Chapter 1

11K 442 151
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 1---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 1
---------------------------------------------------------

"So ang sinasabi niyo, PINADUKOT niyo ko kahit di niyo ko kilala, GINAPOS, GINUTOM, INABUSO, PINAGMALABISAN, PINAGSAMANTALAHAN, BINABOY, GINAROTE--- teka OA na yata... Ulit."

Nagkatinginan ang mag-asawa, tila ba nagkasundo sa isang bagay kahit walang salita na namutawi sa mga bibig. Nagkibit-balikat na lamang ako't ipinagpatuloy ang aking talumpati.

"So ang sinasabi niyo, PINADUKOT niyo ko kahit di niyo ko kilala, GINAPOS at GINUTOM, para lang maging kalaro ng anak niyo?! Ganun ba? Ano ako, otso años? Nasaan ang hustisya dyan? I deserve to be free, because we are living in a democratic country, and as a nation, we are one..."

Nang mapagtanto kong hindi sila nagagalak sa tinuturan ko'y minabuti kong manahimik na. Ako'y tumungo, humikbi, at hinintay na lamang ang aking sintensya. Ano ba itong nangyayari? Bakit humantong sa ganito? Bumili lang naman ako ng suka ah, ilegal ba 'yon?

"Humihingi ka ba ng kapalit?" usisa ng lalaking pagkalalim ng boses. Kapag siya ang nagsasalita, nagtatayuan ang balahibo ko. Nagtungo siya sa kabinet at may kinuha roon.

"Uhm," awkward kong halakhak "hindi naman po. Di ko lang maintindihan, bakit ako? Andami-daming tao sa mundo pero bakit ako ang napili niyo?"

Mistula musikang nakaririndi ang naging tawanan ng mag-asawa. Nagulumihanan ako. Anong nakakatawa sa tanong ko? Hilo ba sila?

"Malas mo ikaw ang namataan ng mga tauhan ko. Bakit ka kasi pakalat-kalat sa kalsada?" bumalik ang lalaki sa kanyang silya at inabala ang sarili sa pagsusulat.

"Inutusan ako ni Dad bumili ng suka." busangot ko. Umasa akong matatawa man lang sila kahit papaano, but I was wrong.

"Hindi ikaw ang unang tao na aming pinadukot para maging kalaro ng aming anak, hijo." ani ng maputi, makinis, at balingkinitang babae sa kanyang mahinhin na boses.

"Ha? Bakit? Anong meron sa anak niyo? Bakit walang kalaro na tumatagal sa kanya?" di ko napigilang tanong. Umarko ang kilay ng babae't imbis na sumagot ay nginitian lang ako. Umigting ang aking pagdududa sa nangyayari. Nararamdaman ko, may mali. May mali talaga. Kung marami na palang naunang maging kalaro ang kanilang anak bago ako, anong naganap? Bakit ngayon, wala na naman siyang kalaro? Nasaan na yung mga dati niyang kalaro? Anong dahilan at iniwan siya ng mga ito?

"Nasaan na yung mga dating kalaro ng anak niyo?" pahabol ko.

Tumaas ang dugo sa aking mukha nang makita kong nagngisian ang mag-asawa. Ang kaweirduhan nila'y patindi ng patindi. Kinakabahan na tuloy ako. Sana hindi tama itong naiisip ko.

Pinunit ng lalaki ang tseke at ipinatong ito sa mesa sa aming harapan. Tumawag siya ng mga alagad para utusang pigtasin ang lubid na bumubuklod sa akin at sa upuan.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon