Chapter 21.1:

1.2K 49 2
                                    

CHAPTER 21.1

LALAINE's POV.

Event: Interhigh

"Oh, guys! Wag panghihinaan ng loob, okay? Kaya natin 'to! Fighting!" pampalakas loob na sabi sa amin ni Ariane.

"FIGHTING!!" and we did the Aja pose.

Interhigh namin ngayon at kasalukuyang nagsisimula na ang cheering competition.  Pang-apat kami sa mga magpe-perform at pangatlo na itong school na nagpe-perform ngayon, meaning, kami na ang susunod.

Kinakabahan ako na nae-excite. Nandito ang buong pamilya ko para suportahan ako. Nakakatuwa lang na nagpagawa pa ng banner si Daddy para sakin. I told him that I don't need it but he insisted. Sabi nya, hindi daw nya kayang makipag sabayan sa sigaw ng mga fans ko kaya nagpagawa nalang sya ng banner para kahit nagpe-perform ako ay nakikita ko ang supporta nila.

My friends are also here to support me at may sariling banner din na ginawa nila para sakin. I feel so flattered kaya kahit anong mangyari, pagbubutihin ko ang performance ko.

"Omygash! Ang galing nila!"

"Oo nga! Grabe! Pigil hininga ako 'dun ah!"

Ilan lang 'yan sa mga usap-usapan ng mga kasamahan ko. Magaling nga ang pangatlong grupo at nakakapambaba ng self confidence ang galing nila. Bale, pitong school lahat ang maglalaban laban. Pangatlo palang ang nagpe-perform at lahat sila ay magagaling. What more sa mga ibang school pa diba?

"Lalaine, are you alright?" tanong sakin ni Ellen. Napansin marahil nito ang pagiging kabado ko.

"Yeah. Kinakabahan lang ako."

She patted my shoulder and smiled at me. "Don't be. Baka nakakalimutan mong ikaw si Lalaine Cassidy Casuro? Wala kang inaatrasan na laban. Pero ngayon, bakit parang bumaba ata ang self confidence mo? Dahil ba sa magagaling ang mga kalaban?" tanong nya.

I bit my lower lip. Hindi naman talaga ako natatakot sa mga kalaban. Magagaling man ang mga ito o ano, malakas ang loob kong kayang kaya namin silang talunin. I am confident that we will win the championship, again. Pero kasi..hays!

"Hindi ako takot. Medyo na te-tense lang. Ang dami kasing mga tao" sabi ko saka ginala ang paningin ko sa buong gym.

Sobrang daming tao.

Pero bakit, wala parin sya?

"Nagtaka ka pa. Lagi namang sobrang daming tao kapag ganito, lalo na kapag may isang Lalaine Cassidy Casuro ang magpe-perform. Ewan ko nalang kung hindi manonood ang mga tao," sabi ni Ellen.

Ngumiti nalang ako sakanya. Oo nga, maraming taong gustong makita akong mag perform. Marami nga akong taga-hanga. Pero aanhin ko silang lahat kung 'yung nagiisang taong gusto kong nandito para manood ay wala naman?

Gago ka talagang, Unggoy ka! Asan ka na bang hinayupak ka?!

Muli kong iginala ang paningin ko sa audience at saktong nakitang kumakaway sakin si Mommy at Daddy. Bakas man ang pagaalala sa mukha nila ay hindi parin maitago kong gaano sila kasaya na makitang magpe-perform ang kaisa-isang unika iha nila. Kumaway ako pabalik sakanila at nag flying kiss pa. Sunod naman akong napatingin sa mga kaibigan ko na nasa tabi din ng pamilya ko. I saw Amber at sya ang may hawak ng banner habang winawagayway ito.

I smiled a bit. Nandito ang kapatid nya pero sya wala?

Bwisit na unggoy ka. Kapag talaga hindi ka dumating, ikaw ang ihahagis ko sa ere!

"That was a breath taking performance by Backhem University!!" sabi ng emcee matapos magpe-perform ang tinukoy na school.

Nakakabibinging hiyawan at sigawan ang ginawad ng audience sakanila. No wonder, magaling talaga sila. Tapos na sila, ibig sabihin, kami na at hindi ko parin nakikita ang unggoy na 'yun!

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon