CHAPTER 28
LALAINE's POV
Anong ginagawa ng malantod na babaeng 'yan dito? Buong akala ko pa naman, pinabalik na sya nina Mommy sa planetang pinangalingan nya. Tapos ngayon, makikita ko ang punyaterang 'yan dito? At parang ahas kong makalingkis pa kay KASE!
"Chuck!" tawag ko sa kapatid ko. Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig nung dalawa.
Bumaling sakin si Chuck at parang nabuhayan nang makita ako. He hurriedly stand up and run over me. Kita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin sakin 'yung dalawa.
"Lala!" Kase called me out but I didn't look at him.
Magsama kayo ng malanding 'yan!
"Noona!"
"Let's go eat meryenda" walang emotion kong sabi kay Chuck nang makalapit na ito sakin.
Nangunot naman ang noo nya saka nginuso ang direksyon nina Kase at Sabrina.
"Aren't you going to save Kuya Kase?" nag-aalalang tanong nya.
"He can manage" walang gana kong sabi at tinalikuran na sya.
"But--noona!" reklamo nya pero hindi ko na sya nilingon.
Nakarinig ako ng pag splash ng tubig at nakita kong umahon sa pool si Kase. Leaving Sabrina alone with her salbabida.
"Lala!" tawag ni Kase pero tuloy-tuloy lang ako nang lakad.
Bahala ka sa buhay mong letche ka! Magsama kayo ng deputang Sabrina na 'yan!
"Lalaine, wait!" Natigilan ako sa paglalakad nang hawakan nya ako sa braso.
Tumingin ako sakanya pero ganun din kabilis akong nag-iwas ng tingin. He's so fvcking Hot! Naka shorts lang kasi ito at walang pang-itaas. Water is dripping all over his body and he looks hot and sexy.
Katamtaman lang ang katawan ni Kase, hindi masyadong mapayat at malaki. Pre-mature pa ang abs nito at hindi pa ganung fully developed. Pero kahit ganun, hindi 'yun nabawasan ang appeal nya.
But it doesn't mean na magiging maayos na ang pakikitungo ko sakanya dahil lang sa pagbabalandra nya sa harap ko ng katawan nya.
Walang emotion ko syang tinignan. Ngumuso naman ito sa reaction na pinapakita ko.
"N-nagpapaturo lang lumangoy si Sabrina" mahina nitong sabi na para bang tinitimbang kong ano ang magiging reaction ko.
I remained emotionless.
"Am I asking?"
Mas lalo itong ngumuso.
"S-sinasabi ko lang, b-baka kasi nagse-selos ka."
Muntikan na akong matawa dahil sa sinabi nya. Selos?! Ako?! Dammit!
OO, NAGSESELOS AKO!
"Wag kang assuming. Hindi ako nagse-selos. Bakit naman ako magse-selos?" tinaasan ko sya ng kilay.
Hindi sya nakasagot at ewan ko pero mas lalong nagngitngit ako sa galit. Hindi man lang ba nya ipu-push na dahil gusto ko sya kaya may karapatan akong magselos? Psh.
"Omygash! Kase! I'm drowning!" biglang hiyaw ni Sabrina at kunwariy nalulunod nga.
Kase became tense and he was about to help Sabrina pero pinigilan ko ito sa braso.
"Lala, nalulunod si Sabrina!" he said, panicking.
"Hayaan mo ang punyetang 'yan malunod" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You √
टीन फिक्शनLalaine Cassidy Casuro is the definition of the word Perfect. Nasa kaniya na ang lahat; beauty, friends, brain, and a perfect family. As the spoiled brat daughter of a Billionaire, she always get what she wants. Akala niya nasa kanya na ang lahat...
