CHAPTER # 31*true fellings*

1.4K 56 1
                                    

"tin may gusto sana akong sabihin sayo eh"nahihiyang sabi ko sa kanya, nakalagay ang mga kamay ko sa likoran ko habang nakatingin naman ako sa sahig, time na siguro para malaman niya na gusto ko siya wala namang masamang umamin diba basta sasabihin kona to!! Kinakabahan ako oh my god anong gagawin ko!!

"ano naman yun?"nakangiting sabi naman niya sa akin..

"ano kasi....... nahihiya ako eh" Sabihin mona mia pabebe kapa!!

"wag kang mahiya, ano yun?"sabi niya kaya tinaas ko ang ulo ko, anong sasabihin ko nabubulol na ata ang mga dila ko!!

"ano...... amh gu-gusto kita"mahinang sabi ko sabay yuko ulit..

Diko alam kung ano ang magiging reaction ni tin basta inamin kona ang true feelings ko para sa kanya..

"ah ganon ba"

Ano napahiya ka mia noh yan kasi assuming akala mo naman magkakagusto sayo si tin eh hanggang panaginip kalang ui!!

"tin alam kung hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin, pero ok lang yun atleast masaya ako na kasama kita"nakangiting sabi ko sa kanya at tinaas ko ulit ang ulo ko..

"mia i'm sorry"mahinang sabi niya sa akin kaya tumaas ang kilay ko saay ngiti, bakit siya humiingi ng sorry sa akin eh wala naman siyang kasalanan..

"bakit may nagawa kabang mali?"takang tanong ko sa kanya..

"oo alam kung masasaktan kita kapag nalaman mo"sabi niya sa akin..

May dapat ba akong malaman?? May secreto ba silang di sinasabi sa akin??

"bakit naman ako masasaktan kapag sinabi mo yun?"tanong ko sa kanya..

"kasi minahal mo ako ng tudo at sorry kasi hindi kita gusto"

HINDI KITA GUSTO
HINDI KITA GUSTO
HINDI KITA GUSTO

Rag rerewend sa isip ko ang sinabi ni tin sa akin kaya napangiti ako, atleast nalaman ko ang totoo diba!! Hindi niya ako mahal kasi may iba na siyang mahal!!

"alam ko yun pero ang gusto ko malaman sinong nagpapatibok ng puso mo" Alam kung ilang minutes nalang tutulo na ang luha ko sa sakit na sianbi niya sa akin kaya yumuko nalang ako para di niya ako makita..

"sorry talaga mia"mahinang sabi niya sa akin..

Unti unti na siyang umaalis sa harapan ko kaya dun na tumulo ang luha ko, bakit tin?? Bakit di mo sabihin sa akin kung sino?? Nasasaktan ako oh sana ramdam mo yun!! Mahal kita pero may mahal ka ng iba!!

Napaupo ako sa kinatatayuan ko ang dun na ako humagolgol sa pag iyak, mahal kita pero pinapalaya na kita alam kung never mo akong magugustuhan kasi isa lang akong panget walang kwenta at neird. Pero tin sabihin mo naman sa akin kung sino yung babaeng nagpatibok ng puso mo para hindi ako maging tanga!!!

"bakit ka umiiyak?"

Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si lucky kaya tumayo ako at pinunasan ko ang luha ko..

"ang sakit palang sabihan ng 'hindi kita mahal' mismo sa harapan mo pa, at yung taong mahal mo pa ang magsasabi sayo non"umiiyak na sabi ko habang nakayuko ako..

"si tin nanaman?"

"hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko mapigilang di umiiyak sa tuwing naaalala ang sinabi niya sa akin, sana hindi siya manhid sana hindi niya ako pinaasa"tuloy tuloy parin ang pag iyak ko..

"manhid ka din naman eh"

Napatingin ako sa mukha niya, anong ibig niyang sabihin!!

"hindi mo alam kung gaano nasasaktan ang taong lihim na mahal ka sa tuwing iba ang binabanggit mo sa kanya, nasasaktan siya sa tuwing iba ang iniiyakan mo, nasasaktan siya kapag umiiyak ka mismo sa harap niya, nasasaktan siya kasi iba ang mahal mo at hindi siya at ang mas malala pa dun nandyan na siya sa tabi mo pero iba ang hinahanap mo at hindi siya"
Diko alam kung anong sasabihin ko kay ky kasi malungkot na ang mukha niya ngayon..

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon