Chapter 17:

1.3K 54 6
                                    

CHAPTER 17

LALAINE's POV

"Date me.."

"Date me.."

"Date me.."

Nawawala na nga ata ang isang turnilyo ng utak ko. Dalawang araw na simula nang makauwi kami galing sa Batangas ay hindi parin maka get over ang utak ko sa sinabi ni Kase. Those two words keep on replying on my head.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I can't understand why I'm so affected with his words.

Si unggoy na mukhang tilapia, want's me to date him? Hindi na sakin bago 'yun dahil noon pa man ay pinipilit na nya akong makipag date sakanya. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit naapektuhan na ako ngayon?

What was that mean?

Aish! Mababaliw na ata ako T___T

"You look like a shit, noona!"

Sinamaan ko ng tingin si Chuck. Ano ba 'tong batang 'to? Pasulpot sulpot nalang bigla.

"What are doing here in my room?" singhal ko sakanya.

Ngumuso naman ito at tinignan ang PSP kong nakapatong sa bed side table ko. Nagpaikot nalang ako ng mata.

"Can I?"

"Tss. Sige na, sige na! Basta lubayan mo muna ako!" kinampay ko pa ng kamay ko sa ere.

"Yey! Thank you, noona!" Parang tangang nagtatalon ito at mabilis na dinampot ang PSP ko.

"Psh."

Nagtatalon parin itong pumunta sa amba ng pintuan ko. Huminto ito at nakangiting tumingin sakin.

"Anyways, noona. I like Kuya Kase for you. He's adorable like Lee Min Ho" sabi nito at tuluyan ng lumabas ng pinto.

Nangunot naman ang noo ko. He like Kase? And who the hell is Lee Min Ho--psh! Paniguradong isang Koreano na naman 'yun.

Napabuntong hininga ako at humiga sa kama at tumingin sa SpongeBob na disensyo ng kisame ko sa kwarto. Parang sirang plaka na naman na nagpaulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni Kase.

"Ano ka ba Lalaine! Tigilan mo na nga ang kakaisip sa letcheng unggoy na 'yun! Nilason nya lang ang utak mo!" sabi ko sa sarili at tinampal pa ang noo ko.

Eto na ata ang epekto sakin ni Kase. Nababaliw na ako at heto, kinakausap ko pa ang sarili ko.

Naputol ako sa nababaliw kong pagiisip ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Ano na naman ba Chuck?! Sabi kong luba---eh? Kuya ikaw pala. Psh!" Akala ko pa naman ang KPOPangit kong kapatid, si Kuya Kage lang pala.

Seryoso ito--na hindi na bago--habang naglalakad papalapit sakin. Tinaasan ko naman sya ng kilay habang nakahiga parin ako.

Nagtaka ako ng inabot nito bigla sakin ang cellphone nya.

"Kindly put Amber's new number here" poker face na sabi nito.

"Tss. Why would I?" inirapan ko sya.

Kumirot na naman ang dibdib ko pagkarinig ko sa pangalan ni Amber. Nitong mga nakaraang araw, pilit kong winawaksi sa isipan ko ang mga narinig ko sa bibig mismo ni Ezreal.

Pakiramdam ko trinaydor ako ng kaibigan ko. I'm not mad at Amber. That's for sure. Hindi ko ata kayang magalit sakanya. Alam kong hindi nya rin naman ginusto ang nangyari. Wala syang ka-ide-idea na sya pala ang gusto ni Ezreal. Ang lalaking minahal ko mula pa pagkabata.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon