Chapter 16:

1.3K 51 2
                                    

CHAPTER 16

MADDISON's POV.

"Tulala ka dyan, twin?" biglang salita ng kakambal ko.

Napabuntong hininga ako at saka nginuso ang kanina ko pa tinitignan. Tumingin naman dito si Shannon.

"Hindi ka ba naawa sa isang 'yan? Tignan mo naman, para syang pinagkaitang sumaya" tukoy ko kay Kuya Ezreal na kanina pa tahimik na nagmamasid kay Lalaine at Amber.

"Hay naku naman kasi. Ewan ko ba dyan kung bakit hindi sya lumalaban. Masyadong pinapahirapan ang sarili" sabi naman nito.

"Iyon nga eh. Paubaya, psh!" napasimangot kong sabi.

Ewan ko ba naman kasi dito sa kapatid naming pinaglihi sa yelo, magkakagusto na nga sa dalawa pa! At sa magkaibigan pa! Hay naku! Maduga din kasi itong si Kuya eh. Pusong lito, tss.

"Kanino ka ba twin, kay Lalaine o kay Amber?" tanong ni Shannon.

Tinignan ko naman sya habang nakataas ang kanang kilay ko.

"Ayokong pumili" sagot ko sakanya.

Eh sa ayokong pumili kong sino sa dalawa ang gusto ko para kay Kuya eh. Kaibigan ko sina Lalaine at Amber. Mga bata palang kami ay magkakasama na kami. Ayokong maging unfair sakanila. Kung pwede nga lang na silang dalawa na para kay Kuya, papayag pa ako. Pero hindi eh, dapat isa lang.

I want Lalaine for Kuya Ezreal, dahil bata palang kami ay patay na patay na ito sa Kuya namin. But I want Amber for Kuya too. Para kasi sakin, bagay kay Kuya Ezreal ang personality ni Amber. Aish! Ewan, ang gulo na tuloy ng utak ko.

"Waaahh!! Huhuhu lubayan mo ako!"

Nagulat kaming lahat ng biglang sumigaw  si Amber nang lumapit sakanya si Kuya Kage. Nagkatinginan kami ni Shannon at nagpalitan ng nagtatakang tingin. Magmula 'nung dumating kami dito sa Batangas ay tuwing didikit si Kuya Kage kay Amber ay parang takot na takot ito dito. Hindi namin alam kong anong nangyayari sakanya.

"Anong nangyayari? Sis, anong problema?" tanong ni Kase sa kapatid. Lumapit ito dito at niyakap.

"W-wala Kuya. Prina-practice ko lang 'yung line ko sa theatre club hehe" sagot naman ni Amber.

Napailing nalang ako sa sagot nito. Halatang nagsisinungaling. Amber is the kind of person that can easily read. At isa pa, masyado syang inosente at hindi marunong magsinungaling.

I really wonder what's really going on between Amber and Kuya Kage.

"Ganun ba? Sige sis, galingan mo ha? Gusto mo bang mapag isa para makapag-practice ka ng maayos?" si Kase.

Seriously? Hindi pa ba nito halata na may something sa kapatid nya? Hindi ko alam kung sadyang tanga talaga si Kuya Kase. Naniwala agad sa kapatid eh hindi naman member ng theatre club si Amber. Psh!

"May tanga talagang tilapia" dinig kong bulong ni Lalaine.

Natawa nalang ako sa isip. Ibang klase!

"Pwede ba Kuya? Hehe sige, doon na muna ako sa ibang cottage ha?" paalam ni Amber at nagmamadaling lumabas ng cottage namin.

Napatingin ako kay Kuya Ezreal na sinundan nang tingin si Amber tapos tinignan nito ng masama si Kuya Kage na nakatingin din sa pinuntahan ni Amber. Grabe! Parang gusto kong i-pa-kidnapp ngayon si Amber eh.

Ang haba ng hair, kaloka!

____

AMBER's POV

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon