Chapter 9:

1.4K 62 8
                                    

CHAPTER 9

LALAINE's POV.

"Are you okay, Lalaine?"

Napatingin ako kay Shan ng bigla itong magsalita sa tabi ko. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nya sakin. I'm spacing out again, tss.

Ngumiti ako dito kahit halatang pilit. "Of course I'm fine, mukha ba akong hindi okay?"

Napabuntong hininga lang ito at kumapit sa braso ko. Para talagang linta itong si Shannon kung dumikit. Tss. Hilig nya yang  makipag yakapan ng braso sakin. Hinayaan ko nalang kasi nasanay naman na ako.

"To tell you honestly, hindi. You are not okay. Mula pagkabata magkasama na tayo Lalaine. I know if you are okay and if it is not. Kilala na kita," sabi nito.

"Iyon naman pala eh. Kilala mo na ako. You even said that you know if I'm okay or not. So, why bother asking me in the first place if you already know the answer?"

Ngumuso naman ito. "Bawal na ba ngayon ang magtanong? Ha? Psh! Ang sungit nito, meron ka ba?"

I just rolled my eyes at her.

"Talk to my hand, Shan!" sabi ko nalang dito at hinarap sakanya ang palad ko.

Umirap naman ito sakin at nagtungo na sa kakambal nya. Ako naman ay inayos na ang mga gamit na iiwan ko sa locker ko. Nandito kasi kami sa locker room namin. Uwian narin pero hindi pa ako uuwi agad. May gagawin pa ako.

"Amber, anong sagot mo sa number 3 kanina sa quiz? Grabe! Ang hirap nun!" dinig kong sabi ni Maddie. Ang ingay talaga ng babaeng ito kahit kailan. Nakakahiya nga minsan kasama eh, pero kiber nalang ako. Maganda ako eh.

"Uso sumagot minsan Amber noh? Baka may nagtatanong sayo?" si Maddie ulit. Tinignan ko naman ang mga ito at kita ko na hinihintay na magsalita ni Maddie si Amber na abala sa pagkalikot sa cellphone nya. Mukhang may ka-text ito.

"Omygash, twin Sis! Dedma lang ang pinagmamayabang mong beauty!" sabi ni Shan sa kakambal.

Hindi naman sya pinansin ni Maddie. "Hoy Amber Sen Salvatore! Sino ba yang ka-text mo at busy'ng busy ka ha?!" Ang lakas ng boses grabe.

Napatingin naman sakanya si Amber na may inosenteng mukha. Muntik na akong matawa ng makita ang naiinis na mukha ni Maddie.

"A-ano yun Maddie?"

"Sino ang ka-text mo kako at busy'ng busy ka dyan?!"

"Hindi ko kilala eh. Unknown number. Kinikilabutan nga ako sa sinabi eh." Amber na mukhang kinikilabutan talaga.

"Ano ba ang sabi?" tanong ko. Hindi ko na naiwasang maki-chismis. Baka kasi may nantri-trip na naman sakanya. Humanda sakin kung sino man iyon.

"Eto oh, basahin nyo" sabi nya at inabot samin ang cellphone nya. Binasa naman namin ang nandun.

From: 09*******89

Hello there, baby. How's your day? Heard you take your quiz. Did you get the high score? Oh well, even if you failed in that, in my heart, you will never failed making my heart beats so fast. You going home now? Please be careful..I'm still marrying you someday, baby..

-Mojojo123

Ayan 'yung nabasa namin. Hindi ko naman alam kung ngi-ngiwi ba ako o matatawa sa nabasa. Particularly sa name na ginamit.

"Syet! Kikiligin na sana ako pero---langya! Mojojo123?! Bwa-bwahahahahaha!" si Maddie na halos gumulong na sa sahig kakatawa.

"Bwahahahaha!! Ang cool naman ng textmate mo Amber! Si Mojojo?! Hahahahaha!" sinabayan pa sya ng kakambal.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon