Chapter 1: Lalaine Cassidy Casuro

4.1K 125 12
                                    


CHAPTER 1

"Mom, please? Buy me the newest Prada shoes!"

"Kabibili ko lang ng bagong labas na collection na sapatos ng Gucci 'nung nakaraan sayo. Ngayon naman Prada?"

"Eh, mom. Gusto ko 'yun eh. Sige na po, please?"

"No. Ang dami dami mo ng mga sapatos. Wala ka na ngang paglagyan, eh."

"I have only 80 pairs of shoes. Kunti pa nga lang kung tutuusin, eh. Sige na Mommy, iyon nalang ang birthday gift mo sakin."

"Tapos na ang birthday mo 'nung nakaraang buwan."

Haist! Ano ba ang pwede kong ilusot na dahilan kay Mommy para bilhan nya ako ng bagong sapatos? Parang Prada shoes lang eh. Hindi naman 'yun ikababawas ng yaman namin kapag binilhan nya ako. We're filthy rich for Pete's sake! Para saan pa ang pera kung hindi mo lang din naman i-pan-ga-gasto.

"Edi, bonifacio gift mo nalang po sakin. Tutal, bonifacio day sa susunod na araw," ngiti ko dito, nagbabakasakaling makukumbinsi ko sya.

Sumimangot ito sakin kaya ngumuso ako.

"Sige, Mom! Birthday ng kaibigan ko sa susunod na linggo kaya kailangan ko ng bagong shoes na isusuot. Pretty please?" Nag puppy eyes pa ako dito. Pero wa-epek parin. Imbes ay inismiran nya lang ako.

"Suotin mo 'yung ibang sapatos mo. Hindi porket may pera tayo, waldas ka naman ng waldas."

"What's going on here?"

Mula sa likod ni Mommy ay nakita ko si Daddy na naglalakad papalapit samin. Naka-amerikana ito at paniguradong papasok na sya sa opisina. Napangiti ako at naka-kapa ng pag-asa.

"Psh! Iyang anak mo, nagpapabili na naman ng bagong sapatos," sabi ni Mommy kay Daddy.

Lumapit si Daddy sakanya at hinalikan sya sa cheeks. Ang kaninang nakabusangot na mukha ni Mommy ay biglang napangiti.

"Dad, I want a new Prada shoes," sabi ko kay Daddy.

Ngumiti ito sakin. Oh yeah! I know that smile. "I'll buy you, then. Ilan ba ang kailangan mong sapatos?"

Halos mapatalon naman ako sa tuwa sa sinabi nya. My dad is really the best! Kung gaano kina-gwapo nito, ganun din ito kabait. Unlike mommy, maganda nga kuripot naman minsan.

"Dalawa, Dad, please?"

"Sure, my princess."

"Yey! Thank you Dad, your the best!" masigla ko itong niyakap ng mahigpit. Natawa naman ito, samantalang back to simangot na naman ang Mommy ko.

"Anything for my princess."

"Psh! Isa ka pa! Alam mo bang milyon ang halaga ng mga pinapabili sayo ng anak mo?" sermon ni Mommy kay Daddy.

Mabilis naman akong um-exit sa harap nila at nagtago sa pinto para marinig ang usapan nila. Hihihi, magla-labing-labing na naman mamaya ang dalawang 'to.

"Hayaan mo na, Amore mio. Sapatos lang 'yun. Ang mahalaga ay masaya ang princessa natin," sabi ni Daddy.

"Sige, spoiled mo pa!"

"Mahal naman, 'wag ka ng magalit sakin. Mag do-donate ako mamaya ng 30 million 'dun sa orphanage na tinayo mo."

"Eh papano naman 'yung home for the aged na sinu-suportahan ko pa?"

"Edi 30 million din para 'dun. Basta 'wag ka ng magalit, ha? I love you~"

Pagkarinig ko ng 'I love you' ni Daddy ay mabilis na akong umakyat sa kwarto ko. Rated SPG na kasi ang kasunod 'nun, hihihi.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon