Chapter 14

5.5K 269 64
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
Chapter 14
---------------------------------------------------------

"Wow bago na naman ang gimik natin ah" hampas ko sa balikat ni Blaise. Napalakas yata mga dre, nadinig ko ang mahina niyang pag-aray. Nang tiim-bagang niya akong lingunin ay naiilang akong bumungisngis.

Naglalakad siya sa hardin, nakasukbit sa leeg ang camera, kinukuhanan ang mga nadaraanan na nakapupukaw ng kanyang pansin. Sinusundan ko siya ngunit hindi ako sumasabay sa kanyang paglakad. Oras na dapat para sa aming paglalaro sa playroom subalit nang tunguhin ko iyo'y walang tao, dito ko nga natagpuan ang loko.

"Nice outfit. Jologs no more." puri ko sa kanyang kasuotan na kanyang ipinagsawalang bahala.

"Bakit mo naisipan magganyan? Anong trip mo?" tanong ko rito pagkuwan. Humarap siya sa'kin at ninakawan ako ng litrato. Panigurado nakanganga ako sa litratong yun "Putek, wag mo yan ipapasok sa peysbuk ah. Kutos ka sa'kin."

"Nakita mo ba yung kahon sa kwarto mo?" paglilihis nito sa usapan. I arched a brow.

"Yep. Sa laki ba naman nun, pagmulat ng mata ko, yun agad ang sumambulat. Hanuyun? Ba't may ganun? Para sa'n yun?" 'lam niyo, itong lalaking 'to, napakahilig iwasan ang mga katanungan ko. Tinatalikuran niya ako parati ng walang nakukuhang sagot mula sa kanya. 'Tamo iniwan niya ko, papasok na siya sa mansyon.

Pa-misteryoso.

"Blaise-toise, para saan nga yun?" sigaw ko.

"Bring it upstairs. Sa playroom." malamig ang kanyang boses.

Nagbabalik na naman yata siya sa kanyang tunay na sarili mga kapatid. Kinabahan ako bigla. Mabilis kong tinungo ang aking kwarto't lumuhod sa tabi ng kahon. Idinikit ko ang aking tenga sa gilid nito, pinakinggan ang ingay na nagmumula sa loob, subalit wala akong narinig. Walang buhay na nilalang sa loob na bahagyang ikinapayapa ito ng aking dibdib.

"Ikamamatay ko kaya ang laman nito?" pagkausap ko sa hangin. Hindi ko mapigilan ang mag-isip. Itiwarik man ang mundo, si Blaise ay mananatiling si Blaise, ang pumatay kay Angelo. Kayang-kaya niyang gawin sa'kin ang ginawa niya sa kaibigan ko, kung kailan niya mamarapatin.

Gayunpaman, there's something about that boy na kahit naghihinala at natatakot ako sa kanya dahil sa pabago-bagong takbo ng kanyang utak, may tumutulak pa rin sa'kin upang siya'y lapitan, kausapin, kaibiganin, ma--- nevermind. Pakiramdam ko ligtas ako kahit siya ang nasa tabi ko. Ewan ko ba. Siguro malapit lang talaga sa puso ko ang mga siraulo, dahil sa aminin ko man o sa hindi, nasa iisang bangka lang kami.

Or maybe, malakas lang talaga ang paniniwala kong there is more to him than meets the eye.

Speaking of 'meets the eye', naligaw ang paningin ko sa pares ng kasuotan na nasa aking kama. Noong tinupi ko ang kumot kanina, wala naman iyon doon. Nilapitan ko ito saka ko binasa ang sulat na nakapatong rito.

"Isusuot mo 'to o isusuot mo 'to? -B" malakas kong pagbasa. Bilang wala naman akong pamimilian, isinuot ko na rin ito. Cool naman eh. Navy blue long sleeves at pantalon na may pahiga at patayong linya-linyang puti. Hamak na mas maginhawa na itong suutin kaysa sa bestida, bra at high heels.

Ilalabas ko na sana ang nakakubling Hercules sa aking pagkatao subalit hindi na pala kailangan. Kahit si simpleng Crisostomo Molino ay kayang buhatin ang malaking kahon nang hindi man lang pinapawisan kahit isang butil. Easy. Isa itong buhay na patunay na hindi lahat ng malaki, maraming laman. Minsan, sa sobrang paggamit, nagkakaubusan, hanggang sa isang patak na lang ang kaya ilabas kada putok. Take it from me, I know that too well.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon