Chapter 30:

2K 40 1
                                    

CHAPTER 30

Para akong pinako sa kinatatayuan ko sa nangyari. I suddenly can't move. Maddie keeps on asking me what was wrong but I can't give her an answer. Natulala lang ako dun.

"Leave me alone.."

"Leave me alone.."

"Leave me alone.."

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak ko 'yung sinabi ni Kase. At paulit-ulit din akong nasasaktan.

Sinundan ko ng tingin ang pinuntahan nya, and there something inside me wants to follow him, so I did. Dinig ko pang tinawag ako ni Maddie pero hindi ko na ito pinansin. Importante si Kase sakin ngayon. I need to talk to him. Magpapaliwanag ako sakanya, kahit sa tingin ko ay wala akong ipapaliwanag.

I followed him hanggang nakita ko syang pumasok sa C.R. Pero bago ko pa sya tawagin ay naisarado na nya ang pintuan.

"K-kase?" I called him. Pero walang sumagot. Lumapit pa ako sa pinto at kinatok ito. "Kase? Mag-usap tayo, please?"

I bit my lower lip. Naiiyak ako sa nangyayari. Natatakot din ako na pagkatapos nito, hindi ko na maabot si Kase. I'm scared that he will hate me.

"Kase, please? Mag-usap tayo!" I knock again.

"Umalis ka na, Lala!" he shouted back.

"Mag-usap muna tayo!"

"Aish! Mamaya! Lubayan mo muna ako!"

Natigilan ako. Kumirot na naman ang dibdib ko. Hindi ko na sya kinatok pa at sumandal ako sa gilid ng pader. I'll wait him here.

Mahigit trenta minutos akong naghintay hanggang sa lumabas na sya ng C.R. Tumayo ako agad sa pagkakaupo ko at tinignan sya. He's caressing his stomach and sweat all over his body. Anong ginawa nya sa loob?

"Lalaine?" gulat syang tumingin sakin. He's probably not expecting me to be here. "Anong ginagawa mo dito?"

Napayuko ako. "Hinihintay ka.."

"Ha? Bakit?"

Umangat ang ulo ko sakanya at malungkot syang tinignan.

"Nagalit ka kaya sinundan kita. I'm sorry, I didn't--" hindi ko natapos ang sinasabi ko ng magsalita ito bigla.

"Wait! Ako? Nagalit? Kanino sayo?" sunod-sunod nyang tanong.

Tumango naman ako.

"Ha? Bakit naman ako magagalit sayo?" kunot noong tanong nya.

"Because I know the relationship of Amber and Kuya Kage. Hindi ko sinabi sayo. I'm sorry.." nakatungong sabi ko.

"Eh? Bakit ko naman ikakagalit yon? At isa pa, alam ko naman eh."

Gulat akong napatingin sakanya. What did  he mean na alam nya?

"Alam mo?"

Tumango ito saka ngumiti. "Oo. Hindi naman ako bulag para hindi makita kong anong meron sa dalawa."

Napanganga ako. So, all this time, alam nya lang pala? My gosh! Halos ma-stress kami ni Kuya kong papaano namin sasabihin kay Kase ito dahil natatakot kami sa magiging reaction nya. Iyon naman pala ay alam nya na.

"Hindi ka galit?" tanong ko pa.

"Why would I? Siguro nagtampo ako, dahil baby pa si Amber. Pero wala naman akong magagawa kong gusto nya si Kage. And besides, I trust Kage on this one. I know he won't hurt my sister" nakangiting sabi nya.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon