CHAPTER # 24*new friend*

1.2K 53 0
                                    

"harry linisin mo ang kwarto na matutulogan ni mia"utos ni tita kay harry, wala na akong ibang matawag kaya yan nalang!!!

"hindi kaba marunong mag linis?"tanong niya sa akin ..

"hindi"sagot ko naman sa tanong niya kaya napakamot ulo siya..

"ano ba kasing ginagawa mo dito?"

Pumunta na siya sa kwarto pero sinundan ko siya at nag lilinis na siya ng room na matutulugan ko.

"ikaw lang ba ang anak nila manong?"tanong ko sa kanya..

"hindi may kapatid pa ako"sagot naman niya habang kinukuha ang kumot sa kabinet..

"nasaan ang kapatid mo?"

"nakikipag date sa shuta niya kaya hanggang ngayon di pa umuuwi"

Ilang taon na ba ang kapatid niya?

"ilang taon na kapatid mo?"

"alam mo"sabay tingin sa akin.. "ang dami mong tanong pwede ba tulungan mo nalang akong mag linis sa higaan mo"

"ok"sabi ko nalang sa kanya kaya inayos ko ang higaan ko..

"hindi ba maganda sa inyo ? Bakit ka nag layas?"tanong niya kaya umupo ako sa kama..

"wala kana dun"sagot ko naman sa kanya kaya umupo din siya sa kama..

Ngumiti siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay..

"hindi naman ako masamang tao kaya wag kang matakot sa akin , ok"sabi niya sabay smile at tumayo na siya..

"salamat"pahabol na sabi ko kaya tumingin siya ulit sa akin sabay ngiti..

"matulog kana.. Good night"

Pinatay na niya ang ilaw kaya humiga na ako, napapaluha nalang ako habang iniisip na ok lang ba sila ni ate at kuya ngayon sana hindi sila nag aalala sa akin kasi ok na ako gusto ko lang talagang kalimutan lahat ng pout sa puso ko!!!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko ang lahat ng pictures naming tatlo..

"sorry kung lumayas ako sa bahay"umiiyak na sabi ko sabay yakap sa cellphone ko..

Hindi ako sabay na matulog sa ibang bahay kaya umupo ako sa kama sabay yakap sa tuhod ko, mom dad sana nandito kayo ngayon sana hindi niyo kami iniwan dahil lang sa business natin sa ibang bansa sana kapiling namin kayo ngayon..

Yumuko ako sabay iyak may naramdaman nalang ako kamay sa likoran ko kaya napaangat ako ng ulo ko at nakita ko si harry kaya agad kung pinunasan ang luha ko..

"wag kana mahiya, gusto ko lang makipag kaibigan sayo"sabi niya sa akin..

"bakit hindi kapa natutulog?"tanong ko sa kanya kaya umupo siya sa kama..

"bago ako umalis may nakalimutan akong kunin sa kwarto kaya bumalik ako dito at nakita kitang umiiyak"

Kaibigan siguro ang kailangan ko ngayon, yung dadamayan ako sa mga problema ko!!

"alam mo kasi ....... Umalis ako sa bahay namin dahil galit ako sa mga kapatid ko , hindi ko kasi matanggap na ilalayo nila sa akin ang taong mahal ko pero......"yumuko ako..

"pero hindi ka naman mahal?" Napaangat ako agad ng ulo, paano niya nalaman?

"paano mo nalaman?"sabi ko habang ngumingiti pero pilit lang!!

"ganyan din ako dati,may gusto akong tao.... Naging kami mga 1 year"

"ang tagal na naging kayo, nasaan na siya?"tanong ko sa kanya, yumuko siya at parang malungkot na ang mukha niya..

"sa isang taon na naging kami niluluko niya lang pala ako hindi niya ako sineryoso, laro lang lahat ng yun kaya nung nakipag hiwalay siya sa araw mismo ng anniversary namin iyak ako ng iyak at di ko matanggap na wala na siya sa akin"kwento niya sa akin, nalungkot naman ako sa sinabi niya kaya hinaplos ko ang likoran niya..

"alam mo gwapo ka naman eh kaya wag kang mawalan ng pag asa"nakangiting sabi ko kaya tumingin siya sa akin..

"ikaw lang ang tanging nag sabi sa akin niyan"


*

Hindi ko alam na may lungkot rin palang tinatago si harry sa puso niya akala ko wala kasi palabiro siya at pilosopo. Kawawa naman siya pero alam kung balang araw darating din ang taong mag mamahal sa kanya ng totoo!!!

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon