Chapter 11:

1.4K 65 7
                                    

CHAPTER 11

LALAINE's POV.

*Untog ng ulo sa lamesa*

Ouch T___T

Ano bang nasa utak ko at pumayag ako?! Hindi pa naman ako nababaliw pero waaahh!! Bakit?! Bakit ako pumayag?!

BAKIT AKO PUMAYAG NA MAKIPAG-DATE SA UNGGOY NA NEMO NA YUN?!

T___T

BAKIIIIITT?!

Ako na si Lalaine Cassidy Casuro na ubod ng GANDA makikipag date sa hinayupak na 'yun?!

Waaahhhh!!

Okay, Lalaine! Calm down! Calm down!

*Untog ulit ng ulo sa lamesa*

Masakit letche! T___T

"Iyong totoo? Nawawala ba ang turnilyo mo sa utak o ano?"

Napatingin ako kay Maddie ng bigla itong magsalita sa tabi ko. Nasa loob pala kami ng classroom at hinihintay ang lecturer namin for last subject. At pagkatapos ng subject na ito, delubyo na ng buhay ko-__-

Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala sakin lahat ng mga ka-klase ko. They're eyeing me like I had a three grown heads. Tinaasan ko sila ng kilay at mabilis naman na nagsiiwas ng tingin ang mga ito. Psh! Ganda problem.

"May turnilyo pala ang utak? bakit hindi itinuturo yan sa science?" dinig kong bulong ni Amber.

Napatingin naman ako dito na parang ang lalim ng iniisip. Kinapa kapa pa nito ang ulo nya. Paniguradong kinakapa nyan ang turnilyo nya sa utak. Psh! Ito ata ang nawawalan ng turnilyo sa utak eh.

"Absent ka noon ng itinuro 'yan sa science!" sabi ko dito.

Tumingin sya sakin ng may nanlalaking mga mata. Psh! For sure kung ano-ano na naman ang iniisip nya.

"Hala! O__O papano kung lumabas 'yan sa exam? Edi wala na akong naisagot! Waaahh! Lala, pahiram ng notes mo T__T"

-____-

Sabi ko na nga ba. Wala na atang pag-asang maisalba ang kakaibang utak ng babaeng yan.

"Ewan ko sayo, Amber." I just flipped my hair and look away from her.

Kasalanan ng babaeng to ang lahat. Kasalanan nya kung bakit kailangan kung makipag date sa hinayupak nyang Kuya.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Kuya Kage kagabi. Hindi parin ako makapaniwala. Napatingin muli ako kay Amber at napabuntong hininga.

Why her? I mean, what's with her? Eh kulang na kulang nga ang turnilyo nya sa utak so, bakit sya? Hays, nagtataka kayo siguro kung ano ang sinabi ni Kuya Kage. Eto yun...

"Shit!..fvck this freaking heart of mine to fell in love with you...Amber."

Iyan ang sinabi nya! Nakakagulat talaga. Si Kuya Kage na ubod ng sungit at stricto may gusto kay Amber? Hays. Hindi ako galit or what. Masaya ako at may magugustuhang babae si Kuya. Masaya nga akong malaman na may puso pala ang masungit kong kuya.

I'm not against with them. Ang totoo nga dyan ay nagaalala ako para kay Amber. Masyado syang inosente. Hindi naman sa minamasama ko si Kuya pero, masasaktan nya lang si Amber. Masyado pang inosente ang utak nya para sa pagmamahal na yan. And Kuya Kage is to serious about it. Kita ko ito kagabi. Halos maulol na nga eh. Hays.

"Guys, omo! May sasabihin pala ako!"

Nabalik ako sa diwa ng marinig ang nakakabinging tili ni Kiana. Para itong kitikiti at hindi mapakali sa kina-uupuan. Nag form kami ng circle na upuan para marinig namin ang sasabihin daw ni Kiana. Nasa iisang row lang kasi kaming mga magkakaibigan kaya swak sa chismisan.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon