CHAPTER # 27*police*

1.1K 50 4
                                    

LUCKY P.O.V

Nasa prisinto parin ako ngayon kasi wala pa talagang balita kay mia please lord sana matagpuan na namin siya, nag aalala na talaga ako sa kanya..

"sir umuwi muna kayo sa bahay niyo kahapon pa po kayo nandito"sabi nung police, simula nung nawala si mia hindi na ako umalis sa pricinto!!

"anong klaseng mga police kayo hindi niyo pa nahahanap si mia"galit na sabi ko dun sa police sabay tayo at napahawak ako sa ulo ko para hindi na sumakit!!

"pasensya na po kayo sir gusto lang po talaga niya na mahanap na si mia"

Tumingin ako sa nag salita at nakita ko si nadz kaya lumabas ako ng pricinto..

"ano masaya kana kasi wala na si nadz sa buhay naming apat"galit na sabi ko sa kanya..

"oo aaminin ko masaya ako pero nasasaktan ako kasi simula nung mawala si mia hindi kana umuuwi sa bahay niyo hindi kana kumakain, lucky naman anong gusto mo mamatay ka?"

"sana nga"sabi ko sa kanya kaya napahawak siya sa braso ko..

"lucky wag kang ganyan.... Sabihin na nating nandito si mia ngayon tinitignan ka niya pero magiging masaya ba siya kung ganyan ka" May point si nadz kapag bumalik na si mia dito magiging malungkot siya kasi ganito na ako hindi ako kumakain hindi ako natutulog dahil sa kanya, pero bakit naman malulungkot si mia eh wala naman siyang paki alam sa akin diba!!

"nadz hindi ako mahal ni mia at wala siyang paki alam sa akin"sabi ko naman sa kanya..

"lucky meron kaya please kumain kana"pagmamakaawa niya sa akin..

*

Pumunta kami sa jollibee malapit sa pricinto at dun kami kumain ni nadz kahit ayaw kona makasama siya pero no choice ako!!

"wala parin bang balita kay mia hanggang ngayon?"tanong niya sa akin..

"sa tingin mo kung meron na nandun parin ako sa pricinto"sagot ko naman sa kanya..

"lucky nag tatanong lang ako"

"alam ko yun kaya nga sinasagot kita diba"

"oh look si tin kasama ang ate ni............ What nag dadate sila ni hanna at tin?"gulat na sabi ni nadz kaya hinila ko siya palabas ng jollibee at bumalik kami sa pricinto..

"hindi mo ipag sasabi ang nakita mo kanina kung ayaw mong magalit ako sayo"sabi ko sa kanya..Habang nakahawak ng mahigpit sa braso niya.

"oo hindi ko sasabihin"takot na sabi niya sa akin at binitawan ko na ang braso niya ng pabagsak at pumasok ulit kami sa pricinto!!!

"king may sasabihin ako sayo"seryosong sabi ko kay king kaya sinundan niya ako papunta sa labas ng prisinto!!

"bakit anong problema?"hindi rin maipinta ang mukha ni king..

Simula nung mawala si mia halos araw araw hindi maipinta ang pagmumukha naming tatlo ewan ko lang kung ganon din ba si tin..

"nakita ko si tin magkasama sila ng ate mo"sabi ko sa kanya kaya hinawakan niya ako sa balikat ng mahigpit at lumapit siya sa akin..

"saan mo nakita" Nagkagulo na ang mga kilay ni king sa galit!!

"king chill ka lang pagkatapos nating mahanap si mia saka natin balikan si tin"

"sabi ng police nakita na daw nila si mia sa isang bayan"

Lumaki ang mata ko kasabay non napangiti ako sa tuwa kasi finally makikita kona siya!!

"tara puntahan na natin siya"excited na sabi ko sa kanya..

"tara"sabi naman ni king kaya pumasok kami ulit sa prisinto..

Sana nga si mia yung nakita nila. Hindi ko maiwasan na di maexcited lalo na kapag nakita ko siya!!! Salamat lord dininig mo ang hiling ko!!!


HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon