Chapter 24:

1.2K 51 3
                                    

CHAPTER 24:

LALAINE's POV

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko agad si Kase na malaki ang ngiti sa mga labi, pero imbes na matuwa na nandito sya ay nainis ako, lalo na nang makita ko kung sino ang katabi nya sa sofa.

Si Sabrina na kulang nalang ay magpakandong na kay Kase sa sobrang dikit nya dito. Nag-init bigla ang ulo ko at kumulo ang dugo ko. I feel like I wanted to kill some bitch right now.

At itong Kase naman ay tuwang-tuwa pa na sobrang dikit na nila ng linta? They were laughing like they already knew each other for the long time.

Nakakainis! Nakaka bwisit! Sino ba ang ipinunta ni Kase dito? Is it me or my cousin?! At hinahayaan nya lang, na dikit dikitan sya ni Sabrina.

"Noona!" Chuck beamed when he saw me. Nasa sofa din ito at halatang naiirita sya na makita si Sabrina sa harap nya. He don't like her that's why.

Bumaling sakin si Kase at Sabrina. Mas lalong lumaki naman ng ngiti ni Kase ng makita nya ako. Psh!

"Lala!"

Lala? What the heck? I'm expecting him to call me, 'Pangarap ko' because that's really what he called me if he see's me. Ano 'to? Nagkatabi lang sila ni Sabrina, Lala na ang tawag nya sakin?

Letche!

"Cous! Hindi mo naman sinabi na may kaibigan ka palang gwapo!" sabi ni Sabrina habang nagni-ningning pa ang mga matang tumingin kay Kase. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pasimple nyang paghaplos sa braso ni Kase.

I gritted my teeth as I look at them emotionless.

"He's actually my SUITOR, cousin. So, if you won't mind, care to give him some space? Ang lawak ng sofa, Sabrina. Kung makadikit ka sa manliligaw KO, akala mo ikaw ang sinadya dito," pag-pra-prangka ko dito.

Nakakabwisit talaga ang babaeng 'to! At naiinis din ako kay Kase! Letche! Hindi man lang nag-abalang lumayo sa lintang babaeng 'to.

Mukhang napahiya naman si Sabrina dahil sa sinabi ko kaya unti-unti syang umusod papalayo kay Kase. Napatingin ako kay unggoy at ganun nalang ang mas lalong pagka-inis ko ng makitang sobrang lawak ng ngisi nya.

"Pangarap ko, hehe.." Kase muttered with a big grin on his face.

Tss. Ngayon, tinawag na nya akong 'Pangarap ko?' At anong ngini-ngiti nya?! May nakakatawa ba sa sinabi ko?! Nakakainis sya!

Hindi ko parin mapapalagpas ang nakita ko!

"Anong ginagawa mo dito?" walang emotion kong tanong, kahit alam ko naman kung ano ang dahilan kung bakit sya nandito. Wala eh, naiinis ako.

Kase pouted to me. Psh! Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo!

"I brought your McDo.." he said and show me the two paper bag.

"Akin na." Kinuha ko ito at saka tinignan ulit sya ng walang emotion. "Salamat dito. Makakaalis ka na."

Nagulat sya sa sinabi ko. He frowns and look at me confusedly.

"L-lala..pinapa-alis mo na talaga ako?" he asked and sadness written on his handsome face.

"Yeah. Ito lang naman ang ipinunta mo dito diba? Kaya umalis ka na" walang emotion kong sabi.

"What a bitch.." dinig kong bulong ni Sabrina kaya tinignan ko sya ng masama. Inirapan naman nya ako.

Bitch your face! Pasalamat ka nandito sa bahay si Mommy dahil kung hindi, kanina pa kita flinush sa inidoro. Plastic na babae.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon