Chapter 18: [Part two]

1.2K 56 4
                                    

CHAPTER 18: [Part two]

LALAINE's POV

Tahimik lang ako buong byahe at hindi na ako nagtangkang magtanong pa kay Kase kung saan kami pupunta o kung ano ang pinagusapan nila ni Daddy. Pinanood ko nalang ang bawat madaanan naming tanawin.

After what Kase said earlier, naubusan na ako ng salitang sasabihin.

Naguguluhan narin ako. Hindi ko alam kong ano ang tunay kong nararamdaman para sakanya. Hindi ako sigurado kong gusto ko na ba sya o ano. Magulo. Sobrang gulo.

Kung tama man na gusto ko na sya ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung masaya ba ako o malulungkot.

Aish! Hindi ko talaga alam! Mababaliw na ako kakaisip! T____T

Makalipas ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan. Lumabas si Kase at mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Are we here already?

Nagtataka man ay lumabas narin ako. I glance at the area at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong nasan kami.

"Manila Zoo?!"

"Hindi. Nasa Manila Ocean Park tayo, Lala hehe" pilosopong sabi ni Kase.

Tinignan ko naman sya ng masama. At kailan pa natutong mamiloposo ang taong 'to?

"Ginagago mo ba ako?!" singhal ko sakanya.

"Hindi. Minamahal kita hehe."

-____-

Letche! Bakit parang kiniliti ako sa sinabi nya?

"Heh! Ano ba kasing ginagawa natin dito?"

"Err..magtatanim, hehe"

>____<

Peste!

"Letche ka talaga Unggoy ka!!" sigaw ko sakanya at nauna ng pumasok sa loob.

"Hahahaha!" tawa pa nya na mas lalong kina-inis ko!

__

Una naming tinignan ni Kase ay 'yung mga giraffe. Kumukuha ako ng litrato ng mga ito ng biglang hinarang ni Kase ang pagmumukha nya sa camera, sakto namang pagka-click ko kaya mukha nya ang nakuhanan.

"Ano ka ba namang unggoy ka! Peste ang pangit ng mukha mo!" singhal ko sakanya.

Ang totoo ay ang cute ng kuha ko. Nakadila kasi sya na parang bata tapos sa likod nya ay iyong mga giraffe na nakalingon samin.

"Ang gwapo ko kaya! Tignan mo pati giraffe napapalingon sa ka-gwapuhan ko!" sabi naman nya at ngumuso pa.

Pisti -___- kailan pa sya naging cute sa paningin ko?

"Napalingon lang sila dahil akala nila ikaw 'yung nawawalang kamag-anak nila!"

"Ang sama mo!" ngumuso ito. "Tara na nga sa mga Ibon!" sabi nya at nauna ng maglakad papunta sa mga ibon daw.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sakanya. Nag e-enjoy ako sa pagkuha ng mga litrato eh.

Kinukuhanan ko din ng ilang stolen shots si Kase kapag hindi sya nakatingin sakin. Ang cute kasi ng mga reactions nya kapag nakakakita sya ng mga hayop. Parang bata na ignorente.

Nagkaroon ng kaunting reminders 'yung tour guide na kinuha ni Kase para samin. Tinandaan ko lahat ng mga iyon samantalang halatang hindi nakikinig si Kase at panay ang palakpak, ewan ko kung bakit.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon