Chapter 27

3.1K 166 129
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 27---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


---------------------------------------------------------
Chapter 27
---------------------------------------------------------

"'Nak bili ka nga ng toyo sa tindahan..."

Pinakiramdaman ko kung nagbibiro ba o ano si Dad, subalit nang nanatiling seryoso ang kanyang ekspresyo'y nangamba na si ako.

"Seriously? Baka ma-kidnap na naman ako. Kaw na lang Dad."

Pero sa totoo lang, 'di ako natatakot na madukot ulit, tinatamad lang talaga ako dahil maalinsangan ang panahon. Somewhere deep in my heart, umaasa akong ma-kidnap ako ulit--- ay hindi pala--- ay ewan.

Pumasok ako ng banyo at nagtoothbrush, samantala si Dad naman ay nagpunta sa kusina't ipinagpatuloy ang kanyang pagluluto.

"Galit ka sa'kin? Ramdam ko sa pakikitungo mo mula pa kagabi na may hinanakit ka."

Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin at dahan-dahang nagsepilyo. Sinadya kong tagalan, para makalimutan ni Dad ang itinatanong niya. Nagbilang muna ako ng bigote bago lumabas ng restroom.

Napagdesisyunan kong sa kwarto muna manatili habang hinihintay ang tanghalian, pero hinarang ako agad ni Dad sa unang baitang pa lamang ng hagdan.

"Anong problema?"

"Wala?"

"Wala?! E bakit ganyan ka?"

"Antok pa? Hilo? Ewan. Basta aakyat ako sa---"

"Answer me. What is it?"

Inis ako kay Dad, at ngayon inis na rin siya sa'kin dahil ayaw ko sabihin kung ano ang kinaiinisan ko sa kanya. Bakit ko pa ba kasi sasabihin e wala namang kwenta 'to? Hindi mahalaga. Dapat wala akong pakialam sa pamilya ni Blaise. Hindi ko naman sila kaanu-ano.

"Wala nga." hinawi ko siya saka nagmamadali akong pumanhik, ngunit mas mabilis siya kaya nahaharangan ang daraanan ko.

"Soso anong bumabagabag sa'yo?!"

"Bakit mo ba kasi ipapakulong pa sila Blaise?! 'Di ba sabi ko sa'yo, 'wag na. Aalis na nga tayo para matapos ang gulo, pero ikaw, plano mo pang idemanda sila kapag umalis na tayo."

Sumidhi ang kanyang inis.

"Ano, nagsumbong sila sa'yo? E mga duwag naman pala sila e! Nagtatapang-tapangan pa pero sa huli, magtatago rin pala sila sa likod mo. Utu-uto ka naman! Ano? Sabihin mo nga, ano naman sa'yo kung mabulok sila sa selda? Bakit concerned ka sa kanila? May naaalala ka na ba? Mahal mo na ulit si Blaise? Bakla ka na ulit?! Ipagpapalit mo na ulit ako sa pamilyang 'yon? Gano'n ba, Soso?"

"Wala akong naaalala daaaaaa---"

Nang nasa ikapitong baitang na ako'y sumala ang aking hakbang kaya nawalan ako ng balanse. Sinubukan kong pigilan ang aking pagbagsak sa pamamagitan ng pagkapit sa balikat ni Dad, subalit naging sanhi lamang iyon upang pareho kaming magpagulong-gulong pababa ng hagdan. Hindi ko alam kung sino ang mas napuruhan sa aming dalawa, ang alam ko lang, tumama ang ulo ko sa kanto kaya ito, mahilo-hilo ako.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon