Chapter 6:

1.8K 81 8
                                    

CHAPTER 6

AMBER's POV.

"AMBEEEEEER!"

-___-

"Malapit na!!" sigaw ko pabalik. Dali-dali kong sinuot sinuklay ang buhok ko at nagwisik ng pabango saglit.

"AMBER ANO BA?!"

"Eto na nga eh!" Kahit kailan talaga si Mama. Hindi marunong maghintay. Ano ba naman 'yung saglit lang? Tch. Hindi pa tuloy ako nakapag ayos ng mabuti sa sarili. Yung bra ko hindi ko alam kung naikabit ko ng mabuti dahil sa sobrang pagpapadali sakin ni Mama. Hays.

Nakangusong lumabas ako ng kwarto at bumaba papunta sa kusina. Nandoon kasi si Mama. Ang yup! Abot hanggang taas ang sigaw ni Mama kanina. Ang lakas ng boses eh. Akala mo naman nakalunok ng megaphone. I wonder tuloy kung papaano natatagalan ni Papa ang bunganga nito.

Pagkarating ko sa kusina ay nadatnan ko si Mama na may inaasikaso sa oven. Dito kasi sa bahay mag di-dinner sina Tita Alice, mommy ni Lalaine at sina Kuya Ezreal, Maddie at Shannon. For sure mag fe-feeling cloud nine na naman si Lalaine pag nakita nya si Kuya Ezreal, patay na patay 'yun dun eh.

Ewan ko ba pero...shhhhh lang kayo ah? Hehe. Para kasi sakin, hindi bagay si Lalaine at si Kuya Ezreal, hehe sa akin lang naman. Kung ako ang tatanungin kasi, mas gusto ko si Lalaine para kay Kuya Kase hihihi. Bagay kaya sila! Ako nga ang number one fan ng loveteam nila eh. Bata palang kami, gusto na sya ni Kuya pero etong si Lalaine, manhid at doon pa sa bato--I mean kay Kuya Ezreal na in love.

Basta para sakin, mas bagay si Lalaine at Kuya Kase. Ang cute kasi nila hehehe. Inggit nga ako eh. Sila may love life ako wala T____T

"Oh eto, dalhin mo sa lamesa sa garden. Malapit nang dumating sina Alice," sabi ni Mama at binigay sakin ang isang tray ng Spinach Lasagna. Ginawa lang pala akong utusan T__T

"Sandali! Asan na ba yung Kuya mo? Kanina ko pa tinatawag yun ah!"

Malamang nasa harapan na naman ng salamin nya at sinasamba ang kagwapuhan nya. Tss. Ganyan si Kuya eh. At malamang na malamang nagaayos ng matindi yun para kay Lalaine. Ganyan din naman yan eh.

"Pababa na siguro, Ma" sagot ko nalang at nagtungo na sa garden para ilagay tong dala ko sa nakahandang table sa may gilid ng swimming pool. Dito kasi kami mag di-dinner. Para narin fresh ang hangin.

"Locke, ano ba! Huwag mong kainin muna yan!" suway ko sa nakababata kong kapatid na lalaki, si Locke. Kinakain na kasi nito 'yung shrimp. Pasaway talaga.

Nag pout lang ito at nag puppy eyes pa sakin. Hays, hindi mo ako madadaan sa ganyan. "But I'm hungry!" singhal nito.

"Hintayin nalang natin sina Tita tapos kakain na tayo."

"Do I have any choice?" Nguso nito at umupo nalang at tinignan ng masama ang mga nakahaing pagkain sa harapan nya. Isip bata talaga.

"Sis? Wala pa ba si Pangarap ko?" tanong ni Kuya. Nandito na pala ito.

"Wala pa teka nga Kuya--ano ba yan?! Ang sakit sa ilong nyang pabango mo! Iyan ba talaga ang pinanligo mo?" Pano ba naman kasi, umaalingasaw ang pabango nya. Mabango naman ito pero hindi ko type ang amoy, masakit sa ilong.

"Anong masakit sa ilong ka dyan?! Alam mo bang halos magpatayan na ang mga babae para lang maamoy ang pabango ko!" sabi nito.

"Whatever Kuya! Tignan lang natin kung hindi masuka si Lalaine pagkaamoy sa pabango mo!"

"Aba't! Anong masuka?! Baka nga ma in love lalo sakin 'yun eh! Alam mo namang iba ang kamandag ng gwapo mong Kuya!"

Ayan na naman sya sa kahanginan nya. Kaya nga bwisit na bwisit si Lalaine sakanya eh. Hays.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon