Chapter 12:

1.3K 54 8
                                    

CHAPTER 12

LALAINE's POV.

"Noona, may I borrow your iPad?" si Chuck.

Nasa sala kami ngayon ni Chuck. Sinasamahan ko itong manood ng Korean drama pero hindi ako nanonood. Binabantayan ko lang sya. Binilin sya sakin ni Mommy kaya hindi na ako nakatanggi. Umalis kasi sina Mommy at Daddy, may pupuntahan lang daw. Siguradong tungkol iyon sa business. Si Kuya Kage sana ang sasabihan kong magbantay kay Chuck pero nagkukulong ito sa kwarto nya. Ewan ko kung anong trip ng isang 'yun.

Malamang nade-depress parin ito dahil hindi nya ma-kontak si Amber. Palagi ko kasi itong nahuhuling pindot ng pindot sa cellphone nya. Natanong ko narin si Amber tungkol sa textmate nyang si Mojojo, sabi nito na hindi na nya ito nire-replayan at nagpalit narin ito ng phone. Muntikan pa akong matawa 'nung sinabi nyang Scammer si Mojojo. Pft. Kung alam nya lang na si Kuya Kage iyon, ewan ko nalang. Hindi ko sinabi sakanya na alam ko kung sino si Mojojo, bahala syang makadiskubre nito mag isa. Ayokong makialam sakanila ni Kuya.

Love life ko nga hindi ko maayos ayos, love life pa kaya ng iba? Hays. Usapang love life. Hanggang ngayon kapag iniisip ko na may girlfriend na si Ezreal, nasasaktan parin ako. Hindi ko parin kasi alam kung sino ba yung letcheng babaeng ka-relasyon nya. Maging sina Maddie kasi ay hindi din alam. Gusto kong kausapin si Ezreal, pero palagi akong pinangungunahan ng kaba. How I want to confront him pero natatakot ako sa posible nyang sabihin. I'm not yet ready for the confirmation.

I really do love Ezreal. Pero minsan, gusto ko nalang i-give up ang nararamdaman ko. Minsan gusto ko nalang sumuko. Wala akong napapala. Kahit nga saglit na usapan lang, wala man lang nangyayaring ganun samin. Kapag nagkikita kami, tanging tanguhan at batian lang. Para kaming hangin sa isa't isa. Bakit ba kasi ang cold nya? Mas malala pa sya kesa kay Kuya Kage eh.

"Noona!" biglang sigaw ni Chuck dahilan para bumalik ako sa realidad.

"Ano?!"

Ngumuso ito at sinamaan ako ng tingin. "I've been calling you many times but you keep on ignoring me!"

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" tinaasan ko sya ng kilay. Psh! Kung bakit ba naman kasi sakin pa pinabantayan ni Mommy ito eh. He's already 14 years old, yet kailangan pang bantayan. Hindi na sya bata--well, isip bata nga lang. Hays!

"I said may I borrow your iPad!"

"Tch! Asan ba ang iPad mo?"

"I can't find it.." ngumuso ito at pinagdikit pa ang mga paa nya. Psh! Isip bata talaga.

"Burara ka kasi! Hanapin mo!" Malakas ang loob kong sigaw sigawan at utusan ito ngayon dahil wala si Mommy. Kapag kasi nandito 'yun, at narinig akong kinakawawa si Chuck, sermon na naman ang aabutin ko.

"Ihhhh! But I really can't find it!"

"Hinanap mo ba?"

Biglang nag-iwas ito ng tingin sakin. "W-well, wala ito sa pwestong pinaglagyan ko eh."

Sinasabi ko na nga ba. Hindi lang makita sa pinaglagyan hindi na titignan ng mabuti. Wala ding kwenta ang isang 'to.

"Psh! Pwes hanapin mo!"

"Ihhh! But it's nowhere to be seen! Just let me borrow your iPad, okay?"

"Ano ka? Tapos 'yung akin naman ang iwawala mo? No way!"

"Noona! Sige na please? I'm just going to watch Korean Drama!" sabi nito at niyugyog pa ako.

"No way! Mamaya mag download ka pa at punuin mo ng mga intsik na hilaw ang iPad ko! Hindi pwede!"

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon