Chapter 10:

1.5K 54 5
                                    

CHAPTER 10

AMBER's POV.

*sigh*

*deep sigh*

"Lalim nun sis ah? May problema ba?"

Napatingin ako kay Kuya Kase ng bigla itong magsalita sa tabi ko. Ano na naman ba ang ginagawa nito dito sa kwarto ko?

"W-wala Kuya.." Umiwas ako ng tingin dito. Ayokong makita nya na nagsisinungaling ako.

Ang totoo kasi..meron akong problema, malaking problema.

Namulsa ito at pinaningkitan ako ng mata. "I know you to much my dear sister. You're lying. What's bothering you?"

Hays. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Kilalang kilala talaga ako ni Kuya at wala akong takas sakanya ngayon.

"Hays!" Napabuntong hininga na naman ako. "Iyong tungkol sa camping namin Kuya."

Kumunot ang noo nito at mas lumapit sakin. Naka upo kasi ako sa dulo ng kama ko. "What about it?"

"Nakausap ko si Mrs.Ramirez kanina. Bilang isang presidente ng girls scout, hindi ako pwedeng mawala sa camping namin Kuya. Malaki ang obligation ko at inaasahan din ako ng team ko."

"Akala ko ba nakausap na nina Mama ang teacher mo?"

"Oo nga. Nakausap na nila. Pero sobrang nanghihinayang si Mrs. Ramirez sakin lalo na ang team ko. Tingin nila, iniwan ko sila sa ere" Nakatungo kong sabi. Naalala ko kasi ang disappointed na mukha ng mga team ko kanina, nakakaiyak.

Kuya Kase patted my head. "Hindi naman porket hindi ka makakasama, ibig sabihin iniwan mo na sila sa ere. You have reasons naman eh."

"Iyon nga Kuya eh. I have reasons but It was invalid. Kuya, gusto ko talagang pumuntang Davao" ngumuso ako kay kuya.

"Hindi nga pumayag sina Mama diba? We can't do anything about that."

"Malaki naman na kasi ako. Kaya ko na ngang gumawa ng apoy gamit ang bato eh. I can handle myself naman Kuya."

"Hays! Ang kulit mo! Basta hindi pwede okay? Your still a baby!"

Napasimangot ako sa sinabi nya.

"Baby? Pati ba naman ikaw baby din ang tawag sakin? Kuya naman eh!" nakanguso kong sabi.

Nakakainis! Si Papa, baby ang tawag sakin. Tapos heto pang si Mojojo123, baby din ang tawag sakin. At ngayon nakiki baby narin si Kuya?!

-____-

Lalo na hetong si Mojojo123. Baby ng baby. Feeling ko isa lang kina Papa at Kuya Kase sya eh. Pinagtri-tripan lang nila ako.

"Hahaha! Why? Dont you like it? Baby ka pa naman kasi eh!" natatawa nitong sabi.

"Shunga ka ba Kuya? Hindi naman na ako gumagamit ng pacifier kaya bakit ako naging baby? Ha? Sabihin mo nga?"

Imbes na sumagot ay tinawanan nya lang ako. Aish! Nakakainis talaga ito! Hindi ko na nga sya tutulungan kay Lalaine.

"Hahahaha!"

>____<

"Sige tawa pa! Sinasabi ko sayo Kuya, hinding hindi kita tutulungan kay Lalaine! Bahala kang dumiskarte mag isa!"

Tumigil naman ito sa kakatawa at ngumusong tumingin sakin.

"Nag jo-joke ka lang sis diba?"

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon