CHAPTER # 59*move on*

872 30 0
                                    

MIA P.O.V

Nagising nalang ako nung maalala ko ang nangyare kanina, nung nahulog ako sa hagdan. Pag gising ko nakita ko sila ni kuya at ate .Nakahiga si ate hanna sa sofa habang si kuya king naman nakahawak sa kamay ko at nakayuko siya sa tapat ng kama ko.

Unti unti akong gumagalaw, nahalata ata ni kuya king kaya nagising siya.

"ok kana ba?"alalang tanong niya sa akin at mahina ang boses niya, tumango ako sabay ngiti.

"sorry pala nabigla lang talaga ako kaya kita nasigawan"dugtong pa niya sa akin.

"alam kung nag aalala ka sa akin kuya pero ok na ako"wika ko at binigyan ko ulit siya ng ngiti.

"gisingin ko lang si ate hanna"wika niya kaya tumango lang ako at tumayo na siya sabay gising kay ate.

Nagising naman agad si ate hanna kaya lumapit siya sa akin sabay yakap ng mahigpit.

"tatawagin ko lang ang doctor"wika ni kuya king sabay labas sa kwarto.

"ate hanna dumalaw ba si lucky?"tanong ko sa kaniya.

Hindi makatingin si ate sa akin.

"hindi"maikli niyang sagot sa tanong ko.

Hindi na ako tumingin kay ate hanna at humiga na ulit ako sa kama ko.

"akala ko pa naman bibisitahin niya ulit ako kasi naospital nanaman ako"malungkot na sabi ko kay ate.

"mia try to move on, ikaw ang masasaktan at hindi siya. Nakakaya na nga niyang wala ka sa tabi niya yun pa kayang mag move on siya sayo, kaya ikaw simulan muna ang pag mo-move on sa kaniya"wika ni ate sa akin, yun na nga problema ko eh. Yun ang problema sa sarili ko.

May namumuo nanamang luha sa mata ko.

"mia stop crying ako malalagot nito kay king"wika sa akin ni ate hanna sabay yakap sa akin kaya niyakap ko siya pabalik.

*

Bumalik na si kuya sa room ko kasama yung doctor. Sabi ng doctor kina kuya pati na rin sa akin, bawal daw akong mapagod o umiyak ng matagl baka kasi sumpungin nanaman ako ng ashma ko.

"narinig mo naman siguro ang sabi ng doctor diba?"wika sa akin ni kuya, tumango lang ako sabay ngiti.

Dumating bigla sila ni jem,tom at tin niyakap nila ako agad siguro namiss nila ako agad, hindi pa nga ako nangalahati sa pag tulog ko miss na nila ako.

"miss na miss ka na namin mia"wika ni jem sa akin, halata naman eh para siyang excited na makita akong gising.

"mia"napalingon kaming lahat sa may pinto at nakita namin ang babaeng maganda. Sino naman to?

Lumapit si tom sa kaniya at hinila ang braso nung babae pero parang gusto akong makausap nung babae kaya umupo ako sa kama ko.

"sam?"wika ni tin kaya lumapit yung sam sa amin wala ng magawa si tom kaya lumapit na din siya.

"anong problema?"tanong ko kay tom.

"nothing"mahinang sabi niya sabay yuko.

"anong ginagawa mo dito sam?"tanong naman ni kuya king sa kaniya.

Tumingin siya sa akin pero ngumiti lang ako sa kaniya.

"hi im mia"nakangiting pagpapakilala ko sa kaniya, hindi naman siya mukhang mataray pero nag snob lang siya pero di halata na mataray siya.

"i just want to talk to tin thats why im here"mahinang sabi naman niya sa amin.

"ako? Bakit?"takang tanong naman ni tin ng nakangiti pero mukhang wala sa mode tong si sam kasi di ngumingiti.

"pwede po ba sa labas nalang kuya tin?"wika niya at siya na ang unang lumabas.

Susunod sana si tom kaso pinigilan siya ni kuya.

"hayaan muna ang kapatid mo tom"wika ni kuya sa kaniya.

"kapatid mo pala yun tom??"tanong ko, tumingin siya sa akin sabay yuko.

"oo"maikli niyang sagot sa tanong ko.

"anong problema?"tanong ko sa kaniya, kanina pa kasi siya di umiimik simula nung pumunta ang kapatid niya dito.

"wala"maikli niya sagot ulit sa tanong ko, parang may mali eh!!

Kahit alam kung may mali hindi ko nalang pinansin si tom baka hindi sila close ng kapatid niya kaya siya ganon.

"kuya kailan tayo makakauwi?"tanong ko at binasag ko ang katahimikan.

"sabi ng doctor pwedeng ngayon na kasi ok kana"sagot naman ni kuya kaya nag ready na kami.

Ayoko kasing mag stay ng matagal sa ospital kasi natatakot ako. Marami ng namatay dito kaya takot ako.

*

Pagdating namin sa bahay nagpahinga na ako agad, nagpaiwan kasi si tom sa ospital hahanapin pa daw niya si tin at yung kapatid niya kasama si jem kaya kami nalang tatlo ang umuwi sa bahay.

"mia?"tumingin ako sa may pinto at nakita ko si ate hanna.

"come in"mahinang sabi ko naman kaya pumasok na siya sa room ko sabay upo sa kama ko.

"papasok kana ba agad bukas?"tanong niya sa akin.

"oo"maikling sagot ko naman sa tanong niya.

"mag iingat ka alam mo naman siguro na nandun na si nadz diba kasama yung mga hinayupak na buntot niya"wika niya sa akin, tumango lang ako kay ate.

"pero..... alam mo naman kung sino din ang lalayuan mo diba?"

Si lucky ba ang tinutukoy ni ate?? Itatry kung layuan siya, ayokong magpadala sa emosyon ko, gusto ko na din siyang makalimutan.

Tumango ako sabay ngiti. Niyakap ko nalang ng mahigpit si ate hanna. Tumitibay ang loob ko dahil sa kanilang dalawa ni kuya king kaya wala ng aapi sa akin sa school.

"magpahinga kana, maaga pa kayo ni king bukas"nakangiting sabi ni ate sa akin kaya ngumiti din ako sabay higa sa kama ko.

Pinatay na ni ate yung ilaw tska niya sinara ang pinto.

Sana nga agad kung makalimutan si lucky, sana agad siyang mawala sa isipan ko. Sana bukas pag gising ko wala na yung nararamdaman ko para sa kaniya. Kasi ganon din ang ginawa niya sa akin, kinalimutan na niya agad yung pinag samahan namin.

Ayoko ng lumuha ulit dahil sa kanila ni nadz dalawa, itatry ko yung sarili ko na mag move on at maghanap ng karapat dapat na lalaki.

Sana bukas wala na lahat ng pag mamahal ko sa kaniya.

*

Pero.... Yung mga SANA, sana matupad ko lahat ng yun.

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon