Chapter 29:

1.5K 38 1
                                    

CHAPTER 29:

LALAINE's POV

Para akong natutunaw na kandilang sumandal sa pader. Natulala ako at paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga narinig ko.

Kase is leaving..

At wala man lang akong kaalam-alam dito. Two weeks nalang at graduation na nila. Hanggang ngayon, hindi parin nya sinasabi sakin ang tungkol dito.

I bit my lip as I'm trying to calm myself. The thought of Kase leaving me, ang bigat-bigat sa dibdib.

Napabuntong hininga ako at inayos na ang sarili. Hindi ako naniniwalang aalis nga sya. Hindi ako maniniwala hangga't sya mismo ang magsasabi nito sakin. May two weeks pa naman ang natitira, I'll wait him to tell me about it.

Naglakad na ako papuntang kusina at nakasalubong ko pa si Kuya Kage na may dala-dalang pulutan ata nila. He looked at me and I pouted.

Si Kuya kaya? Alam nya ang tungkol sa pagalis daw ni Kase?

Pagkarating ko sa kusina ay naabutan ko sina Mommy, Tita Andra at Sasa na nagtatawanan. Napatingin sakin si Tita Andra at nginitian ako. I smiled back.

"Mommy.." lumapit ako kay Mommy saka sya niyakap. She smiled and hugged me back.

"Aww..Ang sweet naman ni Lalaine. Yung kambal ko, naku! Saka lang maglalambing kapag may kailangan" Tita Sasa hissed.

"Si Locke lang ang problema ko sa bahay. Walang ka sweet-sweet sa katawan" sumimangot si Tita Andra.

"Swerte ko sa mga anak ko kong ganun. They are the sweetest" ngumiti si Mommy at napangiwi naman ako.

We are the sweetest? Sure ka ba, Mom? Sweet si Kuya Kage? I doubt it.

"Mom, I'm hungry" sabi ko kay Mommy.

"Alright. I-pre-prepare nalang namin ang dinning at sabay sabay na tayong kumain" she smiled at me and I nodded.

"Tawagin mo na ang nga boys and girls, Lalaine. Kakain na tayo" sabi ni Tita Andra.

"Yes, Tita."

Umalis akong kusina at tinawag na nga ang mga kasamahan namin. They settled the dinning table at parang fiesta sa dami ng mga pagkain. Isama mo pa na ang iingay ng mga tao. May pinagtatawanan ang mga girls at may pinagu-usapan naman ang mga boys.

Samantalang hindi ko magawang makipagtawanan o makihalubilo sakanila. My thoughts are occupied by Kase. I look at him and I caught him looking at me too.

Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa tabi ni Mommy. Maingay na nagsikuhanan ng pagkain ang mga kasama namin, hindi parin mawala-wala ang tawanan nila.

"Are you okay, anak?" tanong sakin ni Mommy. She probably noticed my silence.

Tumango ako ng marahan at ngumiti sakanya. "Yes, Mom."

"Ang saraaaap! Ang galing nyo talaga magluto, Tita Alice!" Maddie beamed matapos matikman ang menudo.

Tumikhim naman si Tita Sasa.

"Kurutin kita sa singit, Maddison. Alam mong specialty ko ang menudo. Baka ako nagluto nyan?" pinanlakihan ng mata ni Tita si Maddie.

"Ay! Sorry, Momskie! Masyado kasing masarap kaya nakalimutan ko na ikaw pala nagluto, hehe!"

The dinning filled with laughter, lalo na ng makita namin na malapit ng magsuper sayan si Tita Sasa. Pinakalma naman ito agad ni Tito Spaniel.

"What are your plans this coming vacation?" tanong ni Tito Calvin, kina Tito Spaniel nakabaling.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon