Chapter 35

2.7K 140 76
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 35---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 35
---------------------------------------------------------

"Hindi naman siguro ako palalayasin ng magulang mo ano?"

Naalala ko lang while we're otw na masama ang loob sa akin ng mag-asawa dahil sa pang-aabuso ko sa kanilang anak noon. Kung kailan talaga malapit na kami sa destinasyon, saka ko pa naisip itong ganito. Hirap din talaga makisama itong utak ko.

"'Di. Mahal ka ng mga iyon."

Sana hindi lang sila ang nagmamahal sa'kin. Sana ikaw din gago.

"Ehhhh nahihiya ako..."

Noong nasa Italy ako, naging hobby ko ang pagtitig sa orasan, ang bantayan ang oras, ang mangarap na darating ang panahon na hihinto ito, hihinto ang mundo at mananatili ang lahat sa kasalukuyan nitong kundisyon. Subalit ngayon, ngayong nandito na ako sa Pilipinas, kasama ang taong gusto kong makasama maging hanggang sa dulo ng magpakailanman, ang dalangin ko ay umikot ang orasan ng walang humpay, huwag mapagod at manatili ang lahat sa kasalukuyan nitong kundisyon.

Nakasandal ako sa pinto ng kotse, kaya nang buksan iyon ng Pokemon, bumagsak ako sa lupa, plakda, sanhi upang magising ang aking diwa.

"Sorry." haplos niya sa pisngi k9 at pagpag sa damit ko

"Anong--- napaka neto!" Idinuldol ko rin ang mukha niya sa lupa para parehong marumihan ang mukha namin. Para kapag nagka-pimple ako, magkakaroon din siya, at ang ibig-sabihin no'n, ako ang pimple niya at siya ang pimple ko. Tangina ano ba ang pinagsasasabi ko gunggong?!

"Tara na." hablot ko sa kamay niya. Magkadaop-palad kaming pumasok ng mansyon, kunyare na lang unconscious ako na magkadikit iyon. Sa bungad pa lang ay sinalubong na kami ni Donya Bolbs

"Musta ang Donya?" beso ko sa kanya mala-amigang tong-its playmate. Nang matanaw ko si Don Sol sa sofa ay nag-bless naman ako dito "Makikitulog ako sa inyo, okay lang?"

"Okay lang yan." sabat ni Blaise dahil sa kawalan ng sasabihin ng mag-asawa.

Bilang okay lang naman, niyakag ko na si Blaise na umakyat. Hayaan na ang magulang niya na mapasukan ng langaw ang bunganga. Tinunton namin ang kanyang silid, ngunit akmang bubuksan ko na iyon ay rumehistro sa aking utak ang kwento ng tangang aso.

"Bakit?" napansin niyang natigilan ako.

Binitawan ko na ang kamay niya. Ang sakit pala maging kerida.

"Saan ako matutulog?" tanong kong ganyan, nagpapanggap na chill lang

"Saan mo ba gusto?"

"Kala mo naman pwedeng makihati ako sa kama mo e no?" sadyang madulas talaga ang dila ko

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon