Chapter 21

5.8K 242 188
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 21---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


---------------------------------------------------------
Chapter 21
---------------------------------------------------------

"Gagu ka talaga!!! Nangengealam ng peysbuk, nangengealam ng peysbuk" mariin kong kurot sa pisngi niya habang nag-uumpugan ang aking mga ngipin. Napapangiwi siya sa aking ginagawa subalit hindi siya umaangal na para bagang ipinapahiwatig na handa siyang magparaya alang-alang sa ikalulugod ko. I sighed at the thought.

"Senebe ke leng nemen eng tetee e..." hinihila ko ang pisngi niya pababa ng sasakyan kaya ganyan siya magsalita. Wala siyang breshesh oke? Iskandalo na kung iskandalo pero kahit pa nasa tapat kami ng isang fastfood chain, hindi ko mapapalampas ang kalapastanganan niya! Yinurakan niya ang puri ko! Hayupadi! Sana hindi na lang ako nag-open ng peysbuk sa cellphone niya!

"Totoo? Totoo?! Totoo mo 'toooo! Gagu kaaa! Nagkakasundo na kami ng ka-chat ko e! Mababayo ko na sana siya sa lalong madaling panahon, pero anong ginawa mo? Umihi lang ako saglit chinat mo na siya! At anong sinabi mo?! Hello, ako nga pala ang boypren niya. Kung pwede layuan mo na siya...!!!! Gagu! Kingina qa talagaaaa! Hindi kita boypren!!! Dubidubidubiduwaaaaa!!!!" buga ko nang hindi inaalintana ang bumubulwak na laway

"Eeee anseket ne" mangiyak-ngiyak na ang pokemon kaya ayan, pinakawalan ko na siya. At isa pa, baka sabihin niyong ubod na ang tulis ng sungay ko at itim ng budhi ko gayong sa katunayan, ako itong biktima ng sitwasyon! Hmpf! Nakanguso niyang hinaplos ang kanyang namumulang pisngi saka tumawa ng maka-ilang ulit animo'y kinikiliti ang pwet "Di ko sinasadya yun. Nadala lang ako ng selos, ng bugso ng damdamin ba. Bakit ba kasi tumitingin ka pa sa iba e nandito lang naman ako..." kamot niya sa batok

Bumakat ang kuko ko sa pisngi niya, buti nga. Belat.

"May puqe ka, may puqe ka?!" amba ko sa loko at tapon ng matalim na sulyap sa mga usiserang tila baga ang nasasaksiha'y telenobela.

Inakala kong sasampalin niya ako nang itaas niya ang kamay niya, ngunit ehem, malinis pala ang intensyon ng gago. Wala lang tinaas niya lang ang kamay niya wari'y taimtim na nanunumpa.

"Wala, pero tunay at tapat akong magmahal. Sakaling bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka, pangako hinding-hindi mo iyon pagsisisihan kasi araw-araw kitang pagsisilbihan at minu-minuto kitang liligawan na walang halong pag-iimbot at ng buong katapatan. Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap para sa'yo, bebi ko. Ito ang aking panatang maka-Soso. I love you." malambing at malakas ang kanyang tinig sanhi upang mas maraming tao pa ang makapansin sa amin. May paghalik sa sariling kamay pa siyang nalalaman bago ito inilagay sa tapat ng kanyang dibdib. Namuhi ako sa mga taong nangisay sa pagmamatamis ng pokemon.

Sa loob-loob ko, nandiri ako sa mga salitang binitiwan niya. Oo, yun talaga naramdaman ko. Pramis. Tignan niyo, nangasim ang sistema ko kaya ang dugo ko'y nagsi-akyatan sa mukha ko lalo na sa ilong ko! Oh di ba?!! Kaurat! Kaya naman hinablot ko ang mga orange, tumalikod, saka kumaripas palayo bago pa magkaroon ng kakaibang interpretasyon ang binata sa pagpapalit kulay ko from medyo maputi to fuchsia pink real quick.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon