Chapter 3

8.6K 346 82
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 3---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 3
---------------------------------------------------------

Totoo nga ang sabi-sabi, na sa pagitan ng alas-tres at alas-kwatro ng madaling araw, naglalabasan ang masasamang espiritu upang maghasik ng lagim, ng kasamaan, ng sampal! Paulit-ulit nila akong binubulabog, ngunit lakompake dun, not until lumakas na ang hampas--- hambalos nila sa'kin. Bumalikwas ako't hininto ang paghimbing.

"Lintian! Kanina ka pa pinapababangon! Que tamad tamad!" himutok ng naiimbyernang babae. Hindi niya tinigilan ang paghampas ng abaniko sa'kin hanggang sa ako'y umupo, todo-todong bumisangot.

"Hangaga-aga pa eh!" hikab ko. Marahas kong kinamot ang aking ulo saka siya'y siniringan. "Hantok pah kaya hako"

Dumistansya siya't tinakpan ang ilong. Aba kasalanan niya yan, lalapit-lapit siya alam na bagong-gising ako. Saka binigyan ba nila ako ng toothbrush kagabi? Hindi! Pinatulog nila ako nang hindi nagsesepilyo! Kebubuting mga nilalang!

"Walang antok-antok. Hinihintay ka na ng lahat." hindi na ako nahehele ngayon sa kanyang mahinhin na boses. Naiinis na ako, tunog kike.

"Bakit nila ako hinihintay? May utang ba 'ko sa kanila? Chix ba yan? Kung gayon, paraanin mo ko't popormaha---"

Akmang tatayo ako nang mariing pisilin ng babae ang aking balikat.

"Walang sinuman ang maaari mong suyuin dahil mayroon nang nagmamay-ari sa'yo." makahulugan nitong tugon. Aba stalker talaga, alam na may syota ako "Kumilos ka na ng mabilis. Naaantala ang ritwal dahil sa'yo."

Ritwal? Iaalay na ba nila ako sa mga anito?

Bago ko pa man maiwika ang nabuong katanungan sa aking isipan bunga ng kanyang huling pahayag, ako'y kanya nang tinakasan. Nako, ang mga babae talaga, mahiwaga, hilig lumisan nang walang matinong paalam. Tuloy, ang mga katulad kong kalalakihan, nagkakanda-kuba-kuba na kaiisip sa kanilang ibig ipahiwatig. Subalit bilang ako'y isang lalaking hindi basta-basta, gumamit pa ako ng istatistika para alamin ang probabilidad na i-lechon nila ako ngayong araw. Base sa aking masususing kalkulasyon, may 50% chance na gawin nila yun. Paano ko nakompyut? Simple lang. Kinuha ko ang square root ng 10,000 at dinivide sa product ng 2, tangent of 45, sine of 90 at cosine of 720. Teka, may alam pa akong shortcut para dyan. Kuhanin lamang ang value ng 65 cube less logarithm of---

"Sinong kausap mo dyan? Baliw ka ba?" buska sa akin ng babaeng bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan.

"Lakas natin, dre ah. Ako pa talaga? Patawa ka." nanghahamak akong tumawa.

Ako'y kanyang inismidan.

"Ayan ang kagamitan. Magsepilyo ka ng ayos ha." matapos niya akong hagisan ng bag, siya'y humayo na.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon