Chapter 17

6.1K 270 89
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 17---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 17
---------------------------------------------------------

Nabulabog ang pagmumuni-muni ko nang sa 'di inaasaha'y may namanata.

"Energy energy gap beat energy gap drink milo everyday..."

Kumurap-kurap ang aking mata. Ako'y namangha dahil nagtapos ang kanyang awit-kuno ng wala akong nadinig maski katiting na emosyon.

"Salamat sa iyong makabagbag-damdaming tula ano." lingon ko. Tinapik ko ang sahig sa aking tabi upang ipahiwatig na siya'y maupo doon. Kakikitaan ng lumbay ang kanyang ekspresyon.

Walang gana niya akong tinabihan at inabutan ng tasa na may lamang maligamgam na tsokolate. Matapos nito'y tumulala na siya sa tubig.

"Inumin mo yan. May energy gap ka e."

Tinitigan ko siya. Mukhang nanonood na siya ng TV ngayon ah. Tinitigan ko ang tasa. Naghatid ito ng mensahe sa akin na ayoko sanang isipin.

Nag-aalala ang pokemon sa akin.

Kasi nga, gusto niya a---

Wala.

Humigop ako ng kaunti.

"Hindi masarap. Di mo nilagyan ng asukal." mahinahon kong protesta

"Akala ko kasi ganyan pa rin ang gusto mo."

Huminga ako ng malalim. Sumasakit talaga ang ulo ko sa tuwing may mga matatalinghagang bagay na sinasabi ang mga tao sa aking paligid. Hindi ko mawari ang gusto nilang sabihin kahit anong pag-intindi ang aking gawin. Mapurol na yata ang kokote ko.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang sinabi niyang iyon.

"Pwede bang kantahan mo ulit ako?" hiling ko. Mas nais ko yung pakiramdam na kinakantahan ako kaysa ginugulo ang isip ko.

Siya naman iyong huminga ng malalim at umiling-iling.

"Hala? Isa lang... Sige na, baby." I can't help but to call him baby everytime nag-iisip bata siya.

Sinulyapan niya ako saglit. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang utuin siya sa pamamagitan ng pagnguso at pagpapaumbok ng pisngi. Ang akala ko'y noong ibinalik niya ang tingin sa tubig ay binalewala niya na ako, yun pala,

"Energy energy gap beat energy gap drink milo everyday..."

Napangiti ako nang kumanta siya na bagama't walang emosyon ay nasa tono naman. Kinurot ko ang pisngi niya ng madiin na madiin.

"Cute." papuri ko. Namula ang parteng pinanggigilan ko.

Kung pagmamasdan siya, parang mas malungkot pa siya kaysa sa'kin. Parang siya ang hiniwalayan. Parang siya ang may pangarap na naantala ang pagsasakatuparan. Kinurot ko ang ilong niya.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon