Chapter 20:

1.3K 50 1
                                    

CHAPTER 20

LALAINE's POV

"Kuya! Where are you going?" tanong ko kay Kuya ng makitang nagmamadaling bumaba ito ng hagdan.

Matapos ang ilang araw na pagmumukmok nya sa kwarto nya ay ngayon ko lang ulit sya nakitang lumabas dito tapos ganito pa sya, nagmamadali.

"Somewhere." he answered without looking at me. Inaayos kasi nya ang wrist watch nya. Pansin ko na nakabihis ito at mukhang may importanteng lakad.

"Where nga?" pangu-ngulit ko. Kinausap kasi ako ni Mommy na kausapin ng matino si Kuya. Maging sya kasi ay hindi makausap ng tama si Kuya. She's very worried, so do I.

Hanggang ngayon kasi ay wala kaming ka-ide-idea kong ano ang problema ni Kuya. Ayaw kasi nitong magsabi at sinasarili nya lang kung ano man ang pinagdadaanan nya.

"Just somewhere, okay? Wag ng makulit. Bantayan mo si Chuck. I'll try to be back soon" he said and kissed me on my forehead. Hindi na ako nakaangal pa ng dire-diretso na itong lumabas ng bahay at ang pag-andar ng makina ng sasakyan nya nalang ang narinig ko.

Napabuntong hininga nalang akong napatingin sa pintuang nilabasan nya.

Kuya, ano ba talagang problema mo?

Pakiramdam ko napaka walang silbi kong kapatid dahil hindi ko magawang tulungan ang kuya ko sa ano mang pinagdadaanan nya ngayon. I know he's strong and can handle things easily, pero tao din sya. May kahinaan. At paniguradong kong ano man ang problema nya ay iyon ang kahinaan nya.

Natigil ako sa pagiisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. I took it out from my pocket at ewan ko ba pero parang biglang nawala lahat ng mabigat na nararamdaman ko ng makita ko kung sino ang tumatawag. It's Kase.

'Unggoy Calling'

Matapos ang 'Date' namin ni Kase ay non-stop na ang tawagan naming dalawa. Minsan ay text pero mas madalas ang tawag. Madami syang load kaya hinahayaan ko nalang.

Gusto ko din naman syang kausap, eh.

I answered the call and as expected..

"PANGARAP KO!!"

-___-

Wala sa sariling nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko ng sumalubong sakin ang malakas na boses ni Kase. Damn this man. Para syang nakalunok ng megaphone kung magsalita!

"Pangarap ko? Nandyan ka pa ba?" he said again.

"Oo! Tss. Muntikan ng mabasag ang eardrum ko sa sigaw mo! Ganyan ka ba ka-energetic ha?!" singhal ko sakanya sa kabilang linya.

"Hehe, sorry na. Ganito lang naman ako kapag ikaw na ang kausap ko eh."

"So, ako lang ang balak mong siraan ng eardrum?"

"Hindi ah! Ako nga ang nasisira kapag kausap kita."

"Ano?!" Pinagsasabi nito?

"Nasisiraan ako ng bait kapag kausap kita. Pati nga puso ko nagwawala."

Hindi ako ngi-ngiti! Hindi ako kinikilig! Letse hindi nga!

"Noona, why are you smiling like an idiot there?" sabi ni Chuck ng dumaan sya sa harap ko.

Sinamaan ko naman sya ng tingin at ngumuso lang ito. Pesteng bata 'to.

Binalingan ko ulit ang tawag.

"Tumigil ka nga dyang unggoy ka! Banat ka ng banat!" kunwari naiinis kong sabi.

"Hindi naman 'yun banat eh, totoo yun!" At kahit hindi ko sya nakikita, alam kong nakanguso na naman ito.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon