CHAPTER # 26*forget tin*

1.2K 47 0
                                    

Hinila niya ako papunta sa bundok pero malapit lang dito , wow subrang ganda kaya napanganga ako sa kagandahan ng kabundukan dito!!! Umupo kami sa may damo pero bago ako umupo hinubad muna niya ang jacket niya at yun ang inupuan ko..

"saan mo nahanap ang lugar na to?"tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa bundok.

"simula nung iwan ako ng babaeng mahal ko dito na ako tumatambay kapag malungkot ako, dito ko binubuhos lahat ng galit ko"

"so pwedeng sumigaw dito?"tanong ko,tumango naman siya sa akin kaya tumayo ako sabay ngiti..

"kahit anong gusto mong sabihin isigaw mo lang para mawala"sabi naman niya at tumayo na din siya..

*

Isa lang ang tanging isisigaw ko dito at yun ay makalimutan kona si tin makalimutan kona ang lahat ng sakit, hirap na dinaranas ko ng dahil sa kanya makalimutan kona lahat ng puot sa puso ko.. Gusto ko na makita nila ako na nakangiti masaya tulad nung dati hindi yung malungkot dahil lang sa isang lalaki!!

*

Pinikit ko ang mata ko at nilanghap ko ang sariwang hangin dito, maya maya tumulo na nalang bigla ang luha ko kaya dun an ako sumigaw..

*

"TINNNN SANA ALAM MONG MAHAL KITA SANA HINDI KA MANHID SANA AKO NALANG ANG BABAENG MAHALIN MO..... KUYA KING"napayuko ako at sabay sabay paring tumutulo ang luha ko sa mata kaya hinaplos ni harry ang likoran ko.. Inangat ko ulit ang ulo ko at sumigaw "KUYA KING PASENSYA KANA KUNG UMALIS AKO NG DI NAGPAPAALAM SA INYO, SORRY KASI HINDI KONA KAYO GINAGALANG NI ATE HANNA DAHIL LANG KAY TIN ....."

"mia tama na ok na yun"sabi ni harry sa akin kaya napayakap ako sa kanya..

"sana hindi ko nalang siya nakilala kung ganito kasakit na ipag hiwalay kami ni tin sa isat isa"patuloy parin akong umiiyak...

"hindi sa lahat ng oras hindi ka masasaktan kasi ang kapalit ng pag ibig ay ang masaktan kaya taha na wag kana umiyak"

Nakayakap parin ako sa kanya at nung lumuwag na ang pakiramdam ko humiwalay na ako sa pagkakayakap..

"harry salamat sa lahat kahit na kunting oras o panahon lang tayo nagka sama naging masaya ako na naging kaibigan kita alam mo ba ikaw lang ang tanging lalaki nakipag kaibigan sa akin, salamat talaga sana hindi mo ako makalimutan"nakangiting sabi ko sa kanya.

"ano kaba mukhang nagpapaalam ka na hah, matagal pa tayong magkakasama"

"mukhang malabo na yun kasi hinahanap na talaga ako sa bahay namin at alam kung madadamay kayo kung matatagpuan ako sa bahay niyo kaya ako nalang ang aalis sa bahay niyo"sabi ko sa kanya natulala naman si harry sa sinabi ko..

"kailan ka aalis sa bahay namin?"tanong niya sa akin..

"bukas na siguro"sagot ko naman sa kanya..

"malulungkot nanaman ako kasi wala kana" Tumawa ako sa sinabi niya sabay tapik sa likoran niya..

"basta ito ang promise natin sa isat isa hindi ka magiging malungkot kahit na wala na ako kasi hindi kagwapo kapag nakasimangot ka lage dapat smile ka lang"sabi ko sabay smile kaya ngumiti na rin siya..

"tara na uwi na tayo baka hinahanp na tayo nila nanay at tatay"sabi niya sa akin at inalalayan niya akong bumaba sa may batuhan!!!

*

*

Naging masaya ako kasi naging kaibigan ko si harry sana hindi niya ako makalimutan kahit na aalis na ako sa bahay nila!!!

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon