Chapter 8:

1.6K 71 7
                                        

CHAPTER 8:

MADDISON's POV.

Patay talaga.

Super patay na talaga ito -___-

Lalaine is not in her usual self. Habang tinititigan ko itong naglalakad papalayo, para syang sinaniban ng masamang espirito. Nagbabalik na naman ang dating ugali nya. Her super evil-witch heartless attitude. Ayan na naman.

Naalala ko pa dati ang ginawa nya sa dating nililigawan ni Kuya Ezreal. Si ate Anna. Ang kauna-unahang babaeng niligawan ng Kuya ko. Pero dahil sa patay na patay si Lalaine kay Kuya Ezreal ay nasaktan nya ng physical si ate Anna na umabot pa sa pagkaka-hospital nito ng ilang linggo. Hindi matanggap ni Lalaine na may umagaw ng attention ni Kuya kaya ayon. Kawawang babae. That bitch deserves it anyway. Tino-time nya ang Kuya ko. Nagpapaligaw sya kay Kuya tapos nagpapaligaw din sya sa ibang lalaki. A total flirt.

So, ayon. Natatakot ako na baka maulit na naman ang ginawa ni Lalaine sa ibang babaeng napapadikit kay Kuya, especially girlfriend nya ito. Knowing Lalaine, hindi yun matatanggap na may girlfriend na si Kuya. Patay na patay ito dito eh. Hays.

Ewan ko ba, maging ako nagulat din sa sinabi ni Kuya Ezreal na may girlfriend na ito. Tinutukso ko kasi ito 'nung nakaraan dahil nahuli ko itong parang tangang pangiti-ngiti habang nagce-cellphone. Psh.

--FLASHBACK--

Kakatapos ko lang gawin ang mga paper works na inuwi ko dito sa bahay ng bigla akong makaramdam ng gutom. I'm starving in vanilla cake. Naalala kong may binili pala akong cake kanina kaya naman umayos ko muna ang mga gamit ko bago lumabas ng kwarto at nagtungong kusina.

Sakto namang pababa ako ng hagdan nang nakita ko si Shan na nagmamadaling umakyat ng hagdan. Anyare sa isang to? Tumingin ako sa likod nya at nakitang wala namang humahabol sakanya.

"Oh twin, dahan dahan lang. Masubsob ka una ang mukha. Edi nagkataong ako na ang pinakamaganda sa bahay na ito!" sabi ko dito.

"Asa ka naman twin! Hangga't humihinga ako hindi ka magiging maganda."

Aba leche to ah! Kung hindi ako maganda hindi din sya maganda. Magkapatid kami at isa pa, Identical twins pa kami. Oo psh! Kambal ko ang isang to, mas maganda nga lang ako kesa sakanya.

"At habang humihinga ka, wala kang magagawa dahil maganda talaga ako. Kung pangit man ako, pangit karin! Baka nakakalimutan mong kambal tayo?"

Sumimangot naman ito at inirapan ako.

"Psh! Whatever twin!" sabi nito.

"Oh eh teka pala! Bakit ka ba nagmamadali? Hinahabol ka ba ni Guko?" tanong ko.

"Hindi twin. Bakit bawal na ba ngayon ang magmadali? Walang basagan ng trip!"

-___-

Letche din talaga ang isang 'to. Pasasalamat to at mas nauna lang syang lumabas sa sinapupunan ni Momskie ng 48 seconds.

"Leche! Wala kang kwentang kausap! Tsupi ka na nga!" Binelatan lang ako nito at tinuloy na ang pagmamadaling umakyat ng kwarto nya. Hays. Iba din talaga ang sira ng tuktok ng isang 'yun. Makakain na nga lang ng cake.

Pagkababa ko ng hagdan ay saktong nakita ko si Kuya Ezreal na nakaupo sa sala at mukhang busy sa kinakakikot na cellphone. Hindi ko na sana ito papansinin pero nahagip ng magaganda kong mata ang ngiti nito sa labi.

It's very unusual to him smiling like that in a cellphone. Take note: In a CELLPHONE. Hirap na ngang ngumiti 'yan sa mga tao pero ngayon, kung ngumiti akala mo palangiting tao ito. So weird. Very very weird.

Crazy Over You √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon