CHAPTER # 43*danger*

1.1K 45 1
                                    

lyca p.o.v

"bi"sigaw ko sa kanya habang nag tatago ako sa puno ng mangga. Tinatagoan ko lang naman siya kung matalas ba ang mata niya kaya pinipilit kung hindi matawa para di niya ako makita!!

"alam mo bi ang mabuti pa lumabas kana dyan baka may iba kang makita bahala ka"sabi niya sa akin sabay crossarm kaya napasimangot ako, ang sabihin niya siya ang natatakot kasi malapit ng dumilim nandito parin kami sa gubat!!

May camping kasi kami sa school pinasama naman ako ni kuya luke kaya nandito kami ngayon buti nga pinasama din tong si jayson kasi bawal siyang maggala kahit saan !!

Lumabas na ako sa kinatataguan ko ng nakasimangot kaya humarap siya sa akin ng nakangiti sabay lapit sa akin!!

"alam mo wag na tayong mag tago taguan baka may mahanap pa tayong iba"nakangiti parin siya sa akin sabay akbay kaya ngumiti na rin ako!!

"bi ilan na nanging ex mo?"nag change topic ako!!

Papunta na kami ngayon kung saan nandun yung teacher namin pero may madadaanan muna kaming ilog kasi malayo layo ang napuntahan namin!!

"amh bago naging tayo naging kami muna ni queen tapos...... alam kona pang 34 kana sa listahan ko"nagulat ako sa kanya at tinulak ko siya ng malakas kaya napatumba siya pero sadyang tarantado lang to kaya tumatawa parin alam ko anman na inaasar nanaman niya ako!

"hindi ako nakikipag biruan sayo"galit na sabi ko sabay snob sa kanya at nag lakad na ako!!

"alam mo bi bakit matampuhin ka?"tumatawang sbai niya.

Nakakainis siya kala mo naman nakakatawa tsk!! Akalain mo yun pang 34 na pala ako sa listahan niya tapos tatawa tawa pa siya samanthalang ako unang una ko pa lang siya!!

"hoy hintayin mo ako"sigaw niya sa akin, malayo layo na din kasi ako!

"manigas ka"sabi ko naman sa kanya, nakataas parin ang kilay ko kasi galit talaga ako sa kanya!!

May narinig akong nag tatakbuhan papunta sa amin kaya lumaki agad ang mata ko at handang ng tumakbo ang mga paa ko kasi ayoko ng ganito sa gubat natatakot ako!! Tatakbo na sana ako ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko!!

Nagtago kami sa puna ng mangga marami kasing puno dito at malalaking bato kaya dun na kami nag tago.Hindi parin niya inaalis ang kamay niya sa bibig ko kaya tumingin ako sa kanya nakita ko anman si jayson na seryosong nakatingin sa dadaanan dapat namin!!

"anong nangyayare?"takang tanong ko sa kanya kaya binitawan na niya yung bibig ko at tumingin siya sa akin!!

"iba dito kapag may ganyan may nag aaway kaya nag sitakbuhan ang mga tao na nandito, kapag nahuli ka nila hindi ka nila papakawalan hanggat di ka nasa kabaong"bigla akong kinilabutan sa narinig ko sa kanya kaya tumingin ako sa daan!!

"ganito ba dito?"

"hindi mo pa kasi alam kung anong nasa likoran ng gubat na to kaya wag kang maglalakad ng ikaw lang mag isa"sabi niya sa akin kaya tumango lang ako!!

Tinakpan ulit niya yung bibig ko ng muntik na akong mapasigaw kasi dumadating na yung mga sinasabi niya sa akin, madami sila at may kanya kanyang kahoy na dala halata naman na mag bibiktima sila!! Saan kaya sila pupunta??

"boss mukhang walang tao dito"sabi nung isa sa kanila habang nakatapik dun ata sa boss nila!!

"mag hanap pa kayo"kinilabutan ako sa narinig ko , nakakatakot ang boses nung leader nila kaya hindi kona sila tinignan..

Lumapit naman yung noo ni jayson sa noo ko kaya tumingin lang ako sa mata niya!!

"wag kang matakot hindi kita iiwan"bulong niya sa akin kaya ngumiti lang ako!!

Magkadikit parin ang noo naming dalawa at nakahawak ang kamay sa isat isa, subrang bilis na ng tibok ng puso ko sa takot baka kasi makita kami dito!!

May tumulo ng luha sa mata ko at nanginginig na yung buong katawan ko sa takot hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi hindi parin umaalis yung mga lalaki kung saan dun dapat kami dadaan!!

"shh wag ka ng umiiyak"mahinang sabi niya sa akin habang nakahawak lang sa kamay ko at nakadikit parin ang noo namin!!

"natatakot ako"nanginginig na din pati yung boses ko kaya niyakap niya ako agad at hinaplos niya ang likoran ko!!

"sabi ko sayo diba hindi kita iiwan kaya wag ka ng umiiyak"sabi naman niya sa akin kaya mas lalo lang tumulo ang luha ko pero kinagat ko ang labi ko para hindi tumunog!!

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya yung mukha ko, nanginginig parin ako hanggang ngayon kaya hinawakan niya yung dalawa kung kamay!!

"maya-maya aalis din sila kaya dun tayo makakapag tyempo na aalis"sabi niya sa akin kaya tumango lang ako!!

"boss mukhang wala namang tao dito sa gubat"narinig kung sabi nung lalaki sa boss niya!!

"sige mag hanap pa tayo dun"

Unti unti kaming tumitingin sa daanan kaya nung umalis na sila dahan dahan kaming lumabas sa pinag tataguan namin!!

"tara na"sabi ni jayson sa akin kaya tatakbo na sana kami ng biglang may humarang sa daanan namin!!

"anong akala niyo mga tanga kami para hindi malaman na kanina pa kayo nag tatago dyan sa puno ng mangga"galit na sabi nung lalaki sa amin, niyakap anman agad ako ni jayson at tinakpan niya yung mukha ko gamit yung jacket niya!!

"sino siya? Babae ba yan?"sabi nung isa, hindi ako tumingin sa kanila, pati yung buhok ko tinago ni jayson at hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin!!

"hi-hindi"utal na sagot ni jayson..

Napahawak ako ng mahigpit sa damit ni jayson at tuloy tuloy ng tumulo ang luha ko sa takot!!

"ginagago mo ba kami?"galit na sabi nung isa..

"wag niyo siyang saktan ako nalang"sabi naman ni jayson..

Pinag hiwalay kaming dalawa ni jayson kaya napaupo ako sa lupa at si jayson naman hinahawakan ng dalawang lalaki!!

"boss babae nga tignan mo ang ganda"sabi nung isa sabay kagat labi kaya bumilis nanaman ang tibok ng puso ko!!

"please po pakawalan niyo na kami"pag mamakaawa ko sa kanila habang tumutulo ang luha ko!

"alam mo ang ganda ganda mo at ang kinis ng balat mo"sabi niya habang papalapit sa akin!!

"please po wag po yung girlfriend ko kahit anong gawin niyo sa akin basta wag lang po siya"sabi naman ni jayson!!

Palapit ng palapit yung lalaki pero ako palayo ng palayo!!

"alam niyo matagal na kaming hindi nakakatikim ng ganyang kagandang babae"sabi nung isa sabay tawa, dyos ko po lord tulungan niyo po kami!!

"ano bang gusto niyo"sigaw ni jayson!!

"anong gusto namin?? Yung girlfriend mo"sagot naman nung isa sabay tawa!!

*

"alam niyo sa lahat ba naman na bibiktimahin niyo mga kaibigan ko pa"

Napalingon ako sa nag salita at nakita ko si king, kaibigan ko!!

"isang bata lang pala"sabi nung isa at susugurin na sana si king..

"opss isa nga lang akong bata pero....." Ngumiti siya sa akin sabay kindat..

Lumabas bigla yung mga police na kasama niya kaya inaristo na yung humuli sa amin buti nalang dumating si king!!

"lyca ok kalang ba?"alalang tanong niya sa akin ngumiti lang ako sa kanya..

Hahawakan na sana ako ni king kaso pinigilan siya ni jayson."wag mong hawakan ang gf ko"galit na sabi niya sabay hila sa akin..

"salamat king"sigaw ko sabay wave sa kamay ko..

Tsk napaka seloso talaga nitong lalaking to kala mo naman ipag papalit ko siya!!

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon