Chapter 15:

1.5K 56 9
                                    

CHAPTER 15

LALAINE's POV.

"Omygash! Omygash! Omygash! So beautiful!" bulalas ni Maddie nang makarating kami sa Batangas. Eksaktong pagkarating namin ni Kuya dito ay dumating din sila. Swak sa timing. Nandito na kami ngayon sa nakalaang cottage para saming mga magkakaibigan. Malaki ang kubo na kinaroroonan namin, may videoke pa nga e.

The place is so beautiful. I'm not into beaches but this one really catches my attention. Sobrang maganda. The white sand. The very blue sea. The fresh air. Everything. Perfect ang lugar na ito para sakin. Idagdag mo pa na nakakarelax ang ambiance ng lugar.

Hindi tuloy ako nagsisisi na pumunta dito.

"Omydee! Let's go swimming na guys!" yaya ni Shan.

"Let's gooooo!" ayon naman ang kakambal nya. Psh! Ang ingay nang dalawang kambal ng tadhana na ito. Parang ngayon lang nakarating sa beach e.

"Lala, mag swi-swimming ka ba?" tanong ni Amber habang umiinom nang yakult. Isa pa 'to. Isip bata. Ilang taon na umiinom parin ng yakult!

"Nah. Ayoko umitim" simpleng sagot ko at binaon ang paa ko sa puting buhangin. Masarap kasi sa pakiramdam. Medyo malamig kasi ang buhangin.

"Ayaw umitim o baka naman hindi marunong lumangoy?" nakangising sabi ni Maddie.

Inirapan ko naman sya. Psh! Anong hindi marunong lumangoy? Tapon ko sa dagat 'to e.

"Ano ka ba sis! Baka nakakalimutan mong alagad ni Dyessabel ang isang 'yan?" nakangising sabat naman ni Shannon sa kapatid.

"Psh! Kayong kambal ni Ursula, tigilan nyo nga ako!" singhal ko sa dalawa.

>____< ---> ayan ang itsura nilang dalawa.

"A-anong Ursula? Sinong Ursula ha!" asik ni Maddie

"Susmeyo kang babae ka! Ang ganda ko namang Ursula!" sabay irap naman ni Shannon

I just rolled my eyes to them. Hindi ko nalang sila pinansin at dinagdagan pa ng buhangin ang mga paa ko.

"Lalaine, where is Kuya Kage?" tanong bigla ni Kiana.

"Ewan ko sa isang 'yun. Baka nilamon na nang dagat" sagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung saan nagsu-suot ang isang 'yun eh. Basta pagkarating namin dito, bigla nalang sya nawala. Maging si Ezreal nawala din. Hindi ko tuloy sya nagawang lapitan kanina dahil tinangay sya ni Kuya.

"Speaking!" sabat ni Shan habang nakatingin sa ibang direksyon. Sinundan naman namin ang tinitignan nya at nakitang papalapit samin sina Kuya Kage, Ezreal at....psh! Bakit ba nakalimutan kong nandito din ang unggoy na 'to?

"PANGARAP KO!!! ^___^"

Tss -____-

Parang batang nagtatakbo ito papalapit sakin at ang tanga..hahaha..hindi nakita na may sanga ng kahoy sa tinatakbuhan nya at biglang natapilok kaya ayun! Nakipag lips to lips sa buhangin.

"Hahahahaha!!" tawa naming lahat. Hanep sa bungad ang isang 'to!

"Ang tanga naman nitong sangang 'to! Kita na ngang dadaan ako hindi pa tumabi!" reklamo nya at tinapon sa malayo ang sanga.

Astig nito, sinisi pa ang sanga -___-

"Okay ka lang Kuya? Hindi ka kasi ata nakita nung sanga kaya hindi nakatabi agad" sabi ni Amber sabay sipat kung nagkagalos ba ang kapatid.

Nagkatinginan kami nina Maddie at ganun nalang ang tawa nila. Ako naman ay hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa na sa katangahan nang magkapatid na ito. Grabe! Bilib din ako sa utak nila.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon