CHAPTER # 53 *fake amnesia*

912 35 2
                                    

MIA Point Of View


"ok kalang ba talaga dyan?"alalang sabi sa akin ni kuya king, tumango ako sabay ngiti at iniwan na niya ako sa kwarto ko.

*

Simula nung lumabas ako ng ospital nag kunwari na ako kina kuya na nagkaroon ako ng amnesia para di na sila mag alala ni ate sa akin.

"lucky nasaan kana ba?" naiisip ko nanaman siya kaya hindi nanaman nagpapigil ang luha sa mata ko.

"kailan kaba magpaparamdam?? Miss na miss na kita" patuloy lang sa pagpatak ang luha sa mata ko.

Hindi ko pa siya nakikita simula nung naaksendente ako hanggang sa nakalabas ako ng ospital. Talaga bang hindi na niya ako mahal?? Bakit ni isang reply man lang niya eh wala, bakit ganon ka lucky? Nawala ka na parang bula?

"mia?"may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya agad kung pinunasan ang luha sa mata ko tska ako humiga ng patagilid sa kama ko.

"come in"mahinang sabi ko pero alam kung rinig niya yun.

Pumasok siya tska siya umupo sa kama ko, di ko pa kasi alam kung sino siya.

"wala kapa rin bang naaalala?"

Pinipilit kung hindi pumatak ang luha sa mata ko para di siya magtaka pero hindi ko maiwasang di mapaiyak eh.

Tumingin ako sa kanya at si harry pala to.

"kahit anong gawin ko hindi ko talaga maalala ang lahat" pero ang totoo alam na alam ko, sorry kung nililihim ko sa inyo ayoko kasing mag alala kayo sa akin na kapag umiiyak ako ako nalang lage ang inaalala niyo.

Niyakap niya ako nung umupo na ako sa tabi niya.

"shhh wag mo muna pilitin ang sarili mo"wika niya sa akin habang nakapatong lang ang ulo ko sa balikat niya.

Harry alam kung mali yung ginagawa ko ngayon kasi ang tunay na kaibigan hindi nag tatago ng lihim pero sorry ako lang dapat ang nakakaalam na hindi ako nagkaroon ng amnesia. Bukod sa doctor na nasa ospital na pinanggalingan ko, sabi ko kasi sa kaniya wag na siya babalik ng pinas. I pay him because i have my own bank account pero hindi ako ang nag huhulog ng pera dun, si ate hanna, mom, at kuya king lang.

Gustong gusto kung itanong sa kaniya kung bumisita ba si lucky sa akin kahit isang beses lang pero baka mahalata niya ako.

"mia alam kung bawal ko tong sabihin sayo" tumingin ako sa kaniya.

"ano yun?"wika ko naman sa kaniya.

"alam ko din na hindi mo naaalala si lucky kaya hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sayo to diba?" anong ibig niyang sabihin??

"ano nga yun?"inis na sabi ko naman sa kaniya.

"nung nasagasaan ka ng kotse nandun siya nakita ka niya pero kahit na galit na galit kami sa ginawa niya pumunta parin siya sa ospital kung saan ka dinala namin, ramdam ko mahal na mahal kapa rin niya hanggang ngayon"

Tumulo nalang bigla ang luha sa mata ko. Nagpakita siya? Mahal pa niya ako?

"gusto ko siyang makita" nagulat siya dahil sa sinabi ko sa kaniya.

"naaalala mo si lucky?"gulat na tanong niya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay ni harry at patuloy sa pagpatak ang luha sa mata ko, yumuko ako tska niya hinawakan ang likoran ko at hinaplos niya.

"wa-wala akong amnesia, sinabi ko lang yun para hindi na kayo mag alala sa akin kapag umiiyak at nasasaktan ako. Ayokong dahil sa akin malungkot din kayo, mahal ko kayo kaya ko yun tinago"patuloy sa pag agos ang luha sa mata ko.

"shh naiintindihan kita mia wag kana umiyak"wika niya habang hinahaplos ang likoran ko.

"kung pwede ko lang maibalik yung time na nasagasaan ako para lang makita ko si lucky ginawa kona pero bakit ngayon harry di na siya nag paparamdam?"may halong inis ang naramdaman ko. Kahit man lang ni isang text galing sa kaniya wala akong natanggap.

"mia. Nag aalala din si lucky sayo, siguro time na para makapg move on ka"

Tinignan ko siya ng may pagtataka sa mukha. Inalis ko ang kamay ko sa kamay niya tska ako tumayo. Nakatingin lang siya sa akin.

"anong ibig mong sabihin?"inis na tanong ko sa kaniya, anong move on?? Hindi kami mag hihiwalay ni lucky.

Yumuko siya habang nakahawak sa kamay niya."ayaw na daw ni lucky na mas lalo kapang masaktan kaya nakikipag hiwalay na siya sayo"

Natulala ako sa sinabi niya, hindi to pwede?? Panaginip lang to diba?? Bakit??

Humagolgol na ako sa pag iyak habang unti unting bumabagsak sa sahig ng nakaupo. Pagbagsak ko sa sahig niyakap agad ako ni harry.

"bakit?? Anong nagawa ko para makipag hiwalay siya sa akin?? Hindi na ba talaga niya ako mahal?? Harry bakit ganon lahat naman ginawa ko para lang magkasama kami diba pero bakit siya bumitaw??" sunod sunod na tanong ko sa kaniya habang umiiyak.

"shhh mia please tama na baka marinig pa tayo ng kuya at ate mo niyan"wika niya sa akin pero mas lalo lang lumakas ang pag hagolgol ko kaya binaon ko na lang ang bibig ko sa damit ni harry.

"lucky??"banggit ko sa pangalan niya habang umiiyak."mahal na mahal kita"

*

Bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto ko at alam kung sila na ni ate at kuya ang nasa pinto. Wala na akong paki alam kung makita man nila akong umiiyak ngayon.

Nakita ko si ate hanna nung lumapit siya sa akin tska niya ako hinawakan sa braso ko, lalo pa akong naiyak. Hindi ko mapigilan ang luha sa mata ko, bakit ganito ka sakit?

"napaano ka?"alalang tanong ni ate hanna sa akin sabay haplos sa mukha ko.

Yumuko ako habang humagolgol sa pag iyak."ang sakit"mahinang sabi ko.

"anong ginawa mo harry?"inis na tanong ni kuya king sa kaniya, kahit di ko nakikita ang mukha ni kuya king alam kung subrang init na ng buong katawan niya dahil sa galit.

"wala akong ginawa sa kaniya"rinig ko namang sabi ni harry kay kuya.

Tumayo ako tska ako humarap sa kanilang tatlo. Time na siguro para malaman nila na nag sisinungaling ako, mag iisang linggo ko na din tong ginagawa kaya sasabihin ko na sa kanila.

"king" dumating naman bigla si tom,justin at jem.

"nandito na kayong lahat"mahinang sabi ko sa kanila, lumapit si jem sa akin sabay hawak sa braso ko.

"anong nangyare sayo?"tanong niya agad sa akin.

Tumulo nanaman ang luha sa mata ko.

"wala akong amnesia" mahinang sabi ko tska ako humagolgol sa pag iyak kaya napaupo nalang ako sa kama ko habang tinatakpan ang mukha ko.

Walang nag salita ni isa sa kanila nung sabihin ko yun pero may naramdaman akong kamay sa likoran ko para inalis ko ang kamay ko tska ako tumingin kung sino man siya at siya si kuya king.

"alam ko"mahinang sabi naman niya.

"paano?"gulat na tanong ko naman.

"una palang alam kung nag sisinungaling kana sa amin, nung makita mo yung picture ni lucky sa phone mo tumulo nalang bigla ang luha sa mata mo. Dun ko nalaman na wala kang amnesia kasi kung meron di ka iiyak dahil sa picture na yun"

Napayakap ako ng mahigpit kay kuya king habang tumutulo ang luha sa mata ko.

"kuya im sorry, ayoko lang na masaktan kayo dahil sa akin"wika ko habang umiiyak.

*

*




A/N

 Pabitin si author. Kung may suggestion man po kayo mag message lang po kayo sa fb account ko, Jovyann Calatraba Polea po ang name!! Kamsamnida sa mga nag babasa ng story ko !!

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon