CHAPTER # 40*PRACTICE

1.2K 52 0
                                    

Pagkatapos ng lahat ng subject namin lumabas na lahat ng mga kaklase namin kaya kami nalang ni lucky ang nasa loob. Nag aayos ako ng gamit ko habang siya nakatingin lang sa akin at nakasandal siya sa may pinto ng room namin!!

Tumingin ako sa kanya sabay ngiti, nag snob lang siya kaya nag snob na din ako.Hindi pa ako tapos mag lagay ng gamit ko sa bag ko kasi madami akong nilagay na gamit sa table kaya ayan madami din akong ilalagay pabalik sa bag ko!!

Nainip na siguro si lucky kaya nag lakad siya papunta sa akin at tinulungan niya akong ilagay lahat ng gamit ko sa bag ko..

"ano tara na?"taas kilay na tanong niya kaya tumayo na ako..

Nag snob nanaman si lucky sa akin at una na siyang lumabas ng room dala yung bag ko.

"hoy galit kaba?"tanong ko sa kanya habang hinahabol siya, ang bilis kaya niyang mag lakad akala mo anman si flash!!!

"hindi"matipid na sagot niya sa tanong ko, kumunot naman ang noo ko at huminto..

Tignan lang natin kung hindi kaba babalik dito kung hindi ako gagalaw sa kinatatayuan ko!! Ok fine di na nga siya lumingon sa akin galit ata siya kasi ang bagal ko..

Tumakbo ako papunta sa kanya, hay naku naman nakakatamad kaya tumakbo tapos pinapatakbo pa ako ng halimao na to!!

"tika lang"nag hahabol na ako ng hininga ko sabay yuko, dun na siya tumingin sa akin..

"ang bagal mo kasi"sumbat niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"galit kaba?"tanong ko sa kanya..

"hindi"matipid nanaman na sagot niya, may bayad ba kapag nag sasalita siya kung meron man huhulugan ko siya ng barya!!

Kumuha ako ng barya sa bag ko at binigay ko sa kanya kinuha naman niya sabay taas kilay sa akin..

"ano pwede na ba yan?"

"tsk!"umiwas siya ng ngiti sa akin kaya ngumiti na rin ako..

"tara na"nakangiting sabi ko sa kanya..

Kinuha niya ang kamay ko at nag lakad na kami papunta sa parking lot ng school. Pag dating namin dun pinagbuksan niya ako ng pinto kaya ngumiti lang ako sa kanya, gentle dog nga naman!!

Nakapasok na siya sa loob kaya nag maneho na siya papunta sa bahay nila, yeah may practice kami ngayon kasi bukas na ang labanan!!

"paano kapag sexy na damit ang isusuot ko bukas?"tanong ko sa kanya, hindi siya makatingin sa akin kasi nag mamaneho siya kaya focus lang ang tingin niya sa unahan..

"mag rerequest ako na hindi dapat sexy ang isuot mo bukas"kumunot ang noo ko sa sinabi niya, ano naman kayang ipapasuot niya sa aking damit??

"anong klaseng damit naman ang isusuot ko?"tanong ko ulit sa kanya napakamut ulo nalang siya at tumingin siya saglit sa akin..

"alam mo wag kana lang mag tanong basta hindi sexy ang ipapasuot ko sayo kasi kapag nangyare yun madaming titingin sayo, ayoko ng ganon"sumimangot ang mukha niya kaya kinagat ko ang labi ko para di ako matawa!!

Hay naku seloso nga naman!!

Nasa bahay na kami nila lucky kaya bumaba na kami at pumasok na sa loob, wow ang ganda naman ng bahay nila. Mala palasyo na!!!

"tara dun tayo"nakangiting sbai niya sabay hila sa kamay ko kaya tumakbo na kami papasok..

Napanganga ako sa subrang laking nila lucky at madaming design na nakalagay.. 2nd floor din ang bahay nila at makikita mo mismo ang kwarto ata sa taas na apat at may nakasulat na mga pangalan sa pinto, nasa bandang kaliwa ang kwarto ni lucky..

"dun tayo sa garden"sabi niya sa akin kaya nag lakad na kami papunta dun..

Nung makarating na kami dun bumungad sa akin ang isang bakla na nakataas ang kilay halatang mataray. Napalunok naman ako baka kasi magalit siya sa akin!!

"babe bat ngayon lang kayo"sabi niya kay lucky kaya napalayo ako kay lucky kasi lumapit yung bakla at tinulak ako..

"tumahimik ka nga"sabi naman ni lucky sabay tulak sa kanya at hinila niya ako..

"siya ba yung gf mo?"tanong niya sabay turo sa akin kaya ngumiti lang ako!!

"yup"sagot naman ni lucky sabay akbay sa akin. Tumaas naman bigla nag kilay nung bakla kaya napatikom ako ng bibig..

"ang taray niya"bulong ko sa tenga ni lucky kaya tumawa siya ng mahina..

"kaya maging good girl ka baka mapagalitan ka"sabi niya sabay gulo sa buhok ko kaya ngumiti lang ako!!

"ok lets start"sabi nung bakla , boses palang niya tumayo na bigla ang balahibo ko!!

Unang naming ginawa pinalakad niya ako mula dun sa may aso nila lucky papunta dun sa may halaman !! Buti nalang na gets ko agad kaya hindi ako napagalitan, napahinga ako ng malalim sabay tingin sa taas. Nkita ko naman tawa lang ng tawa si lucky sa akin kaya sumimangot ang mukha ko at dun palang siya tumigil sa kakatawa niya..

"dun na tayo sa second mag susuot kana ng high heels pero kung di mo kaya 2 inch nalang!"sabi nung bakla kaya sinuot kona yung sandal at nag simula ulit akong maglakad dun sa aso papunta sa may halaman, na gets kona din madali lang naman kasi 2 inch lang ang kaya ko hindi 5 inch!!

"amh pwede po bang uminom muna?"tanong ko dun sa bakla kanina pa kasi ako nauuhaw at pinag papawisan, hindi man lang ako kinuhanan ng juice ng halimao na to kaya pumasok pa ako sa loob para lang kumuha ng juice!!

Pero tika lang asaan dito yung kusina nila?? Nasaan na ako napadpad??

"ai kalabaw ka?"napatalon ako ng may biglang humawak sa balikat ko, pagkatingin ko nakita ko ang isang lalaking gwapo kaya ngumiti ako sa kanya sabay bow..

"grabe ka naman hindi naman ako kalabaw"tumatawang sabi niya kaya tumawa na din ako sa sinabi niya!!

"ah anong pangalan mo?"tanong ko sa kanya..

"ako nga pala si luke kapatid ni lucky"nakangiting sabi niya at inabot niay ang kamay niya sa akin kaya kinuha ko naman at nakipag shake hands ako sa kanya!!

"ako naman si mia"sabi ko sa kanya..

"EHEM"

Pareho kaming napatingin sa may pinto at inalis ko agad ang kamay ko sa kamay niya kasi hindi na maipinta nanaman sa galit ang mukha ni lucky, ok fine nasa rules niya yun wag dapat ako makipag kaibigan sa mga lalaki pero kapatid lang naman niya ang nagpapakilala hah masama ba yun?

"oh, kuya ky"nakangiting sabi niya kay lucky pero si lucky ganon parin ang itsura, hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa likod niya..

"she's mine"galit na sabi ni lucky sa kapatid niya..

Sira talaga to nakikipag kaibigan lang naman ata ang kapatid niya pero siya tudo selos hay naku naman!!!!

"ano kaba"sabi ko sabay hampas sa braso niya..

"pumunta kana dun ako na ang kukuha sa juice"walang emosyon na sabi ni lucky at hinila niya ako palabas.Kumuha siya ng juice at ako namn bumalik na sa garden, umupo na ako dun habang yung bakla nag titxt lang!!

*
Inikot ko ang mata ko sa paligid madaming bulaklak at may mga ibon pa at aso na nakakulong!!

Ang ganda naman sa bahay nila, mukhang hindi original kasi mang mansyon..

"oh"napatingin ako sa kanya at inabot na niya ang juice ko kaya kinuha ko naman..

"salamat"sabi ko sa kanya pero naglakad na siya papunta sa bakla..

Nag usap sila at mga ilang minutes lang hinila nanaman ako ni lucky papasok sa bahay nila, i mean palabas pala..

"anong problema mo?"tanong ko sa kanya ng nakakunot ang noo.

"ihahatid na kita sa bahay niyo"sabi niya sabay sakay sa kotse niya kaya sumakay na din ako..
*
Wala bang araw na hindi siya nag seselos sa mga lalaki alam naman siguro niya na siya lang ang lalaki sa buhay ko, oh well sabihin na nating silang apat kasi naging part na sila ng buhay ko isali mona si harry!!

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon