Chapter 13:

1.3K 61 4
                                    

CHAPTER 13

LALAINE's POV.

"Turn to your right..Oha! 1 2 3 clap! Once again!"

Napasalampak ako sa sahig matapos ang nakakapagod na practice namin. Hindi pa namin nabuo ng mabuti ang whole routine ng cheering. Sa mga steps palang kami nag fo-focus, and well, prina-practice narin namin ang mga stunts na gagawin namin. Medyo nakakakaba na nakakaexcite lang.

"Guys, wala pala tayong practice tomorrow. Paghinga muna tayo" sabi ni Ariane.

Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Friday na pala ngayon at sabado na bukas, at bukas na 'yung opening ng beach resort nina Kiana. Hindi pa nga ako nakapag paalam kina Daddy eh. Sana nga payagan nila ako kasi sabi ni Maddie, sasama daw si Ezreal 'dun. I want to be with Ezreal. This past few days kasi, bihira ko lang sya makita.

Nag practice pa kami ng isang beses at pagkatapos nun ay nagsi-alisan na kaming lahat sa practice room namin. Matapos kong magpaalam sa mga kasama ko ay nagtungo na ako sa soccer field. May practice kasi sina Kuya at kabilin bilinan nya na dumiretso ako agad dun pagkatapos ng practice ko. So here I am.

Pagkarating ko sa soccer field ay nakita ko agad ang paglalaro nina Kuya. Dumiretso ako sa isang bench at inilibot agad ang paningin ko sa paligid. I'm looking for Maddie, Shan and Amber. They should be here now, sabi kasi ng mga ito na dito nalang nila ako aantayin. Pero hindi ko naman sila makita. Psh! Asan naman kaya nagsuot ang mga 'yun?

I took out my phone and texted Maddie. Mabilis naman itong nagreply at sinabing pinauna na daw silang umuwi ng Kuya Ezreal nila. Si Amber ang hindi ko alam. I also texted her but I still didn't get a reply from her.

"Hi you are Lalaine, right?"

Napatingin ako sa gilid ko ng biglang may nagsalita. Nakita ko ang isang..well--may itsurang lalaki. Matangkad ito at may maipagmamalaking katawan. He's probably one of the soccer players, base narin sa suot nyang damit na katulad nina Kuya Kage kapag nagpra-practice ng soccer.

"Yeah." tipid kong sagot. Hindi ako mahilig mag entertain ng mga tao, especially boys na alam ko na ang motive sakin.

"Grabe ang ganda mo nga talaga!" he beamed.

I rolled my eyes. Seriously? Wala na ba syang pwedeng sabihin sakin na hindi nakakasawa sa pandinig? Matagal ko nang alam na maganda ako, hindi na kailangang ipaalala, psh.

"I know right."

"Uhm..a-ano Lalaine..pwede bang--"

"No." putol ko sa sasabihin nya dapat.

I rolled my eyes for the second time. Alam ko na ang sasabihin nya. Dalawa lang 'yan eh. It's either he's going to ask my number or ask me to be his date on Gravierre Night Ball. How did I know? Simple. Maganda ako, 'yun lang. Araw araw may nagtatakang kumukuha ng number ko at yayain nila akong date sa Ball Night ng school. Nakakasawa na.

"Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko" ungot nitong lalaki.

"I don't care. End of conversation. Lumayas ka na sa harapan ko."

Walang nagawa ang lalaki kundi ang lumayas na nga sa harapan ko. Psh! What an idiot. Hays, nakaka stress ang pagiging maganda.

"Bad girl."

Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang magsalita sa likod ko. Nanayo din ang mga balahibo ko, and his voice. Ang boses na kabisadong kabisado ng buong systema ko. Napalunok muna ako bago ako humarap sakanya. And there..I met his cold dark eyes.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon