Chapter 3:

2.2K 92 6
                                    

CHAPTER 3

Maddison's POV.

"Paki dala nalang 'tong folder kay Mr. Garcia, Ms. Leroux. Salamat."

Psh! Ano pa nga bang magagawa ko? As if naman makakatanggi pa ako. Matapos nyang ibigay sakin ang folder ay tinalikuran ko na sya para hanapin si Mr. Garcia. Letcheng buhay 'to. Hindi sinabi 'nung una na utusan pala ang trabaho ng isang student council president, edi sana hindi na ako sumali. Ang ganda ganda ko gagawin lang akong utusan.

Bugnot na bugnot akong naglalakad sa hallway papunta sa faculty office. Class hour palang pero nasa labas ako, excuse naman ako kaya no worries sa subject na hindi ko napapasukan. Subukan lang nilang ibagsak ako isusupalpal ko sa mukha nila 'tong folder na 'to.

Wala namang problema sa pagiging S.C President ko. Sa katunayan malaki ang naitutulong nito sa mga grades ko. Malaking points ang nakukuha ko mula sa nga lecturers namin. Hassle lang talaga minsan lalo na kapag may mga events ng school. Kami ang on hands sa mga ito. Psh! Buti nalang hindi nababawasan ang ganda ko sa ganito.

I knock three times sa pinto ng faculty office bago pihitin ang door knob at pumasok sa loob. Naabutan kong busy'ng busy ang mga lectures sa mga cubicles nila. May sarili kasi itong mga office. Tinignan ko ang cubicle ni Mr. Garcia pero nakita kong bakante ito.

Tch. Nasan naman kaya ang matandang 'yun?

"Uhm, excuse me po, asan po si Mr. Garcia?" tanong ko sa isang lecturer nang dumaan ito sa harap ko.

"Mr. Garcia? May klase sya sa Senior department. Bakit?"

"May pinamimigay po kasi sakanya si Ms. Sanchez, importante."

"Puntahan mo nalang sya 'dun. If I'm not mistaken, sa Room C-34 sya ngayon."

"Ah, sige salamat po," ngumiti ako ng ubod ng tamis kahit ang totoo ay nangagalaiti na ako sa inis. Leche! So, maglalakad na naman ako papuntang Senior department? Peste!

Kaya heto ako. Kahit labag sa loob ko ay naglalakad na ako papunta sa seniors. Ang tahimik ng paligid. Ako lang ata ang bukod tanging naglalakwatsa ngayon sa labas. Lahat ng mga studyante ay nasa kanilang mga classroom at abala sa nakikinig sa mga lectures.

"Ang ganda ko syet!" bulong ko sa sarili ng makita ko ang replektion ko sa nadaanan kong glass window ng dance studio.

Tinatahak ko na ngayon ang kahabaan ng letcheng soccer field. May nakikita din akong mga naglalaro pero pinagsawalang bahala ko nalang ito. Masakit na ang paa ko kakalakad, idagdag mo pa ang 3 inches boots types na sapatos ko. Buti nga ito ang naisipan kong isuot na sapatos ngayon, mababa ang heels. Hindi naman ako katulad ni Lalaine na pamatay lagi ang suot.

"WATCH OUT!!!"

Huli na nang lingunin ko ang sumigaw dahil may biglang tumama sa balikat ko, malakas ang impact nito at dahilan para matumba ako sa sahig.

Amputa ang sakit T____T

Napapikit nalang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa balikat ko, idagdag mo pa ang balakang ko na sumalpak sa sahig. Ampupu hindi ako makatayo.

"Miss! Miss! Are you alright?!"

Naramdaman ko nalang na may tumapik ng mahina sa pisngi ko kaya minulat ko ang mata ko. Sumalubong sakin ang mukha ng isang gwapong lalaki na puno ng pagaalala. Sino naman ang letcheng 'to?

"Miss, okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito.

Tangna. Ayos lang ba ako sa lagay na 'to?

Crazy Over You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon