CHAPTER # 8*HOTDOG 😂*

1.7K 70 0
                                    

Nakatulog na pala ako kakaiyak at umaga na akong nagising kaya bumangon ako sa kama ko at tumingin ako sa salamin..

"hindi naman siguro ako masama diba?"tanong ko mismo sa sarili ko!!

"baka sasagutin ka ng salamin niyan?"

Napaharap ako kung sino ba ang nag salita at nakita ko si kuya king kaya umupo ako sa kama ko, tumabi naman siya sa akin sabay akbay..

"mia i'm sorry for what i do can you forgive me?"napatingin ako kay kuya sabay yakap ng mahigpit, malambot naman kasi ang puso ko kaya nagpapatawad ako agad at hindi ko kayang palakihin pa ang gulo lalo na sa pamilya ko..

"ok lang kuya"nakangiting sabi ko sa kanya..

"wag kang mag alala kikilalanin kana bilang kapatid ko sa school at wala ng mananakit sayo kahit isa kasi kapag nangyare yun patay ako sa ate mo"napakunot ako ng noo sabay tingin kay kuya..

"ate natin"sabi ko sa kanya sabay ngiti kaya ginulo niya ang buhok ko..

"ang aga aga ang sweet ng magkapatid ko hindi man lang ako niyaya"Napatingin kami kay ate sabay ngiti at hinila ko siya kaya nag group hug kami..

"sana lage tayong ganito wag kayong mag aaway dahil lang sa akin"sabi ko sa kanila..

"mahal na mahal ka kasi namin mia kaya kapag may nangyare sayo hindi namin mapapatawad ang sarili namin kaya mag iingat kana sa susunod"sabi ni kuya king kaya tumango nalang ako..

"maligo kana tapos sabay na kayo ng kuya mo"sabi ni ate hanna kaya umalis na sila..

Pagkatapos kung naligo nagbihis na ako at bumaba na, pagkababa ko nakita ko si lucky nanunuod ng t.v kaya napakunot ako ng noo.

"anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya habang nakahawak sa bewang ko..

"bakit bawal bang manuod ng t.v?"sabi naman niya..

"bakit wala ba kayong sariling t.v?"

"naputolan kami ng kuryente"sabi niya sabay higa sa sofa namin, napakamot naman ako sa ulo ko..

"bakit dito ka nanunuod?"sabi ko naman sa kanya..

"bakit masama ba?"

"alam niyo bago ko pa masabi na "bagay kayo" tumigil na kayo dyan at kumain kana dito mia"sabi ni ate kaya pumunta ako sa may kusina..

"lucky kumain kana ba?"tanong ni kuya sa kanya..

"hindi pa kaya makikikain ako"sabi naman niya sabay punta sa tabi ko at kumuha ng plato si ate hanna..

"alam mo mayaman naman kayo bakit ka nakikinuod/ nakikikain sa bahay namin?"sabi ko sa kanya..

"masama bang pumunta dito?"sabi naman niya sabay subo sa pagkain at tumingin siya sa akin..

"kumain nalang kayo dyan kesa sa mag away pa kayo"nakangiting sabi ni ate hanna sa akin..

Kumuha ako ng kaisa isang hotdog na favorite ko pero sa magkabilang dulo nung hotdog nakatusok ako at yung tinidor niya kaya nagkatinginan kaming dalawa..

"akin na yan"sabi ko sa kanya sabay abante ng plato.

"bakit ko naman ibibigay to kung ako naman ang nauna?"nakangiting sabi niya sa akin sabay atras sa plato..

"nakikikain kana nga lang dito pati favorite ko aagawin mo"sabi ko sa kanya sabay abante sa plato..

"magluluto nalang ako ng isa at wag kayong mag away dahil lang sa isang hotdog"sabi ni ate hanna at nag luto na siya..

"sayo na yan, akin na yung bagong luto"sabi niya sa akin kaya tinignan ko siya ng masama..

"akin yun sayo nalang to"sabi ko naman sa kanya..

"dalawang hotdog ang niluto ko kaya wag na kayong mag away"sabi ni ate hanna..

Tinignan ko siya ng masama at pagkatapos maluto nung hotdog kumain na kami.. Pagkatapos naming kumain umalis na kami.

"kuya mamaya pala dadaan ako sa park may titignan lang ako kaya wag niyo na akong hintayin sa bahay"sabi ko kay kuya king, hindi siya makatingin sa akin kasi nag mamaneho siya..

"hindi din ako uuwi sa bahay mamaya, makikitulog ako kina lucky"

Tumingin ako kay lucky at nakatingin lang siya sa cellphone niya at seyoso ang mukha..

"bakit ganyan ang mukha niya kahapon pa yan ganyan hindi maipinta kapag nakaharap na siya sa cellphone niya?"tanong ko kay kuya at humarap na din ako kay kuya..

"hindi maipinta ang mukha niya kasi babalik na ng pinas ang ex niya"mahinang sabi naman ni kuya sa akin..

"oh anong problema dun?"tanong ko naman sa kanya..

"mahal niya pa ang ex niya kaso may mahal na din siyang iba"sabi ni kuya at tumingin siya sa akin saglit, napatingin ako kay lucky. May babae din pala siyang seneryoso? Akala ko lahat sa kanya isang laro lang hindi pala!

"may sineryoso na pala siyang babae?"tanong ko kay kuya king..

"oo naman at yun ang pinaka mamahal ni lucky kaya nung mawala siya ng dahil sa iangaw siya ng-----"

"tama na king wag mo na ikwento ang buhay ko, nandito na tayo"mahinang sabi ni lucky at bumaba na siya ng kotse, di ko namalayan nasa parking lot na pala kami..

Nung bumaba si lucky sa kotse ni kuya king hinabol ko siya apaunta sa taas buti nalang nahabol ko siya..

"king saglit lang"pag pigil ko sa kanya at hinawakan ko ang siko niya..

"bakit?"tanong niya sa akin at hindi pa siya lumilingon sa akin, binitawan ko na ang siko niya at dun na siya lumingon sa akin..

"sorry kanina pati narin kahapon"sabi ko sa kanya..

"ok lang yun"walang emosyon na sabi niya at tinalikoran niya ako ulit..

"ky wait lang"sabi ko at nahawakan kona nag kamay niya kaya tumingin siya sa kamay namin sabay ngiti..

"alam ko naman na may gusto ka sa akin"sabi niya ng nakangiti, binitawan kona ang kamay niya..

"wala no at never kitang magugustuhan"sabi ko sa kanya..

"bakit ka nakahawak sa kamay ko?"sabi niya sabay taas kilay at lumapit siya sa akin..

"wala lang"sabi ko naman.

Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at pagkatingin ko sa kanya nakangiti lang siya sa akin..

"alam kung gwapo ako kaya wag ka ng mag maang maangan alam kung type mo ako"sabi niya, inalis ko ang kamay niya sa kamay ko at umalis na ako.. "bye BABY"sigaw niya..

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon