CHAPTER #70: TRUTH

739 31 2
                                    

Tom p.o.v

Ayokong saktan ang sarili ko pero kailangan ko yun gawin para lang maging masaya ulit ang taong mahal ko.

Alam ko naman na hindi ako nag kulang sa pagmamahal sa kaniya pero alam ko rin na hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin at wala ng mas hihigit pa dun. Hindi ako mag aasume na magugustuhan ako ni mia kasi una palang alam kung si lucky parin talaga ang mahal niya hanggang ngayon. Hindi ako tanga para hindi yun maramdaman...
*
Naglakad lakad lang ako sa school, namiss ko din to. Yung dati na buo pa kaming magbabarkada, sama sama kaming nag cucutting, nambubully, at yung kantahan sa music room...
*
Nakakamiss din pala ang highschool life kasi hindi muna mababalik ang dati kasi college na kami ngayon at nagkawatak watak kami dahil lang kay lucky.. Hindi ko din naman siya masisisi kasi kung ako yung nasa kalagayan niya lalayuan ko din si mia kasi bawal magkatuloyan ang magkapatid...
Pero sana sa ibang babae siya pumatol hindi kay nadz kasi mas lalo niyang sasaktan si mia, walang utak kasi si lucky napaka tanga niya...

*

"kuya"

Napalingon ako sa likoran ko at nakita ko si sammie..

"anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kaniya.

Lumapit siya akin sabay yakap ng mahigpit, anong nangyayare sa kaniya.

"sorry sa lahat ng nagawa kung kasalanan sayo, sa inyo ni mia"wika niya sa akin habang nakayakap parin siya sa akin.

"wala na yun"wika ko naman sa kaniya..

"kuya alagaan mo si mia huh wag mo siyang sasaktan"wika niya sa akin.

Napakunot ako ng noo."bakit,saan ka pupunta?"

Humiwalay na siya sa akin sabay yuko.

"sinabihan ko si mom na dun na muna ako mag aaral sa us"mahinang sabi niya sa akin.

"bakit?"tanong ko ulit sa kaniya.

"ayokong layuan niyo ako, nag sisisi ako sa lahat ng nagawa kung kasalanan kay mia. Pero sana mapatawad niya agad ako sa lahat ng nagawa ko sa kaniya" wika niya sa akin..

"TOM"

May narinig kami bigla na sumisigaw kaya napatingin kami dun.

Bago ako tumakbo papunta dun hinawakan muna ni sam yung braso ko.

"may amnesia si lucky kaya wala siyang maalala"wika niya sabay takbo paalis..

"TEKA LANG SAM"sigaw ko pero patuloy lang siya sa pagtakbo paalis.

"TOM TULONG"

Tumingin naman ako dun sa kabilang side at tumakbo papunta dun.

Pagdating ko kina mia nakita ko si lucky nakahandosay sa sahig habang umiiyak si mia.

"anong nangyare?"takang tanong ko sa kaniya.

"hindi ko alam"sagot naman niya sa akin.

"tara dalhin natin siya sa ospital"wika ko sabay buhat kay lucky...

*

Pagdating namin sa ospital umiiyak parin si mia kaya niyakap ko nalang siya.

"tom, diko alam kung anong nangyare kay lucky"wika niya sa akin..

"shhh wag kana umiyak"wika ko naman sa kaniya..

"tom im sorry"mahinang sabi niya sa akin..

"wag kang mag sorry alam kung hanggang ngayon mahal mo parin si lucky"

Kahit subrang sakit na sabihin sayo to pero ramdam kung siya parin ang mahal mo at hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin, wala ng mas hihigit pa dun..

"ayokong saktan ka tom pero sa tuwing naaalala ko si lucky, bumabalik yung dati"

"alam ko yun mia"

Ramdam ko yun.

*

Maya maya lumabas na yung doctor.

"his ok now pero kailangan niya muna ng rest para lalo siyang gumaling"wika ng doctor.

Totoo kaya ang sinabi ni sam sa akin..

"doc, kailan matatanggal ang amnesia siya?"tanong ko sa doctor.

"sa ngayon ok na siya at wala na siyang amnesia"

Napatingin ako kay mia, alam kung nagtataka siya.

"salamat doc" wika ko sa doctor.

Umalis na yung doctor kaya tumingin si mia sa akin.

"may amnesia si lucky?"takang tanong niya sa akin..

"sinabi sa akin ni sam na nagkaroon daw ng amnesia si lucky"wika ko naman sa kaniya..

"kaya pala habang nag uusap kami kanina parang hindi niya ako natatandaan, puro siya tanong sa akin"sabi naman niya sa akin.

Totoo pala ang sinabi ni sam...

*

Hindi kami umalis sa room ni lucky kasi ayaw ni mia na umalis siya sa tabi ni lucky kahit masakit sa akin nag stay din ako para samahan si mia..

*

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon