CHAPTER # 55 *mga alaala*

931 31 0
                                    

Nasa office kami ngayon. Nakatingin lang ako ng masama kay nadz, dahil sa kaniya naoffice kaming dalawa ni jem. Buiset naman yan tuloy may record na kami sa office. Tang ina nakakapikon.

Paglabas namin ng office inabangan ko si nadz, tumingin siya sa akin ng nakangiti kaya inakbayan ako ni tom.

"babe, gusto kung gumala tayo" nang aasar ba tong bruhang to. Sa harap ko pa talaga, tang ina niyong dalawa.

"sure"tumingin ako kay lucky at nakatingin lang din siya sa akin ngayon.

"mia, wag ka ng mag sorry dahil sa nagawa mo kanina. Its ok" gago ba to?? Ako pa talaga ang pinag bintangan na ako ang nauna.

"HOY IKAW BRUHANG BABAE KA. TANG INA MO, KAHIT ITANONG MO KAY LORD KUNG SINO ANG NAUNA SA INYO NI MIA , IKAW ANG ITUTURO" galit na sigaw ni jem habang pinipigilan siya nila harry at tin.

"tama na"mahinang sabi naman ni lucky.

"hindi ako ang nauna lucky, siya ang nag simula"mahinang pag papaliwanag ko kay lucky. Umiwas lang siya ng tingin sa akin.

Naramdaman ko na humigpit ang pagkahawak ni tom sa balikat ko. Yumuko ako kasi alam kung mga ilang segundo nalang tutulo na ang luha sa mata ko.

"lets go babe"rinig kung sabi ni nadz kay lucky.

Umalis na sila sa harapan namin kaya kaming lima nalang ang naiwan ngayon.

"mia, ok kalang ba?"alalang tanong sa akin ni jem sabay hawak sa likoran ko.

"dapat kasi kayo nalang ang umiwas"rinig kung sabi naman ni tin.

Tumulo na talaga ng tuluyan ang luha sa mata ko kaya pinunasan ko agad, nakayuko parin ako hanggang ngayon. Ayokong nakikita nila akong umiiyak nanaman dahil kay lucky.

"ok lang ako"mahinang sabi ko sa kanila sabay tingin sa mata nila ng nakangiti.

"mia im sorry nag aalala lang naman kami sayo eh"wika ni tin sabay akbay sa akin, ngumiti ako sa kaniya sabay tingin sa taas para di tuluyang tumulo ang luha ko.

"ok lang, alam ko naman yun eh"wika ko at pilit na binibigyan sila ng ngiti.

"patayin kona ata yang nadz na yan"galit na sabi ni jem at aalis na sana kaso pinigilan siya ni tom.

"gusto ko lang sanang mapag isa ngayon"mahinang sabi ko tska ako umalis sa harapan nila.

*

Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Parang paulit ulit na sinasaksak ng kotsilyo ang puso ko sa sakit. Bakit ganon?? Bakit ganon kadaling kalimutan ni lucky yung pinag samahan namin?? Wala naba talaga akong silbi sa kaniya?

"sorry miss"wika nung babaeng nakabangga ko pero siya pa ang nag sorry. Ngumiti lang ako sabay punas sa luha na pumapatak sa mata ko.

Baliw na ako?? Bat ako umiiyak?? Madaming tao na ang nakatingin sa akin ngayon kaya tumakbo na ako.

Dinala ako ng mga paa ko sa music room.

*

Habang papalapit ako sa unahan naaalala ko yung dati. Yung magkaaway pa kaming lahat, yung hindi pa ako mahal ng taong mahal na mahal ko na ngayon, yung nag aasaran pa kami dati.

Pagkapunta ko sa harap umupo agad ako sa upuan tska ako yumuko at tuloy tuloy na pumapatak ang luha sa mata ko.

"bakit?? Lucky ang sakit"wika ko habang patuloy sa pagpatak ang luha sa mata ko.

"akala ko ikaw na talaga ang makakatuluyan ko hanggang sa tumanda tayo........ pero........ diko akalain na magkakabalikan pala kayo ni nadz"

Di ko alam kung anong nagawa ko sa kaniya para saktan niya ako ng ganito ka sakit. Binigay ko naman lahat sa kaniya pero bakit di parin sapat??

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon