Chapter 18: [Part One]

1.3K 51 3
                                    

CHAPTER 18 [Part One]

[Note: Date is REAL na para sa #TiRy (Short for Tilapia Dory loveteam XD) part 1 ito at may kasunod pang 2..enjoy!]

____

LALAINE's POV.

"How's school, Kage?" tanong ni Daddy kay Kuya.

Nasa hapag-kainan kami ngayon at parte na ng dinner naming magpapamilya ang pagu-usapan ang naging takbo ng araw namin sa school na magkakapatid. Gusto kasi nina Daddy na nalalaman nila lahat ang mga pinagagawa namin. It's their one way of making us open to them. Sanay naman na kami.

Uminom muna si Kuya ng tubig bago sinagot si Daddy. "It's fine, Dad. We had a surprised quiz, and I'm very confident with it because I studied our lessons very well" mataas ang kompyansang sagot ni Kuya.

Napairap naman ako. Edi ikaw na matalino!

"That's good to hear. How about you, Chuck?" baling naman ni Daddy kay Chuck.

Ngumiti naman si bunso at sumagot. "It's very very good, Dad! We had a quiz in Math and I'm the highest score!" pagmamalaki nito.

I rolled my eyes heavenwards. Edi ikaw narin ang magaling!

"Very good," ngayon sa akin naman bumaling si Daddy. "How about my princess?"

Napabuntong hininga naman ako at nilunok ang nginunguya kong steak bago nagsalita. "Wala kaming naging quiz or what kaya wala akong maipagmamalaking score ngayon, Dad. Pero ang maipagmamalaki ko lang ngayon ay kung gaano Ka-ganda ang unika iha mo at padagdag ng padagdag bawat araw ang nahuhumaling sakin."

Natawa naman si Daddy at kita kong napairap sakin si Kuya. "Hindi na bago sa lahi natin 'yan anak. Masanay ka na."

"Kailan pala ang Interhigh nyo?" tanong ni Mommy.

"Next month, Mom" si Kuya ang sumagot.

"Oh I see. Kumusta ang cheering, Lalaine?"

"Okay naman, Mom. Isa ulit ako sa ihahagis."

"Please be careful with that princess" si Daddy.

"Yes, Dad."

Apat na taon na ako sa cheering at naging tutol noong una sina Daddy dito. Ayaw nila akong pasalihin lalo na 'nung sinabi kong isa ako sa ihahagis. Aware naman ako na mapanganib ito, pero anong magagawa ko? This is what I want. Buwis buhay. At isa pa, isa sa dahilan kung bakit ako sumali noon ay dahil kay Ezreal. Gusto kong mapansin nya ako pero hindi naman. Psh.

"Ay, oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan" sabi ni Mommy. Tumingin muna ito kay Daddy bago tumingin samin. "Next week ay darating dito ang pinsang nyong si Sabrina. Dito muna sya sa bahay pansamantala, siguro mga dalawang linggo? I'm not sure, dipende kong kailan sya susunduin ng mga magulang nya."

Naibagsak ko bigla ang kubyertos ko dahil sa sinabi ni Mommy. Hindi makapaniwalang tinignan ko sya.

"What? Mom! Bakit dito pa? Alam nyo namang hindi kami magkasundo ng babaeng 'yun eh!" ani ko.

Yeah right. Si Sabrina ay anak ng kapatid ni Lola, iyong Mama ni Mommy. I don't consider her as a cousin. Ayoko sakanya. Kung maldita ako ay mas masahol pa ito. Santa-santita ang peg ng bruha. Akala mo kung sinong mabait, nasa loob pala ang kulo.

"Lalaine, malalaki na kayo. Atsaka ikaw lang naman ang hindi sya makasundo. She's a nice girl and please be nice to her" sabi ni Mommy.

Tss. Nice? Nice nya mukha nya! Ayoko parin sakanya.

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon