero sadyang mahirap talaga"wika ko naman kay tom, hinawakan niya ang balikat ko.

"sinabi ko lahat yun."wika naman niya.

"pero tin nasa ospital si mia ngayon nahulog daw siya sa hagdan"sabi naman ni harry kaya tumingin ako sa kanilang dalawa.

"paano nangyare yun?"takang tanong ko ulit sa kanila.

"hindi sinasadya na masigawan ni king si mia, nanlabo daw siguro ang paningin niya kaya siya nawalan ng malay at nahulog sa hagdan"kwento sa akin ni harry.

*

Kinuha ko agad ang susi sa kotse ko tska kami umalis ng bahay at pumunta sa ospital. Pagdating namin dun nakita naman agad namin sila king at hanna, umiiyak si hanna.

"bakit mo ba kasi sinigawan pa si mia?"inis na tanong ko kay king, tumayo siya ng galit din ang mukha kaya inawat nila kami.

"akala ko ba poprotectahan niyo ang kapatid ko sa gagong lucky na yun, anong ginawa niyo?? Pinabayaan niyo siyang umiyak nalang"galit din na sabi ni king.

"hindi naman namin siya pinabayaan huh, di lang namin alam na sa music room pala sila nagkita"

"ano ba tama na wag na kayong mag away"awat naman sa amin ni hanna, inalis ko ang kamay ni tom sa braso ko at tinignan ko ng masama si king.

"kung hindi mo sana sinigawan si mia ede sana wala siya dito ngayon"pagpaparig ko kay king sabay tingin sa kaniya.

"justin ano ba tama na"pigil naman sa akin ni hanna.

Bakit, mali ba ang sinabi ko?? Siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit nahulog si mia sa hagdan. Hindi niya ata naalala na may ashma si mia kaya siya nawalan ng malay at nahulog sa hagdan kakaiyak niya.

"ano ng balita?"tanong ni harry sa kanila.

"sabi ng doctor hindi pa daw magigising si mia ngayon siguro bukas nalang daw"wika naman ni hanna.

"anong klaseng doctor sila?? Dapat alam nila kung anong oras magigising ang patiente nila"inis na sabi ko naman sabay tayo kaya tumayo na ulit si king.

"ikaw nalang kaya ang maging doctor total alam mo naman lahat diba"galit na sabi niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng bigla nanaman kaming inawat ni hanna. Pinigilan ko na lang ang sarili ko para di mainis kay king. Nakakapikon kasi dahil sa kaniya naaksedente tuloy ang kapatid niya.

*

Pumasok kami sa loob at nakita namin si mia wala parin siyang malay hanggang ngayon. Hinawakan ko nalang ang kabilang kamay niya.

"sorry wala akong nagawa"mahinang sabi ko sa sarili ko sabay yuko. Hindi lang si king ang may kasalanan dito kundi kaming lahat. Nadala lang talaga ako sa galit at emosyon ko kaya ako nagalit sa kaniya.

"kukuha na muna ako ng mga gamit ni mia, samahan mo ako king"wika ni hanna, hindi na nagsalita si king kasi hinila na siya ni hanna palabas kaya kaming tatlo nalang ang nandito.

Kumuha ng upuan si tom at pinaupo niya ako sa gilid ng higaan ni mia, nakahawak parin ako sa kamay niya.

"bro iwan ka muna namin dito"wika ni harry sabay tapik sa balikat ko kaya lumabas na sila ni tom at ako nalang mag isa ang naiwan dito.

Tumingin ako kay mia at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya sabay yuko.

"mia im sorry wala akong nagawa, hindi ko napigilan si lucky.Hindi ko kasi alam na lumapit pala siya sayo. Alam ko mahal mo pa din siya pero sana maramdaman mo rin na nandito lang ako para sayo. Hindi bilang kaibigan, higit pa sa kaibigan ang gusto ko"wika ko sa kaniya, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mata ko.

"kahit anong gawin kung pagkalimot sa nararamdaman ko sayo kasi kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin pero hindi ko maiwasang di mahulog ng tuluyan sayo kasi ang bait mo at may mabuti kang kaluoban. Mia sana maramdaman mo rin na mahal kita higit pa sa pagkakaibigan natin"wika ko sabay tingin sa kaniya."hindi ko maamin sayo ng harap harapan kasi alam kung si lucky parin ang nasa puso mo, kapag umamin ako wala ding mangyayare"

*

Sinayang ko lang ang mga taon na ako pa ang minahal ni mia, sinayang ko ang lahat dahil akala ko si hanna na talaga ang makakatuluyan ko pero biglang nag bago ang lahat nung makilala ko na ng lubusan si mia. Ibang iba ang ugali niya sa ibang babae kung ikukumpara mo kaya hindi mo talaga maiwasang di mahulog sa ganito kagandang babae at mabait pa.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, pipiliin ko yung mahal pa ako ni mia. Hinding hindi ko siya sasaktan. Alam ko dati sinaktan ko siya kasi nalaman niya na si hanna pala ang girlfriend ko. Kung kailan ako na ang nagmamahal sa kaniya ngayon pa talaga na hindi na niya ako mahal, kasi binubuhos na niya lahat ng attention niya sa kaibigan mong sira ulo.

*

*

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon