Chapter 5:

1.9K 72 6
                                    

CHAPTER 5

"KUYA!!"

"What?!"

Huminto sya sa akmang pag akyat ng hagdan at humarap sakin ng may masamang tingin. Namewang naman ako at pinasingkitan sya ng masama.

"May girlfriend ka ba?" diretso kong tanong. Naalala ko kasi 'yung nerd na sumigaw kanina sa soccer field.

Kumunot naman ang noo nito at tinignan ako na parang may tatlo akong ulo. "Are you sick? Where did you get that question?"

"Basta sagutin mo nalang ako! Girlfriend mo ba 'yung nerd kanina sa soccer field? How could you hide it from me!" I pout.

Nakakatampo na hindi nya sinasabi sakin ang tungkol sa bagay na 'yun. Sabagay, asa naman ako na mag kwe-kwento sya sakin ng tungkol sa love life nya. Pero kasi... ayokong may girlfriend ang Kuya ko. Selfish na kung selfish pero gusto ko nasa amin parin ang attention nya. Ayokong may ibang babae sa buhay nya bukod samin ni Mommy. Ayokong magkaroon ng Ate. Not now.

Bumuntong hininga ito at lumapit sakin. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko.

"Look. I don't know what you are talking about. That damn nerd is absolutely NOT my girlfriend," sabi nito na mukhang asar na asar.

"Eh bakit sabi nya boyfriend ka nya?" Hindi naman pala girlfriend eh.

"Tss. I don't know. She's one of my crazy stalker," napangiwi ito sa sinabi. Maging ako napangiwi narin. Alam ko na may mga baliw na nagkakagusto kay Kuya. Dapat pala 'nung una alam ko ng isa nga sa mga nababaliw kay kuya ang nerd na iyon.

Asa naman ako na may magugustuhang ibang babae si Kuya. Sa sobrang arte at sungit nya, ewan ko nalang.

"Akala ko pa naman girlfriend mo na 'yun."

"SINONG MAY GIRLFRIEND?!"

O__O

Lagot.

Nakita namin si Mommy na naglalakad papalapit samin. Galing itong kusina dahil may hawak pa syang sandok. Nakataas ang kilay nito samin.

"Ikaw ba, Chuck? May girlfriend ka?"

Napatingin ako sa sofa at nakita ko si Chuck na kumakain ng marshmallows habang may laptop sa harap nya. Nandito pala ang isang 'to. He's probably watching KDrama again. It is a Korean Dramas. Ewan ko ba kung bakit addict ang kapatid ko sa ganyan.

Inosente syang tumingin kay Mommy. "MALDO ANDWEEEEE!!" nanlaki pa ang mga mata nito.

Tss. OA. Feeling Korean talaga 'to. Sa tagal ko ng kasama ito, kabisado ko na ang mga Korean language na sinasabi nya. Akala mo naman may lahi syang koreano eh Italian ang lahi namin.

Pinaningkitan sya ng mata ni Mommy. Tinitimbang kung nagsasabi ba ito ng totoo. "Siguraduhin mo lang! Ang bata bata mo pa para dyan!" Chuck just pouted like a kid. Samin naman tumingin si Mommy. Pinaningkitan nya rin ng mata si Kuya. Ramdam ko naman na biglang naging tensyonado si Kuya.

"What's with the stare Mom?" nauutal na tanong nito kay Mommy.

Pfft. Ang kaninang masamang mukha ni Kuya ay biglang lumambot ng makita si Mommy. Psh! Mommy's boy. Si Mommy lang din pala ang katapat nya.

"Ikaw ba Kage may girlfriend na?" Uh uh! Mukhang galit si Mommy.

"What?! Of course none Mom!" Gusto kong matawa sa pagkataranta sa boses ni Kuya.

"Sigurado ka?"

"Tss. Not until I find someone like you," sagot nito.

Eto namang si Mommy ay biglang ngumiti pero ng maalala na galit pala sya ay sumimangot agad ito. Psh. Weirdo.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon