Chapter 21.2:

1.2K 46 5
                                    

CHAPTER 2.2

LALAINE's POV.

The competition had ended at laking pasasalamat ko na naitawid ko ng maayos ang mga routines ko. Hindi pa sinasabi kung sino ang nanalong school sa cheering competition, ayon sa mga taga committee, iya-announce daw kung sino ang winner sa mismong huling araw ng interhigh namin.

Isang buong linggo ang Interhigh kaya meron pang dalawang araw bago matapos ito. Tapos narin ang ilang mga sports and so far, ang School namin ang nangunguna sa rank.

Masaya ako sa hindi ko maipaliwanag na paraan. After what Kase did to surprised me on the the day of my cheering competition, lagi na kaming magkasama. As in. Kung nasan ang isa, andun din ang isa.

He's officially courting me now at pumayag na ang mga magulang ko dito. Sa araw kasi ng competition namin ay 'yung araw din na naka-usap nya ang pamilya ko at ipinagpaalam na liligawan ako. Tinatanong ko sya kung ano ang pinagusapan nila, lagi nya lang sagot sakin ay, "Basta."

Nabwi-bwisit na ako sa kakabasta nya pero hindi ko narin sya kinulit pa.

"Lalaine! Ano ba! Bilisan mo naman! Maagawan tayo ng pwesto, eh!" reklamo ni Maddie.

"Tch. Hindi pa naman nagsisimula ang game! Wag ka ngang atat, Maddie!" singhal ko dito.

She rolled her eyes at me at inirapan ko din ito.

"Duh! Ang daming tao ang gustong panoorin ang soccer game, Lalaine Cassidy! Maaga palang nagsisipuntahan na ang mga tao sa soccer field para humanap ng magandang pwesto! Kaya kung ayaw mong manood sa labas ng field ay bilisan mo dyan at pumunta na tayo!" mahabang sabi nya sakin.

"Tch. Oo na! Eto na bibilisan na!" sabi ko saka mabilis na inayos ang hairpin ko sa ulo.

Nasa C.R lang naman kasi kami at abala ako sa paga-ayos ng sarili ko. Etong Maddie na ito, hindi pa masyadong pantay ang kilay ko, nagmamadali na.

Ewan ko nga ba sa sarili ko. Hindi naman ako 'yung tipo ng tao na nagpapaganda't nagaayos ng sarili dahil dati naman na akong maganda, pero ngayon, lagi nalang akong conscious sa itsura ko. Gusto ko palagi akong maayos at komportableng tignan.

Gusto ko, lagi akong maganda sa paningin ni Kase. Tss. Ang unggoy na 'yun.

"Asan sina Amber?" tanong ko kay Maddie habang naglalakad na kami papuntang soccer field.

"Nandun na. Pinauna ko na sila para ma-ipag reserve tayo ng seats," sagot nya.

Psh! Iyon naman pala eh. May magre-reserve na ng uupuan namin kailangan nya pang magmadaling pumunta 'dun.

Inaalala ko talaga ang kilay ko. Baka hindi pa pantay! Kainis kasing Maddison na 'to eh.

"Iyon naman pala. Bakit kailangan pa nating magmadali?" asik ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao at hindi na ako magtataka kung bakit. MAGANDA kasi ako at maganda din naman 'tong si Maddison.

"Eh k-kasi..." at namula pa sya.

I rolled my eyes in 360 degrees.

"Ang sabihin mo lang ay hindi ka na makapag antay na makita ang Evan mo!" singhal ko dito.

Psh! Iyong Evan na tinutukoy ko ay 'yung boyfriend ni Maddie. Oo, may boyfriend na ang bruhang ito. Iyong ka teammates nina Kuya Kage sa soccer din. Ewan ko kung kailan pa naging sila, basta ang alam ko ay sila na.

"Psh! Oo na! Hindi ko na itatangi yun! Eh sa gusto ko na kasi talaga syang makita, eh!" sabi ng gaga saka ngumiti pa.

Tss. In love ang gaga.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon