Chapter 19:

1.2K 46 0
                                    

CHAPTER 19:

LALAINE's POV.

Kase brought me home that night. Pakiramdam ko naka shabu ako at sobrang high ako ng mga oras na 'yun. May mga sinasabi sakin si Kase pero wala akong maintindihan dahil ang utak ko ay lumilipad parin. Langong-lango ako sa nangyari.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Good night, Lala. Dream of me." Iyan lang ang narinig ko sa sinabi nya. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng  bahay.

Ang bilis naman ata? Tss. Bakit parang disappointed pa ako?

"G-good night.." nauutal kong sabi. Gosh! Ano bang nangyayari sakin?

I watched Kase as he ride back to his car at bumisina pa ng isa bago tuluyang umalis. Pinanood ko lang itong umalis at ng tuluyan na syang mawala sa paningin ko ay saka ako napabuntong hininga.

Wala sa sariling napatingin ako sa bouquet ng bulaklak na bigay nya at saka ngumiti ng parang tanga.

Aaminin kong Crush ko na si Kase pero, ganito talaga ang epekto nya sakin? Grabe! Ibang klase talaga ang unggoy na 'yun.

Para syang sigarilyo.. dangerous to my health. Psh, corny -___-

Bigla akong nilamig at saka ko lang napagtanto na alas dyes na pala ng gabi. Exact time ng usapan ni Kase at Daddy kung kailan ako iuuwi. Sumunod talaga ang lolo.

Bago pa ako sipunin ay napag pasyahan kong pumasok na sa loob ng bahay. Bukas pa ang mga ilaw kaya paniguradong gising pa sina Mommy at Daddy. And as expected, nakita ko sila sa sala at mukhang hinihintay ako.

"Mom, Dad." I kissed then on cheeks at pansin ko na parang hindi mapakali si Mommy.

"Where's, Kase?" tanong ni Daddy.

"Umuwi na, Dad."

"Bakit hindi mo muna pinapasok?"

"I forgot po." Lutang ako kanina Dad kaya hindi ko na naalala, gusto kong idagdag.

"Did you enjoy?" nakangiting tanong muli nya at sumulyap pa sa hawak-hawak kong bulaklak.

I blushed. Naalala ko na naman kasi ang ginawa ni Kase. Damn that monkey. Hindi ko aakalain na sweet pala ito.

Hindi ko magawang sumagot kaya tumango nalang ako. I really did enjoy. Sino ba naman ang hindi? Masayang kasama si Kase. Hindi ito boring at puros pangu-ngulit lang ang alam. At magpakilig narin.

"I'm happy to know that" nakangiting sabi ni Daddy. Pero biglang napawi ang ngiti nya ng mapatingin sya kay Mommy.

Tumingin din ako kay Mommy at pansin ko parin ang nag-aalalang mukha nito. "Mom, what's wrong?" hindi ko maiwasang magtanong.

She bit her lower lip at niyapos naman sya ni Daddy. "Yung Kuya mo" she said.

"Anong nangyari kay Kuya?" nagaalalang tanong ko. Kahit naman masungit si Kuya, concern parin ako dito.

"Kanina pa sya nagkukulong sa kwarto nya--actually, kahapon pa, matapos nyang umuwi galing sa practice nila. Hindi sya kumakain at hindi sya namamansin! My God! Ano ng nangyayari sa Kuya mo!" medyo naghy-hyterical na sabi ni Mommy.

"Calm down, Amore mio. Our son is fine, he just need some space so that he can think better" pampakalma ni Daddy dito.

"Bakit nga? Bakit nya kailangan ng space? Hindi ko maintindihan!"

"Just let him, Amore mio."

"Heh! Ewan ko sa inyong mag-ama! Kung bakit ba naman nya kasi namana ang pagiging pa-mysterious effect mo kuno!"

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon