CHAPTER # 46 *i miss u lucky*

996 36 2
                                    

*I MISS YOU LUCKY*

*

*

MIA P.O.V

1 YEAR & 6 months AGO

Nakagraduate na kami ni kuya king sa highschool at ang goals naman namin ngayon ay makapag tapos ng collage at makatulong kay mom. 1year na din kami ni lucky, minsan nag aaway kami sa maliit na bagay pero hindi namin pinatatagal yun kasi baka mauwi lang sa hiwalayan.

*

Nasa school na kami ngayon ni kuya, di ko alam kung anong balita kay lucky kasi simula nung pumunta siya sa korea at dun na nag aral wala na akong balita sa kanya. Miss na miss kona nga siya eh pero kahit na ganon tinatagan ko ang loob ko para sa kaniya.

"nakatingin ka nanaman sa picture niya"napatingin ako kay kuya king, ngumiti ako sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ng kama ko.

"miss na miss kona siya kuya. Hindi na kasi siya nag paparamdam sa akin"malungkot na sabi ko naman sa kaniya.

Yung feeling na wala siyang time sa akin, subrang sakit pero ako nagagawa kung iadjust yung time ko sa school at time ko para sa kaniya para lang makausap siya.

"hindi parin ba nag paparamdam?"tanong naman niya sa akin, umiling ako."hayaan mo mia mamaya ichachat ko siya"

Ngumiti ako kay kuya at nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya.

"hindi niya ba ako namimiss?"tanong ko kay kuya king.

Dati kasi daig pa niya ang mag asawa kung makapag alala siya sa akin, kahit di kami nag kikita kinikilig parin ako sa mga txt, chat, video call at message niya sa akin pero ngayon parang baliwala nalang ako sa kaniya. Hindi siya gumagawa ng paraan para makausap man lang ako kahit saglit lang.

"baka naman busy lang talaga si lucky sa korea"wika naman ni kuya sa akin.

Bakit ako?? Subrang busy kona sa school sa pag aaral ko pero may time parin ako sa kaniya??

"nga pala kuya may dinner kami ni harry ngayon"tumayo na ako at tumingin kay kuya.

"mag iingat ka huh"sabi naman niya sa akin ,tumango ako sabay ngiti.

Umalis na siya sa kwarto ko kaya naligo na ako. Pagkatapos nag bihis at inayos ko ang sarili ko.

Napatingin ako sa phone ko, bakit kaya hindi parin nag paparamdam sa akin si lucky mag iisang linggo ko na siyang di nakausap huh dati puno ng message niya ang phone ko pero ngayon wala na.

Nalungkot ako habang iniimagine ko yung dati, sana pala di nalang pumunta si lucky sa korea kung ganito lang pala ang magiging takbo ng relation namin.

"mia?"

Napatingin ako sa may pinto nung biglang sumigaw si kuya king.

"nandito na si harry" Nilagay kona agad ang phone sa bag ko at bumaba na ako.

*

Ngumiti ako kay harry. Siya kasi ang lageng pumupunta sa bahay namin at niyayaya niya akong kumain sa labas para daw di ako mabored.

"harry ingatan mo yang kapatid ko huh kung ayaw mong matikman tong kamao ko"tumawa ako dahil sa sinabi ni kuya king.

"ano kaba naman king hayaan mo na sila"tumingin kami sa taas at nakita namin si ate rina, ngumiti nalang ako sa kaniya sabay kaway.

"bye"sabi ko sa kanila ni kuya.

"ingatan mo siya harry huh"pag papaalala ulit ni kuya king.

Nasa kotse na kami ngayon. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang nag mamaneho si harry. Napatingin ako sa kaniya nung biglang may tumunog na music.

"alam kung bored kana kaya ayan para di ka mabored"ngumiti ako sa kaniya.

Tumingin na ulit ako sa labas ng sasakyan ni harry.

Mas lalo lang akong nalungkot nung marinig ko ang theme song naming dalawa ni lucky.

'What if I never knew
What if I never found you
'

Lucky alam mo bang miss na miss na miss na kita ngayon, bakit di ka na nag paparamdam sa akin?? Busy kaba talaga sa school mo?? Kahit isang message lang please miss na miss na kita.

'I'd never have this feeling in my heart
How did this come to be
I don't know how you found me
'

Kinuha ko yung phone ko at tinignan ang huling message niya sa akin.

-hindi kita ipagpapalit kahit
na sinong maganda na nandito.
Mahal na mahal kita mia.


Bakit ba kasi ang abnormal ng lalaking to, kung mahal niya ako bakit di siya nagpaparamdam?

"mia are you ok?"tanong sa akin ni harry,tumingin nalang ako sa taas para di na tumulo ang luha ko.

'Baby you're my destiny
You and I were meant to be
'

"yah"maikling sagot ko naman sa kaniya.

"are you sure?"tanong niya ulit sa akin.

"di ko alam kung magiging ok ba ako"tumingin ako sa kaniya, nag uunahan ng pumatak ang luha sa mata ko.

Nagpark muna siya sa gilid ng mercury at tumingin siya sa akin, yumuko ako habang tinatakpan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko.

"yung feeling na miss na miss kona siya pero wala akong magawa harry kasi malayo siya sa akin"tuloy tuloy na umaagos ang luha sa mata ko.

Inalis niya yung seatbelt niya at niyakap niya ako.

"shhh wag kanang umiyak mia"wika niya habang hinahaplos ang likoran ko.

Lucky may iba kana ba dyan?? Bakit ganon? Bakit di mo sinabi sa akin? Kung may bago kana bang mahal dyan??

"gusto ko na siyang makita, makausap"

Hinahaplos parin niya ang likoran ko habang nakayakap sa akin.

"gusto ko siyang tanungin kung may silbi pa ba ako sa buhay niya?? Bakit di siya nagpaparamdam sa akin" Hindi ko talaga maiwasang di umiyak, masakit na kasi eh.

"mia, wag ka ng umiyak please"

Kahit anong pigil ko sa luha ko pumapatak parin talaga.

*

Pinunasan ko yung luha ko at huminga ng malalim, tinulak ko na ng mahina si harry. Tumingin siya sa akin pero nakatingin lang ako sa harapan.

"ok kana?"tanong niya.

Tumango ako at pinunasan ulit ang luha ko.

Nagmaneho na siya kung saan kami pupunta.


CONTINUE..........

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon