Chapter 24

3.3K 202 78
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 24---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 24
---------------------------------------------------------

Tama lang na nandito kami sa presinto. Utak kriminal talaga ang gago. 'Tamo panay ang nakaw ng tingin sa akin porket abala pa si Dad sa pakikipag-usap sa pulis.

"Ikulong niyo na yan! Anong due process due process pa yang pinagsasasabi niyo?! Ito ang anak ko oh!" bigla akong hinablot ni Dad at pinaharap sa mamang matulis (ang baba) "Siya ang biktima. Siya ang makakapagpatunay na halang ang bituka niyang tarantadong yan!"

Dinuduro ni Dad si Blaise, subalit ang Pokemon? Tahimik lamang na nakatungo.

"Huminahon po tayo ser."

May umepal na isa pang pulis na hamak na mas matikas at may itsura kumpara sa nauna. Hinawakan niya sa balikat si Dad, and fvck sana pumikit na lang ako! Sana hindi ko nakitang kumislap ang mga mata ni Dad! Puqe! Huminahon nga si Dad kaya naging kalmado na ang sitwasyon.

Naupo kami doon for like ten minutes, walang imikan. 'Di na nangangahas sumulyap pa ang Pokemon. Nagkukutkot na lang siya ng kuko, habang ako, ito, nanonood sa kilos niya. Somehow I feel guilty. Dapat ba talagang humantong sa ganito ang pag-trespass ni Blaise sa bahay namin? Medyo naaawa ako sa kanya, malupit kasi talaga magbitiw ng mga salita si Dad (na namana ko).

Ang bumasag sa nakaiilang na katahimikan ay ang ingay na likha ng pag-usod ni Dad ng kanyang silya. Walang pasabi niyang tinungo ang pintuan palabas. Nagpalinga-linga ako, and yeah, alam ko na kung ba't siya lumabas. Susundan niya yung pulis na type niya.

"Pst..."

Galing kay Blaise ang sitsit na iyon. Sigurado ako. Gayunpaman, hindi ko siya hinarap at umasal na wari'y walang narinig.

"Pst... Pst..."

Feeling ko, alam niya rin na nagbibingi-bingihan lamang ako.

"Soso..." bulong niya.

Lumabas din ng silid ang natitirang taong kasama namin sa silid. Kaming dalawa na lang ang natira, kaya wala na akong dahilan para magkunwari pa.

"Ano ba?! Papantyut ka na naman e!" kontrolado ko ang boses ko dahil ayaw kong marinig ni Dad na nakikipag-usap ako sa kanya.

"Okay ka lang ba? Nauuhaw ka ba? May tubig ako dito."

Kinuha niya mula sa kanyang backpack ang tumbler na nangangalahati na ang laman. Bahagya niyang isinulong ang upuan niya para mapalapit sa'kin at maiabot ang tubig, pero pero pero, ikinainis ko lang iyon dahil sa nalikha nitong ingay.

"Tangina mo sige mag-ingay ka pa! Laklakin mo na lahat yang tubig mo, kupal." matalim na tingin ang iginanti ko sa tila ba kabutihan niya

Walang senyales na nainis o nasaktan siya sa sinabi ko.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon