CHAPTER # 56 *hurt*

828 26 0
                                    

Hindi kona nakita sila ni lucky at nadz siguro umuwi na sila. Buti nalang uwian na namin kaya sabay na kaming lima pauwi.Sumakay kami sa kotse ni tin.

"kausapin muna kasi jem"mahinang sabi ni harry pero rinig ko ang boses nila sa likoran.

"kayo nalang kaya"inis na sabi naman ni jem sa kanila.

May biglang humawak sa balikat ko, di ko alam na kanina pa pala tumutulo ang luha sa mata ko dahil naiisip ko nanaman ang nangyare kanina.

"mia"mahinang banggit ni harry sa pangalan ko.

Bago ako tumingin sa likoran pinunasan ko muna ang luha ko tska ko sila binigayan ng ngiti kahit pilit na ngiti lang.

"ok kalang ba?"alalang tanong niya sa akin, hindi kasi nila alam ang nangyare kanina. Si tom at tin lang ang nakakaalam.

Tumango lang ako habang nakangiti parin sa kanila.

"mia ano bang problema?"tanong naman ni jem sa akin.

"wag na nga kayong makulit. Wag na kayo mag tanong"inis na sabi naman ni tom.

"paano nalaman ng mga kaklase natin na wala kang amnesia??"tanong sa akin ni harry. Binatukan naman siya ng malakas ni tom. Tumingin na ako ulit sa labas.

*

Paano ko nga ba sisimulan ang pagkakalimut ko sa kaniya kung may mga bagay naman na nagpapaalala sa akin kung paano kami nagkakilala?? Paano niya ako minahal? Paano kami nag start ng pag mamahalan.

Nag sisimula nanaman ang luha sa pagpatak sa mata ko pero hinayaan ko lang ang sarili ko na tumulo ng sabay sabay ang luha. Yan nalang siguro ang paraan para makalimutan ko siya.

*

Diko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko. Lumabas na ako pero hinila ako pabalik ni tom kaya nagakatinginan kaming dalawa.

"ayosin mo ang sarili mo wag kang ganyan pumasok, mag aalala ang kuya at ate mo"pagpapaalala sa akin ni tom kaya binigyan niya ako ng panyo. Pinunasan ko naman ang luha at inalis ko ang sipon sa ilong ko tska ko binalik sa kaniya pero nakatingin lang siya sa panyo na ibabalik ko sana sa kaniya.

"no thanks sayo nalang yan"sabi niya tska siya sumakay sa kotse ni tin at umalis na sila.

Bago ako pumasok sa gate namin huminga na muna ako ng malalim para di nila mahalata na umiyak ako.

*

Pagpasok ko sa loob, wala sila ni kuya at ate kaya dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay namin. Aapakan kona sana yung hagdan ng may biglang nag salita.

"kumusta ang pag aaral mo?"alam kung boses yun ni kuya king, haist!!

"ok lang"nakayuko lang ako kasi ayokong makita nila ang mata ko na namamaga.

"are you crying?"takang tanong naman sa akin ni ate hanna.

"no"sabay iling.

"tell us, are you crying?"ulit ni kuya king sa tanong.

"no"sagot ko ulit.

Sa puntong yun tinaas ni kuay king ang ulo ko at tinapat sa kanila ni ate hanna. Nakita kung nag iba ang expression sa mukha ni kuya king.

"nagkita kayo?"inis na tanong niya sa akin.

Please mia wag ka munang umiyak sa harap nila please.

"oo"mahinang sabi ko sabay yuko ulit.

"anong ginawa niya?"tanong ulit sa akin ni kuya king , nakita kung pinipigilan siya ni ate hanna.

"wala"sagot ko ulit sa kaniya.

Alam kung nag pipigil na ng galit si kuya ngayon.

"ILANG BESES KO BANG SINABI SAYO MIA NA LAYUAN MUNA YANG GAGONG LUCKY NA YAN HUH. WALA KANANG LUGAR SA PUSO NIYA KASI NAGKABALIKAN NA SILA NI NADZ--" sisigawan pa sana ako ni kuya pero nag salita ako.

"alam ko yun kuya kaya nga ang sakit eh" tuloy tuloy na tumutulo ang luha sa mata ko. "ang sakit kasi ang dali niyang makalimut sa pinag samahan naming dalawa" Huminga na muna ako ng malalim kasi kanina pa ako nag hahabol ng hininga.

"mia pag pasinsyahan muna si king"mahinang sabi naman ni ate hanna sa akin, inalis ko agad ang kamay niya sa braso ko.

"i need more space right now"mahinang sabi ko sa kanila ni kuya king.

*

Paakyat na ako sa kwarto ko nung bigla nalang umikot ang paningin ko kaya napahawak ako sa hawakan sa gilid ng hagdan namin.

"mia?"rinig kung sabi ni ate hanna.

Di ko na alam ang kasunod na nangyare kasi nawalan na ako ng malay!!





A/N

Guys sorry kung maikli lang pero babawi nalang ako sa next chapter!! Hindi pa pala ako makakapag update this week kasi medyo busy sa school!! Pero hahanap parin ako ng time para lang makapag update sa HIGH SCHOOL LOVE ON!! Thank you po sa mga readers ko!!

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon