CHAPTER # 1 *4 BAD BOYS*

3.8K 84 3
                                    

Mia p.o.v

Nasa library ako ngayon at balita ko ngayon daw lilipat ng school sila ni kuya king kaya hindi ako excited, sabi kasi ni kuya ibang apelyedo daw ang gagamitin niya at hindi ang"lopez" well hindi ko naman alam kung bakit basta ang sabi niya hindi daw niya ako kilala pagdating sa school kahit na kapatid ko siya!!

"MIA"

Napalingon kaming lahat sa sumigaw pati yung librarian tumingin..

"Shut up"galit na sabi nung librarian..

"sorry po"mahinang sabi niya..

Pumunta sa siya pwesto kung saan nandito ako..Siya nga pala si jem ang number one kaibigan ko sa school!!

Sa lahat ba namang estudyante na gustong makipag kaibigan sa kanya ako pa ang pinili niya ang super loner ng bayan!! Sabi kasi niya mas maganda daw kaibiganin ang mga loner kasi hindi daw plastik kaya ayon naging magkaibigan kami!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa lahat ba namang estudyante na gustong makipag kaibigan sa kanya ako pa ang pinili niya ang super loner ng bayan!! Sabi kasi niya mas maganda daw kaibiganin ang mga loner kasi hindi daw plastik kaya ayon naging magkaibigan kami!!

"bakit jem anong balita?"tanong ko sa kanya..

"paparating na ang mga black dragon kaya pumunta na tayo sa gate madaming nag aabang sa kanila dun at chaka makakasama kon ang number one crush kona si tom"sabi niya sabay tingin sa taas para siyang sira..

Hinila na niya ako paalis ng library at tumakbo kami papunta sa may gate at nandun na ang mga black dragon, hindi pa sila nakakababa ng kanya kanya nilang kotse nag sigawan na ang mga tao dito nakakabingi..

"excuse me po"sabi ni jem, gusto kasi niya na nasa harap kami kaya dun talaga kami pumunta.. Nung nasa harap na kami hindi ko maiwasan di mapangiti kasi makakasama kona ang kuya king ko sa school pero may lungkot din naman kasi hindi niya ako kikilalaning kapatid kapag nasa school na kami.. Kasalanan ko bang pinanganak akong panget??

"TOM LUMABAS KANA DYAN"sigaw ko jem sabay kilig, tinakpan ko naman ang tinga ko kasi subrang ingay talaga..

Unang lumabas sa kotse ay ang leader nila si lucky, lumabas siya sa red na kotse. Nagtilian naman lahat ng babae nung lumbas siya, ngumiti siya sa lahat ng nasa paligid pero tinutukan niya ako di ko naman maiwasan di tumingin sa kaniya, tinanggal na niya ang shade niya sa mata.

"OMG ANG GWAPO MO LUCKY AHHHH"sigaw ng mga babae kaya tinakpan ko ulit ang tinga ko..

Lumapit siya sa akin sabay ngiti..

"nice to meet you again"nakangiting sabi niya sa akin kaya ang mga tao dito sa paligid hindi na nagsigawan, nakatingin lang ako sa kanya..

"bro it's my turn"napatingin kaming pareho sa nag salita at nakita namin si tom na lumabas sa blue na kotse kaya nagsigawan ulit kasama na syempre si jem, siya kaya ang number one fans niya..

"TOM, OMG ANG HOT MO AHH"sigaw ni jem habang tumatalon sa kinatatayuan niya..

"ang ingay mo naman"sabi ko sa kanya..

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon