Chapter 29

2.4K 164 94
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 29---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 29
---------------------------------------------------------

Good morning, Soso! Alam ko naman na hindi mo nanaisin na isang panget ang makita mo ng umagang-umaga, kaya nagdesisyon akong umuwi na bago ka pa magising. Hehe. Magaling na ang Dad mo *smiley*. May breakfast na rin na nakahanda sa lamesa. Kain ka ng marami ha. Masarap yun, promise. Huwag ka po magpapagutom. I love you *smiley, tatlo*

Nilukot ko ang papel, madiing madiin, saka iyon ihinagis sa basurahan for threeeeee. Asintado. Moom manes.

Sa kabilang dako, tulog pa rin si Dad.

Ginawa ko muna ang mga ritwal ko sa umaga, nakipagtalo sa isip ko, bago binalikan ang sulat ni Blaise at itinago iyon.

****

"Tanga ka talaga! Alam mo bang nasasaktan ako sa ginagawa mong 'to?!" sa lubusang pagduldol ko sa ulo niya'y kamuntik-muntikan ko iyong maihampas sa pader.

"Sorry na boss. Pero kailangan talaga kitang pilitin sumama sa'kin kasi alam ko, sigurado akong sasaya ka sa pupuntahan nating ito. Promise. Just trust me, please."

"Gago ka ba?" kaltok ko ulit. "Alam mo bang nasa ospital pa rin ang ama ko? Ano porket nasalisihan mo siyang natutulog, bigla mo na lang ako hihilahin at isama ako sa kung saan. Anong akala mo sa'kin?! Keychain na kahit saan pwede mo dalhin?!"

"Oh sige, kung ayaw mo talaga, hindi na kita pipilitin. Kung dyan ka masaya, sige dyan na rin ako. Balik ka na sa ospital. Kung kailangan mo ko, text mo lang ako. Ako na mag-aadjust."

"Baluga."

****

"Sa'n ba tayo?" text kong ganyan one and forty-five minutes after naming maghiwalay. Pinag-isipan ko ng maigi kung sasama ba ako sa kanya o hindi.

"Secret." reply niya na may pagdila pang nalalaman. Kung naririto lang siya sa tabi ko, binatuktukan ko na siya.

"'Pag di mo sinabi kung saan tayo pupunta, hindi ako sasama." mataray ba ang tugon ko? Puta it's not me.

"Your loss, not mine." aba't dinilaan niya na naman ako!

"Isa pang dila mo bubugbugin na kita." gigil kong sagot.

"Teka lang po. Di ko pa tapos dilaan buong katawan mo e." hindi lang isang nakadilang emoji ang nilagay niya, bagkus ay bente! At sa dulo ng benteng nakahilerang dilang iyon ay nakakuyom na palad at tubig na tila ba sumabog. Pota alam ko meaning no'n, libog ang gago.

Manginig-nginig ako sa pagtatype ng tugon nang matanggap ko ang pahabol niyang mensahe na 'Joke.'

"Tara na." biglang sambulat ng gago mula sa kung saang lupalop "Tingin ko, hindi magandang ideya kung aabutin tayo ng gabi sa pupuntahan natin. That would be very creepy." nagmake-face siya na animo'y natatakot. I sighed.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon