Chapter 23:

1.3K 46 3
                                        

CHAPTER 23:

LALAINE's POV.

"OMGEE, Tita! This is so beautiful!" Sabrina beamed when she saw the dress Mom gave to her.

Tuwang tuwa ang gaga na parang ngayon lang nakakita ng maganda at mamahaling damit. I rolled my eyes and just continue eating my cereals.

"Mabuti naman nagustuhan mo. Ikaw kasi ang unang pumasok sa isip ko pagka-kita ko sa damit na 'yan" masayang sabi ni Mommy sakanya.

Napayuko ako bigla. I suddenly felt a little stab on my chest. Now, I'm jealous. Nagse-selos na ako dahil dati-dati naman ay ako palagi ang sinasabi ni Mommy na naaalala nya kapag bumibili sya ng magandang damit. Ako palagi ang binibilhan nya. Ako ang princessa nya. Pero simula nung dumating ang Sabrina na yan dito, bakit parang wala na sakin ang mommy ko?

Nakakainis na nakakaselos.

"Princess, you alright?" nag-aalalang tanong ni Daddy sakin.

I smiled a little. Napatingin sakin si Kuya na parang nagaalala din. They probably know how I feel right now. Lalo na si Kuya na naging human diary ko nitong mga nakaraang araw, alam nya kung gaano ako na fru-frustrate kay Sabrina at Mommy.

"Yeah" tipid kong sagot saka pinaglaruan ang cereals ko.

"May problema ba anak?" tanong ni Mommy.

"Nah" tipid kong sagot sakanya without looking at her.

Ayokong maging bastos sa mga magulang ko. They raise me well and with good attitudes pero minsan talaga, hindi ko parin maiiwasan na makaramdam ng kunting inis sakanila. Lalo kay, Mommy. She is the best Mom, I know. Pero may mga times lang talaga na hindi sya sakin pabor kaya naman nakakaramdam ako ng inis. Katulad ngayon.

Simula ng dumating si Sabrina dito. Sya na palagi ang bukam-bibig nya. Pag gising nya ng umaga, tatanungin nya kung kumain na ba si Sabrina. Pagkadating nya galing sa shop nila nina Tita Andra at Sasa, unang tanong nya, "Kumain na ba si Sabrina?" o di kaya "Where's Sabrina?"

Ganyan palagi. Nakakairita. Kaming mga anak nya, hindi ba nya tatanungin kung kumakain ba kami? Hindi ba nya kami hahanapin? Maging si Chuck, napapabayaan na nya. Yes, we all know that Chuck is already big and can already handle his self. Sanay kaming lahat na bine-baby parin sya ni Mommy, iyong tipong mga simpleng bagay na kaya namang gawin ni Chuck, eh ginagawa nya para dito, pero ngayon? She always say na, "Chuck, can already handle it."

Nag-iba na yung Mommy ko. Hindi ako sanay. At kung dati rati din, sinesermonan ako kapag late akong umuwi ng gabi, kapag inaaway ko si Chuck, kapag nakikipag-date ako kay Kase. Ngayon, hindi na. Parang wala na syang pakialam.

At yun ang pinaka lulungkot ko sa lahat. Ang maramdamang parang wala ng pakialam ang mommy ko sakin.

"Dad?" tawag ko bigla kay Daddy.

Tumingin ito sakin, maging si Kuya din ay tumingin. Pati din si Mommy at Sabrina. Si Chuck, busy sa pagkain ng nuggets nya.

"Yes, princess?" Dad smiled at me. Hays! Buti pa si Daddy.

"Tita Hera is coming home today, right?" tukoy ko sa kapatid ni Daddy na si Tita Hera. Nasa Venice kasi ito at ngayon ang uwi nya sa Pilipinas.

"Yes, Princess. Why?" tanong nya.

"Can I stay at her house for the whole week? O di kaya ay kina Lolo and Lola Kamille?"

Kita ko ang gulat sa mga mukha nila sa sinabi ko. Hindi kasi ako 'yung tipo ng tao na nakikitira sa bahay ng mga kamag-anak namin, unlike Sabrina, psh! Sa ngayon kasi, I just want to breath from this suffocating house. Ayokong nakikita ang pagmumukha ni Sabrina dahil parang pinapa-alala lang nito na mas gusto sya ni Mommy kesa sakin.

Crazy Over You √Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon