Chapter 14:

1.3K 51 1
                                    

CHAPTER 14

LALAINE's POV.

Katahimikan.

Kasalukuyang nasa hapag kainan kaming pamilya at kataka-takang ang tahimik ng paligid. Si Chuck na kadalasang nagdadadaldal ay tahimik ito at abala sa paghimay sa manok na ulam nya. Si Mommy naman ay nakakapagtakang  tahimik din, kadalasan kasi ay nanenermon na ito. Si Daddy din ay ganun, tahimik din sya at hindi nanga-ngamusta tungkol sa school. While Kuya Kage naman ay hindi na nakakapagtaka kong tahimik sya. Ganun naman talaga ito eh.

Nawiwindang na ako sa katahimikan. Hindi ako sanay. Ano ba nangyayari sa mga ito? Atsaka si Mommy at Daddy..feeling ko war sila kasi hindi man lang sila nagtitinginan, gaya ng dati na halos magdikit na ang mga mata nila sa kakatingin sa isa't isa.

May mali sa mga ito. Psh! Na s-stress ang kagandahan ko dito eh. Hindi ako mapalagay kaya umimik na ako. Kailangan ko din palang magpaalam para bukas.

"Uhm..why so silent people? Mom, dad may war ba kayong dalawa?" basag ko sa katahimikan.

Tumikhim naman si Daddy at kita ko ang parang teary eyes nitong napasulyap kay Mommy. Si Mommy naman ay nakasimangot na nag iwas ng tingin. Psh! Sinasabi ko na nga ba.

"Wala anak. We're fine" sabi ni Mommy, kahit ramdam ko naman na hindi talaga sila okay ni Daddy. But knowing Daddy Hades, hindi 'yan titigil hangga't hindi sila magiging okay ni Mommy. Sya pa eh patay na patay ito. For sure, magkakaayos din sila.

"Okay sabi nyo eh. Anyways..Mom, Dad may ipagpapaalam sana ako.." sabi ko. Ramdam ko naman ang sabay na tingin sakin nina Mommy at Daddy.

"You're not gonna say you are getting married right?" matigas na tanong ni Daddy.

Nagpaikot ang mga mata ko sa tanong nya. Married agad?! Psh!

"Dad! Of course not!"

"Kung ganun ano ang ipagpapaalam mo? Makikipag tanan ka ba, Lalaine?"

Geez -_____-

"What?! No!"

"You're going to leave?"

"Psh! No!"

"Then what?"

Aish! Ang hirap talagang magpaalam kapag OA ang mga magulang.

"Bukas na 'yung opening ng bagong Beach Resort nina Kiana, you know her naman diba? So ayun, invited kaming lahat na magkakaibigan and her parents are expecting us. Ipagpapaalam ko po sana kung pwedeng akong pumunta" mahaba kong sabi.

Parang nakahinga naman nang maluwag si Daddy sa narinig. "Where this place?" tanong ni Daddy.

"Sa Batangas po."

"Ibig bang sabihin na kasama din ang mga anak ng Tita Andra at Sasa mo?" si Mommy.

"Yes, Mom. Kasama din ang mga Kuya nila. Actually, they want Kuya Kage to come too" sabay baling ko kay Kuya Kage na mukhang walang pakialam sa paligid.

"Okay. Papayag ako kung sasama ang kuya mo" si Daddy. Tinaasan ko ng kilay si Kuya, waiting for his answer.

"Hindi ako sasama." Bagsak ang balikat ko sa sagot nya.

"Kuya naman eh! Sumama ka na! They expect me to be there!"

"I don't care."

"Dad! Nakapagsabi na ako sa mga kaibigan ko na sasama ako?" baling ko kay Daddy. Ginamit ko pa ang super pout lips ko baka sakaling makumbinsi ko sya na payagan ako kahit umayaw si Kuya.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon