Chapter 7:

1.6K 62 2
                                    

CHAPTER 7:

LALAINE's POV.

Monday.

Umagang umaga, badtrip na badtrip na ako. Bukod sa kulang na kulang ang tulog ko ay nakakainis din si Kuya Kage. Hindi na nakapagantay at iniwan na ako. Si Daddy tuloy ang naghatid sakin sa school. Badtrip talaga kasi late na ako! Tch. Napaka terror pa naman ang first subject namin ngayon. Idagdag mo pang pasanin sa buhay ko ngayon itong malaking bag pack na dala ko. Grrr! Nakakabawas poise ito! Para akong mag hi-hicking sa itsura ko. Nakakainis! Buti nalang talaga at maganda parin ako.

Pinagtitinginan narin ako ng mga kapwa ko studyante dito, especially mga boys. Argh! Whatever! Basta 'wag lang akong makita ni Ezreal my labs ko sa ganitong itsura ko ngayon. Nakakahiya!

"Uhm..Lalaine, gusto mong tulungan na kita? Mukhang bigat na bigat ka kasi sa bag mo hehe" May lumapit saking isang studyanteng lalaki. He's cute but not my type. Pero dahil sa bigat na bigat na ako sa bag ko ay pwedeng pwede kong magamit ang isang 'to.

"You sure? This is really heavy" pakeme ko.

Ngumiti naman sya ng malaki. Aba! Swerte ng isang 'to at tutulungan nya ako. Ako na si Lalaine Cassidy Casuro? Sobrang swerte ng makalapit sakin, because I never let anyone get near me especially a stranger. Kahit ang mga kilala kong hindi ko ka-close, hindi din makalapit sakin. So, this guy is one hella lucky.

"Ayos lang! Kahit gaano pa kabigat yan, bubuhatin ko para sayo hehe."

Aww.. he's cute. Sige na nga. Mapilit eh. Ibibigay ko na sana ang bag ko sakanya pero may pontio pinatong biglang umagaw ito.

"The Heck?!"

Pagtingin ko ay ang letcheng unggoy pala. Masama ang tingin nito kay cute guy na mukhang natakot naman sa tingin nito, kaya ayon, kumaripas na agad ng takbo. Psh. Weak.

"What the hell is your problem?!" singhal ko dito. Gosh! I'm super late!

"Psh! Bakit mo kinakausap ang patpating iyon? Di hamak na MAS gwapo naman ako kesa 'dun!"

"You kidding me? Ikaw? Gwapo? Saang parte?"

"See it with yourself." sabi nito at biglang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya at umatras ako kaso umabante din sya.

"W-what are you doing? Lumayo ka nga sakin!"

But he didn't. Imbes ay mas lumapit pa sya sakin. Kung may ibang makakita samin iisipin iyon na naghahalikan kami dahil sa itsura namin ngayon. Kapag nagkataon, mapapatay ko talaga ang unggoy na ito. Pinagpapasalamat ko nalang ngayon na hour class na at nasa mga classroom na ang mga studyante.

"Not unless sabihin mong gwapo ako." sabi nya sabay ngisi ng mala-demonyo.

Hayop talaga to.

"Ang kapal ng mukha mo! Why would I say a Lie!" singhal ko sa mukha nya.

"It's a TRUTH! Tss. Parang sasabihin lang na gwapo ako eh. Sige ka, hindi ako lalayo at hahayaang may ibang studyante na makakita satin at iisipin nyang naghahalikan tayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. How dare he blackmail me! Pigilan nyo ako! Mapapatay ko ito!

"How could you! Freaking Jerk! Lumayo ka sakin!"

"Na ah. Sabihin mo muna!" ngisi nito.

I gritted my teeth in total anger and annoyance. Kunting kunti nalang talaga at mapapatay ko na ang bwisit na ito.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon